Chapter 15

1864 Words
Chapter 15 LEA KRISTINE'S POV "M-Mark." Iyan na lang nabigkas ni Lea na makita ang asawa. Sobrang dilim at hindi maipinta ang mukha ngayon ni Mark sa galit. Kulang na lang patayin nito ng matatalim na titig si Edward. Kahanga-hanga dumating ka nga, Mark. "Tangina, kilala mo ba ito Lea?" Padabog na inalis ni Edward ang kamay nitong naka-hawak kay Mark. Ngayon silang dalawa naman ang nag kokompitensiyahan ngayon na matatalim na titig sa bawat-isa, na walang gustong mag patalo. Para bang isa akong masarap na putahe na pinag-aagawan nilang dalawa. Ang sarap naman nilang pag masdan pareho. "Oo, kilala ko siya." Kasabay na matamis na ngiti na kina-tayuan ni Lea sa kina-uupuan. "You what Edward, ayaw ko na makipag-laro sa'yo." "What?" Nag kasalubong ang kilay nito. "I got bored. Naisip kong sa iba na lang akong lalaki makikipag-laro.. Ang boring mo kasi at hindi ikaw ang klase nang lalaki na magugustuhan ko mamaya sa kama." Lumawak ang ngisi sa labi ni Lea—-na kina pula naman ni Edward sa galit. "Tangina talaga!" Iritadong umalis si Edward—gusto man nitong patulan si Mark, subalit mas pinili na lang nito hindi makipag-gulo. Sinundan na lang ni Lea nang tingin si Edward hanggang sa lamunin na ito ng mga taong nag kakasaya sa dancefloor. Bumaling ng tingin si Lea sa gawi ng asawa at hindi pa rin matimpla talaga ang expression ng mukha nito ngayon. Galit na galit itong tumitig sa akin, at hindi nagustuhan kong ano man ang nasaksihan niya kanina. Kong sa pakikipag-laro lamang, game na game doon si Lea. Mag bibitaw sana si Mark na marahas na salita, at mabilis naman suminggit sa gawi namin ang parating na si James. Naka-yakap kay James ang isang babae na sobrang ikli ng damit at halatang kaladkarin nang kahit na kaninong babae. "Lea." Salubong na bati ni James, at may malawak na ngiti sa labi. Nabigla naman ang mukha ni James, na mapansin nito ang presinsya lamang ni Mark sa tabi ko. "M-Mark? Wow! Hindi ko akalain na pupunta ka dito. Akala ko ba busy ka ngayon?" "Bawal na bang mag bag bago ang isip ko?" Pag babara nito kay James. "Sobra naman mainitin ang ulo mo Mark, mas mabuti na rin na nandito ka. Marami akong kakilala na mga babae, baka gusto mong ipakilala ko sila sa'yo." "No thanks," pag tatanggi nito. "Okay.. So nandito kayong dalawa, mag enjoy at mag pakalasing kayo dito sa mga alak!" Anito. "Honey, doon na tayo!" Albuturo ng babaeng kasama nito. Hinawakan ni James ang baba ng babae at nag katitigan ang dalawa ng malagkit. "Pano ba iyan? Nag yaya na ang cupcake ko na umalis.. Mag kita na lang tayo Mark at Lea." Pahabol pa ni Edward ay nag lakad na ito kasama ang babaeng akbay ni James. Kanina pa naka-upo si Lea sa isang exclusibo lamang na couch para lamang sa kanilang dalawa ni Mark—-naka hain sa lamesa ang iba't-ibang matatapang na inumin at kainin. Binaling ni Lea ng tingin si Mark, naka-upo at hindi naman malayo ang distansiya sa akin. Kong pwede niya lang ako sakali, kaya niya akong maabot sa kina-uupuan ko. Naka-ramdam ng pag kabagot si Lea na kasama si Mark sa isang pwesto, hindi naman sila nag kikibuan at halatang ayaw niyang makipag-usap. Hindi niya sasayangin ang oras niya na samahan lang itong umupo—gagawin ni Lea ang matagal niya ng plano! Ang pag selosin ito ng todong-todo. Kong hindi mo ako papansinin Mark, makikipag laro na lang ako sa iba! Tatayo sana si Lea sa kina-uupuan ng mag salita ito. "Umupo ka." "Hindi ko kailangan ng permiso mo!" "Ang sabi ko, upo lang!" Matalim nitong salita, sa puntong ito kailangan ko nang sumunod. Inis na napa-salampak muli si Lea sa kina-uupuan at inis na binalingan ito. "The hell, ano bang problema mo?" Iritado kong tanong. "Wala." "Tangina naman Mark, tutunganga lang ba ako dito na kasama ka?" "Bakit, babalikan mo ba ang tarantadong kasama mo kanina?!" Tukoy nito kay James. Wow! Hindi naman halata nag seselos ka ano? "Wala kanang pakialam doon. Bakit nag seselos ka ba?" Umiwas ito nang tingin at naging sunod-sunod ang pag tungga nito ng alak. Totoo nga! Nag seselos ka nga ang gaga! "Hindi ako nag seselos! Ang sabi ko lang, piliin mo ang mga taong pinakikisamahan mo. Hindi mo ba nakita, binabastos kana ng tarantando na iyon! Dapat sana binasag ko na ang bunggo niya kanina!" Kahit mahina rinig na rinig ni Lea ang himutok nito sa galit. "So hindi ka nag seselos, you still care for me Mark?" "The hell no!" He snorted. Ts! Sige i deny mo pa! Halatang-halata naman! "Talaga lang ha? Tignan lang natin." Ngumisi si Lea sa asawa. Nilabas ni Lea ang sigarilyo sa bulsa at sisindihan niya na sana nang hablutin iyon ni Mark. "Tangina, ano bang ginagawa mo? Hindi kana man ganito ah!" Mahina nitong asik. Kahit malakas ang tugtog sa loob ng Club, klarado pa rin sa pandinig ni Lea ang sinabi ni Mark. "Bakit ano ba ang gusto mo? Iyong Lea na mahina at parati mong binubogbog, ganun ba gusto mo Mark?" Pang babara ko pa. Hindi na nag salita pa si Mark, subalit naroon ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Lea croses her leg, kaya't tumambad ang makinis niyang balat sa suot na kasuotan. "Gagawin ko ang gusto ko at kahit makipag halikan man ako sa mga lalaki dito, wala kanang pakialam doon gaya nang pag hindi ko pangingialam sa buhay mo!" Mabibigat ang paraan ng pag-hingga ni Mark, at nag pipigil lamang na patulan ako. Sige lang! Ilabas mo ngayon ang galit mo Mark. "Ano b—-" hindi na natapos ni Mark ang sasabihin nang tumunog ang cellphone niya, at nakita kaagad ni Lea na ang pangalan ni Mae ang nag appear sa screen. Patuloy lamang tumutunog sa kamay ni Mark ang cellphone, walang balak na sagutin iyon. "Oh? Wala kang balak na sagutin ang tawag? Sagutin mo na." Pang-iinis pa lalo ni Lea sa asawa. Tumitig lamang ng matalim si Mark at hinayaan lamang iyon tumunog. "Oh bakit hindi mo sinasagot? Diba dati naman para kang aso na buntot na buntot kay Mae, bakit hindi mo ulit gawin iyon!" "Damn it!" Matinis na mura nito at pinatay ni Mark ang cellphone at pag katapos tinuon na lang ang atensyon sa pag-inom. "Walang aalis! Dito ka lang!" "Sabi mo eh." Ngumisi na lang ng makamandag si Lea sa harapan nito at kinuha na rin ang margarita sa isang tabi at nilagok iyon. ***** "Don't touch me, hindi ako lasing." "Edi don't." Nauna nang mag lakad si Mark patunggo sa silid nito. Pagiwang-giwang na ito mag lakad dulot nang kalasingan. Pasado ala una ng madaling araw sila ng maka-balik sa resthouse, samantala naman si Mark—ito lasing na lasing. Hinayaan na lamang ni Lea na malasing ito kanina, hindi ko na rin sinabayan pa ang trip nitong mag lasing dahil wala naman talaga akong plano. Panaka-naka na napapahawak si Mark sa pader at kamuntik ng masagi ang ilang mamahalagang gamit ng kapatid—mabuti na lang talaga napigilan pa ni Lea na mabasag iyon. Tarantado naman Mark! Balak mo pa talagang mag basag ng mga kagamitan ni Kuya Glenard! Sinundan na lang ni Lea si Mark hanggang maka-pasok ito sa silid na walang mahahagip na may mabasag pa ito sa iniinggatan na mga furniture ng kapatid. Salampak na nahiga si Mark sa kama at kahit siguro ayusin ang sarili o mag palit man lang nang damit, hindi na nito magawa dulot ng kalasingan. Nakapag-tataka lamang dahil hindi naman lasinggero si Mark, umiinom naman ito ng alak subalit pakunti-konti lamang. Bilang lang sa daliri ni Lea na masaksihan itong malasing ng todony-todo. Si Mark ang tipong lalaki, na mahirap mong patumbahin sa inuman pero heto siya ngayon hindi na makontrol ang sarili sa kalasinggan. "Ts! Ang tapang-tapang mong mag lasing, tapos ngayon tumbado kana." Himutok ni Lea. Mapupungay at seryoso ako tinitigan ni Mark. Halata naman sa mata nito na nilalabanan lamanhgang antok. "You!" Turo nito sa akin. "W-Why are you f*****g doing this?" Confused and lost written to his eyes. "Bakit ginugulo mo ang nararamdaman k-ko?" And he knocked out on the bed. Tinitigan na lang ni Lea ang natutulog na asawa. Paalis na sana siya sa silid nang tumunog ang cellphone muli ni Mark sa bulsa. Kinuha niya iyon ng walang kahirap-hirap at hindi nga talaga nag kamali si Lea nang makita na si Mae ang tumawag sakaniya. Hinayaan lamang ni Lea na kusang mamatay ang tawag bago niya tignan ang cellphone ni Mark. Tinipa ni Lea ang password ng cellphone nito, at hindi nga talaga siya nag kamali, hindi pa nito pinapalitan ang password sa cellphone nito. The password combination was the date, nang may nangyari sakanilang dalawa ni Mark. Wow! Ibang klase ka din talaga Mark! Sa pag kakalikot ni Lea sa asawa nito, natanggap lamang nito ang halos 142 missedcalled mula kay Mae at ilan din na mga number at unregistered number mula sa mga kasusyo nito sa trabaho. Sunod naman tinignan ni Lea ang messages at bumunggad kaagad ang sangkatutak na mga mensahe sakaniya ni Mae. -Mae- [f**k, answer my call Mark] [Akala mo ba matatakasan mo ako kapag hindi mo sinasagot ang tawag ko sa'yo? Nag kakamali ka] [Mag usap tayong dalawa] [Where the hell are you.] [f**k you! Answer my call!] Tumipa si Lea ng reply mula kay Mae. "Sorry darling, tulog na kasi si Mark." [The hell! Who the f**k is this?] -MAE'S CALLING- Lea hang-up the call. -MAE'S CALLING- Lea hang-up the call. [s**t! Tinatanong kita, sino kang punyeta ka!?] reply nito. "Guess it!" Reply niya ulit. [Tangina! Wala akong planong makipag-laro sa'yo. Sino ka ba talaga!] oh! Nakaka-takot naman Mae nasindak naman ako, kaso very light lang. Habang tumitipa si Lea ng reply mula dito— na imagine niya na kaagad kong gaano na kamula na parang kamatis ang mukha ni Mae sa galit. "Curious kana ba talaga, na makita kong sino ako?] [Damn! Papatayin kitang hayop ka! Sino ka ba? Bakit pinapakialaman mo ang cellphone ng asawa ko! Ulol!] Tumabi si Lea sa kinahihigaan kong saan mahimbing na natutulog si Mark, dumikit pa siya sa katawan ng asawa at nilapit ang sarili sa mukha nito—-para ipakita kong gaano sila ka sweet sabay kinuhaan niya ng litrato na mag katabi sila. At sinend kay Mae. Ilang sandali lamang, tumawag na si Mae at sinagot kaagad iyon ni Lea. "Tangina talaga! I'm gonna f*****g kill you Lea!" Matinis na mura nito sa galit. "Napaka-walang hiya mo talaga! Bakit kasama mo ngayon si Mark ha? Tangina talag—-" hindi na pinag patapos pa ni Lea ang sasabihin at pinatay niya na ang tawag. "Kakairita! Ang sakit niya sa taenga!" Kinalikot ni Lea ang taenga—naririndi sa matinis nitong boses. Tinapon ni Lea ang cellphone sa tabi kong saan natutulog si Mark; at masaya siyang pinapanuod na patuloy na tumatawag si Mae. Frustrated na siya ngayon na malaman kong bakit kami mag kasama na dalawa ni Mark! Mamatay ka sa pag-aalala b***h! Tinalikuran na ni Lea si Mark at lumabas sa silid nito na may ngisi sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD