Chapter 36

1761 Words
Chapter 36 MAE'S POV "Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" Kausap ngayon ni Mae ang secretary sa labas mismo ng Opisina. "Ayaw ko ng mga delay na mga paperworks, naiintindihan mo ba ako?" "Opo Mam, natapos ko na po." Anito. "Tumawag sa akin kanina si Sir, gusto niya daw kayo maka-usap Ma—-" hindi na narinig pa ni Mae ang sunod na sinabi nito na naging okupado kaagad ang isipan. Nakita ni Mae ang lalaking dumaan medyo may kalayuan din kong saan sila naroon ng secretary nito. Palinga-linga pa ang lalaki at mukhang may hinahanap ito. Hindi lamang simpleng lalaki ang nakikita ni Mae, kundi isang delivery guy at may bitbit pa itong regalo. Regalo na manumbalik ang kaba at takot sa kanyang puso. Kaparehong-kapareho ang regalo na natatanggap niya. Nasundan niya ako muli? Bumalik siya? Palinga-linga pa ang lalaki na animo'y hinahanap nito kong saan idadala ang regalo. Sa segundong lumilipas, namumuhay ang kaba at takot sa puso ni Mae. Aaminin niya sa sarili nag karoon na siya ng trauma at takot sa tuwing nakaka-kita siya ng delivery guy o kaya naman regalo. Sandali, Ibibigay niya ba iyon sa akin? Hindi pinuputol ni Mae ang titig sa delivery guy, hindi pa rin mahanap kong kanino iyon idadala. Naging malilikot na ang mata ni Mae sa takot, kamuntik na siyang mapa-sigaw na may humawak na malamig na kamau sa balikat niya. "M-Mam? Ayos lang po ba kayo? Namumutla ata kayo," puna ng secretary ko. Namumutla ang labi, na kina-balik ni Mae nang tingin muli ang delivery guy at binigay nito ang regalo na hawak sa isa sa mga empleyado ko dito at nag lakad na ang delivery paalis. Aaminin ni Mae na nabunutan ng tinik ang dibdib na hindi para sakanya ang regalo na iyon. Aatakehin na siya sa takot kong posibilidad na sa akin nga talaga iyon ibibigay. "Gusto niyo Mam, ng tubig?" Pag-aalok nito na kina-kurap naman ng mata niya. "O-Oo, ayos lang ako." Pilit na pinapakalma ni Mae ang pananalita at ang secretary ko hindi pa rin maalis ang pang takot sa mata nito. "T-Tapusin mo na lang ang gagawin mo. Understand?!" Kahit takot man, gusto pa rin ipakita ni Mae na wala siyang kinakatakutan na kahit na sino. Nilunok ni Mae ang laway sa huling pag-kakataon at nag lakad na paalis. Pabagsak niyang sinarhan ang pintuan ng Opisina at sinandal niya ang likod sa pinto. Shit! Ano bang nangyayari? Hindi dapat ako matakot nang ganito. Hanggang maka-uwi si Mae, tolero at maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Sa tuwing pinipikit niya ang mata, naiisip niya ang posibilidad na mangyari na bigla na lang bumalik ang nanakot sa akin at ilabas nito ang totoo sa kanyang nalalaman. Umupo si Mae sa malambot na kama at tinignan si Mark sa tabi, na mahimbing na itong natutulog. Sinapo ni Mae ang mukha at mag papasado alas dos na nga ng madaling araw, heto't bukas na bukas pa rin ang kanyang diwa at hindi pa rin maka-tulog. Pilit niya man na hindi mag isip ng kong ano-ano, subalit namumuhay ang kaba at takot sa dibdib ko, na wala naman dapat ikabahala. Tumayo si Mae , para tumungggo sa kusina para uminom ng tubig dahil nauuhaw na siya. Nag lakad na si Mae pababa at sumalubong kaagad sa kanya ang madilim nilang living are, wala kanang makikitang bakas na taong gising ng gabingiyon at malalim na nga ang gabi. Nilamon na ng kadiliman ang bawat kasulok-sulokan ng kanyang bahay, hindi na rin binuksan ni Mae ang ilaw dahil nakikita niya pa naman ang paligid dulot ng liwanag mula sa ilaw sa labas. Tinunggo na ni Mae ang kusina at kumuha na rin ng baso, nag lakad muli papunta sa ref para kumuha nang malamig na tubig at sinalinan niya ang baso na hawak. Napunan ang uhaw na madarama ni Mae na humahagod sa lalamunan niya ang malamig na tubig. Mainggat na rin nilagay ni Mae ang baso sa lababo para bumalik sa silid nilang dalawa ni Mark para makapag-pahingga na. Ihahakbang na sana ni Mae ang paa paalis, nang may bagay na mag pahinto sakanya sa kadiliman sa kusina na maagaw ang atensyon. Nakita ni Mae ang matangkad na pigura malapit sa pintuan at kanina pa ito nanunod sa akin. Maitim na pigura, at hugis tao iyon. Inaaninag ni Mae na makilanlan ang maitim na pigura, subalit hindi niya pa rin makita ang mukha nito dahil nilamon na iyon ng dilim. "Manang?" iyan na lang ang naibigkas ni Mae. Ang katulong lang nila ang unang pumasok sa isipan ni Mae na magising ng ganitong oras. Hindi rin uminggos at sumagot sa akin ang maitim na pigura at nanatili lamang itong naka-tayo at pinapanuod pa rin ako. Aaminin ni Mae sa sarili na makadama ng kilabot at takot sa katawan ng sandaling iyon, wala naman na rason para takutin ang sarili niya. "Bakit gising ka pa, Manang? Matulog kana dahil maaga ka pa mamaya," kinakausap na lang ni Mae ito para maalis ang takot sa puso. "Manang, sinabi na ngang matulog kana," kinakausap pa din ni Mae ang maitim na pigura sa harapan. Nairita si Mae sa pag babastos nito sakanya na hindi ako sinusunod. Lumabas ang usok sa ilong ni Mae at sumugod na dito para pagalitan. Gusto niya talagang mabungangaan ko, bago sumunod sa akin. "Hindi mo talaga ako susundin? Gusto mo talang matamaan sa aki------" hindi na natapos ni Mae kong ano man ang sasabihin nang mapag-tanto na hindi pala siya dapat lumapit dito. Nagimbal sa takot ang puso ni Mae na inaasahan na si Manang ang makakaharap niya ngayon, kundi ang nakakatakot na nilalang sa harapan ko. Ano ito? Bakit ganito? Namutla si Mae at nag danak ang malamig na pawis sa katawan na kaharap ngayon ang matangkad na babae at naka-suot ito ng puting bestida. Mahaba din ang buhok ng babae at namumutla ang balat nito, na naagnas na. Tumitig sa akin ang nakaka-kilabot na nilalang at lahat puti ang mata nito. Ginalaw pa ng babae ang leeg nito, at naririnig ko ang pag kabali ng buto nito. Nakaka-gimbal. Nakaka-takot. Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw, subalit nanigas na ang katawan niya at inunahan na nang takot ang buong kalamnan niya. "I-Ivonne." nabigkas ni Mae na makilala ang nilalang. "N-No, patay kana, patay kan--AHHH!" humawak ang malamig na kamay nito sa aking pulsuhan at hinihila ako kong saan. Ginamit ni Mae ang huling lakas sa katawan para mabawi ang sarili na mapa-bitaw ito ng pag-kakahawak sa akin. "AHHH!" Hinila ko ang braso ko nang malakas at kusang napa-salampak ng upo sa malamig na tiles, hindi niya na rin dinama ang sakit ng balakang, at nangingibabaw pa rin ang kilabot sa nakakatakot na nilalang sa harapan ko. "N-no, please. Layuan mo ako. Lumayo kana, patay kana. P-patay kana," Impit pa rin na sigaw ni Mae at hindi namalayan na nanginginig na ang katawan sa takot. Umaagos na ang luha sa kanyang mata at hindi maipaliwanag ang sindak at kilabot na maalala pa rin ang nakaka-takot na itsura nito. Bumukas ang ilaw sa kusina. Nakatakip pa rin si Mae sa mag kabilang ang taenga at naka-pikit ang mata nito. "H-Hindi ka totoo, hindi ka t-too, patay kana. Patay kan---" napatigil si Mae sa pag-iyak na humawak sa mag kabila niyang balikat. "Mae, Mae!" niyugyog ni Mark ang balikat ko at doon lang binuksan ni Mae ang mata. Nag-aalalang mukha ni Mark ang bumunggad sa akin. Nang makita niya si Mark, nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil alam kong pro-protektahan niya ako. "M-Mark," impit kong pag-iyak na pag susumbong dito. Palinga-linga ang aking tingin, at sa likuran ni Mark si Manang at Mia, at halatang nagising ko ito sa malakas kong pag-sigaw kanina. "What happened? Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Patuloy na lumalandas ang luha sa pisngi ni Mae, at niyakap na lang nang mahigpit si Mark at humahagolhol pa rin na iyak sa balikat nito. Kusa ng nawala ang multo ni Ivonne sa silid na iyon, hindi pa rin mapapantayan kong anong kilabot ang nasaksihan ko kanina. LEA KRISTINE'S POV Binabasa ni Lea ang napaloob sa documents na hawak tungkol sa proposal ng aming kompaniya at sa kompaniya ni Mr. Chavez. Gusto man ituon ni Lea ang atensyon sa binabasa, ngunit hindi ko maiwasan na madistract na sinisilip si Mae sa harapan ko. Nag kita sila ngayon na dalawa sa sikat na restaurant para mapag-usapan ang mga bagay-bagay about sa investment. Kanina pa, naka-upo si Mae sa harapan ko. Aligaga ito at malilikot na rin ang mata na para bang may kinakatakutan ito. Mag lagay man ito ng foundation at concealer, hindi pa rin matatakpan ang pangingitim ng ilalim ng mata nito. Nag tataka ako, ngayon dahil ibang-iba na si Mae kumpara noon. Binaba ni Lea sa lamesa ang binabasa dahil hindi ko na talaga kaya na panuorin siya. What the heck? "Are you okay, Mae?" Nahinto ito sa ginagawa sa aking tanong. "Ang putla ng kutis mo at lalong lumaki ang eyebags mo, kumpara no'ng huli kitang nakita." "Don't talked to me," pag-susungit nito. She looks so weird than I'm expecting. "Hindi ibig sabihin na nag kita tayo ngayon na dalawa, pwede mo na akong kausapin!" I like her confidence. "Tapusin na natin ito para maka-uwi na rin ako!" "Okay." Ngumiti ng matamis si Lea at kinuha ang ballpen at pinirmahan na rin ang dapat pirmahan. "Hindi ka naman siguro binibigyan ni Mark ng problema kaya ka stress ngayon." "I said I'm not f*****g stress!" Napataas ito ng boses. Kina-pikit ni Mae ang mata para humugot ng pag kakalma sa sarili. "Hindi ako binibigyan ng stress at problema ni Mark, katunayan masaya siya ngayon na ako ang kasama niya. We're finally happy na kompleto ang pamilya namin.. Tanggapin mo na rin kasi Lea na ako ang mahal ng asawa mo," napa-buga na lang ng hangin si Lea sa sinasabi nito. Hindi na ako maapektuhan kong ano man ngayon ang sinasabi niya. "Good for you." Nilapag ni Lea ang ballpen sa lamesa, hudyat na siya sa dapat niyang gawin. "And I'm happy for you. Alam mo, nabunutan ako ng tinik na nawala na si Mark sa buhay ko." Tumayo si Lea sa kinauupuan at nag lakad na. Bago paman lumampas ako kay Mae hinawakan ko siya sa balikat at sabay sabi ng ganito. "Huwag mo rin kalimutan na matulog Mae, marami pang mangyayari," pasimpleng ngumiti si Lea at tinalikuran na ito. Nag lakad na siya palabas nang restaurant at kahit naka-talikod na ako, ramdam ko pa rin ang pag sunod na titig nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD