Chapter 16

2435 Words
Chapter 16 "Kumusta na ang pinapagawa ko sa'yo Mrs. Martinez?" Naging seryoso ang tono ng tinig ni Lea kausap ang katiwalang tao sa kabilang linya. "Ayos na ayos po Mam Lea. Nagawa ko na lahat ng mga pinapagawa mo sa akin.] "Siguraduhin mo lang na walang papalpak. Tatawagan na lang kita mamaya." Pinatay ko na ang tawag at diretso na akong nag lakad sa malawak na sala. Napa-singhap na lang ako nang may marahas na humawak sa braso ko. "Ano b—-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag tama ang titig namin ni Mark. Galit na galit ang mga mata nito at halatang hindi maganda ang gising. "Oh, Good morning." Pinakita ko pa dito ang matamis kong ngiti at nahinto ako nang diniinan nitong muli ang pag hawak sa braso ko. "Aray, nasasaktan ako Mark." "What's the meaning of this huh?" Pina harap nito sa akin ang cellphone nito laman ng mga litrato. Litrato na mag katabi kaming dalawa sa kama at sinend ko ang lahat nang iyon kay Mae. "Nang dahil sa'yo nag-away kaming dalawa ni Mae!" Puno ng gigil nitong asik. "Bakit?" Inosente ko pang tanong, na hindi naman kina gusto nito. "Wala naman masama sa ginawa ko ah? Sinabi ko lang naman sakaniya na natutulog kana, that's all. Walang halong malisya... Unless kong bibigyan niya talaga ng malisya ang simpleng pag lapit ko sa'yo ng gabing iyon." Matapang ko itong hinarap at naging malilikot ang mga kamay kong humaplos sa braso ni Mark. Pinadaosdos kong hinaplos ang braso nito, nilalandi at baka naman kumagat itong muli sa akin. "Naalala mo ba ang nangyari kagabi? Kong paano mo ak—-" "f**k! Walang nangyari sa atin kagabi! Sinisiguro kong wala talaga, huwag kang gumawa ng kwento Lea!" Nanginig na ito sa galit. Ito naman ang gusto kong mangyari, ang mag-away silang dalawa ni Mae. Wala naman thrill ang ginagawa ko, kong hindi muna sila pag lalaruan sa aking mga kamay. Sapat na makita ko, kong gaano na kainis ngayon si Mae-walang magawa sa aking maitim na mga plano. "Oh relax Mark, joke lang naman iyon. Ang init naman ng ulo mo." Nangalaiti na ito sa galit at pag-titimpi na saktan ako. Ito rin ang pinaka-gusto ko sa lahat, kahit gaano man kagalit sa akin ni Mark. Nagagawa niya pa rin mag pigil. "Kahit lasing ka, hindi naman kita pag iinteresan na landiin.. Have a good day, Mark" Kumindat pa ako dito at tinalikuran niya na ito na may ngiti sa labi. Habang lumalayo kay Mark, unti-unting nawala ang matamis na ngiti ni Lea at napalitan lahat iyon ng galit. Mag hintay ka lang Mark, nag sisimula pa lang ako. MAE'S POV "Hello cheska, I'm just wondering, mag kaibigan naman tayong dalawa. Baka pwedeng maka-hiram sa'yo ulit ng 5million? Badly need kasi, ibabalik ko lang naman next week kapag binigyan na ako ni Dad ng pera." [I'm so sorry Mae, hindi kita mapapahiram ngayon ng pera. Hindi mo pa nga nababayaran ang 10 million na utang mo sa akin, na pinangako na babayaran mo naman no'ng naka-raan." "Please, babayaran naman talaga kita. Pahiramin mo na ako ng 5million, ibabalik ko sa'yo next week buong 15million. Hmm? Please help me on this, Cheska." Pakiusap ko pa. "I'm so sorry talaga Mae, hindi kita mapapahiram... Nakausap ko si Claudine kahapon at nakita ka niya no'ng naka-raan sa casino,at nabalitaan niya rin na marami kana din na pinag-kakautangan dahil sa mga bisyo mo. I'm sorry, hindi kita matutulungan ngayon." f**k! Inggtra talagang Claudine na iyon. "Please Cheska, makinig ka sa akin. Hindi totoo ang sinasabi ni Claudine, sinisiraan niya lang ako sa'y—-" naputol na ang tawag sa kabilang linya. "Hello? Cheska? Cheska?" Tinignan ko ang cellphone at binabaan niya na nga ako ng tawag. "Tangina naman oh! Ughh!" Matinis kong mura. Inis na napa-hilamos sa mukha si Mae at sinalampak ang sarili sa couch. Ilan na ang mga kaibigan na tinawagan niya para maka hiram ng pera subalit wala ni isang tumulong sa kaniya. "Mga walang-hiya. Ngayon pa talaga nila ako tatalikuran? Walang-utang na loob!" Pigil na asik niyang muli sa sama nang loob. Huling araw na bukas nang usapan nila ni Mrs. Martinez, subalit hindi niya pa rin nabubuo ang 20 million na utang niya dito. Nauubusan na ako ng oras at hindi ko na alam kong saan ako kukuha ng malaking halagang pera para maisalba lamang ang flower shop ko. Hindi ito pwedeng mawala sa akin, iyon na lang ang huling bagay na pang-hahawakan na meron ako ngayon. "Tangina naman kasing buhay ito!" Himutok niya pa sa galit. "Mam?" Sabat ng katulong na kararating lamang. "Ano?" Napag-taasan ko ito ng boses. Nabigla din ang katulong sa pag sigaw ko sakaniya at natakot ito sa matalim na titig ko sakaniya. "Si Sir M-Mark po sa telepono, gusto ka daw niya pong maka-usap." Hawak na pala nito ang telepono at hula ko nasa kabilang linya lamang si Mark. "Sabihin mo sakaniya na wala ako! Umalis ka nga sa harapan ko, bwisit!" Pananaboy ko pa at takot naman na parang tuta na sumunod ito. Matatalim ang mata ni Mae na sinundan ng tingin ang katulong paalis sa malawak na sala. Isa ka pa din Mark! Sakit sa ulo ka din sa akin! Gago ka, para saksakin ako sa likod at nakikipag-landian ka sa asawa mo? Tangina niyong dalawa! Hanggang ngayon, tinatawagan siya ni Mark, subalit ni isang text at tawag nito hindi ko sinasagot. Galit ako sakaniya sa pag loloko niya sa akin, at makikipag tigasan ako sakaniya hanggang dulo. Hindi pa rin humuhupa ang galit sa dibdib niya sa mga pinadalang litrato sakaniya ni Lea kagabi! Ang kapal naman talaga ng mukha ng babaeng iyon na asarin ako! Hahanapin kitang hayop ka! Hindi ko papalampasin ang ginawa mo sa akin Lea. "M-Mam Mae." Aligaga at takot na takot ang katulong na lumapit. Tangina. Ikaw na naman? "Ano na naman ba?" Himutok kong galit. Naalibadbaran na rin ako na makita ang pag-mumukha niya. "Nandito po Mam si Mam Ivonne." Bago pa ito matapos sa pag sasalita at sumulpot na nga ang kapatid ko sa likuran nito. "Maari mo na kaming maiwan, Manang." Nag vow na lamang ang matanda at iniwan na silang dalawa ni Ivonne sa malawak na sala. "Ate." Panimula nito. "Ano bang ginagawa mo dito?" Pag susunggit ko at hinarap ito. "Gusto lang kita maka-usap." Malumanay ang pananalita nito. "Para saan pa? Para ipamukha sa akin na ikaw na ang paborito ni Dad? I'm sick of you, Ivonne." Noon paman parati na silang nag babanggayan na mag kapatid, hindi niya gusto ang ugali nito dahil parati niya na lang ako inaagawan ng atensyon. Lalong-lalo na kay Daddy. "Bumalik kana sa kompaniya Ate, tanggapin mo na lang kasi ang alok ni Dad na offer sa'yo na trabaho." "Hindi na kailangan. At hindi ako mag tra-trabaho sa kompaniya, at ipamukha sa akin na mababa ang posisyon ko samantala naman ikaw, nasa mataas." "Walang ganun Ate, pinag hirapan ko din na maka-akyat sa posisyon kong asan ako ngayon. Nag simula din naman ako sa mababa." Sinunggaling! "Tumigil kana nga Ivonne. Itigil mo na ang drama mo, hindi na ako babalik sa kompaniya. Mayron naman akong negosyo." Giit ko pa. "Alin ang flower shop na maaring mawala sa'yo, iyon na iyon Ate?" Tangina! Paano niya nalaman iyon? Sa puntong ito puno ng galit ang aking mga mata na tumitig kay Ivonne. Hanggang ngayon, pakialamera pa din siya. "Nong pumunta ka sa kompaniya at huminggi kay Mom ng pera, doon ako nag imbestiga at nalaman ko ang totoong nangyari. Nag kabaon-baon kana sa utang dahil sa bisyo mo.. Itigil mo na ang bisyo mo, lalo lamang magagalit si Daddy kapag malaman niya ang ginagawa mo, Ate." "Oh shut up Ivonne, hindi ko kailangan ng opinyon mo." Tumayo na ako sa aking kina-uupuan at pinili ko talagang huminto sa tapat nito. Kahit sinusunggitan niya na ang kapatid, nagagawa pa din nitong kalmado at mahinahon. "Concern lang naman ako sa'yo Ate, kahit na rin ako hindi ko gusto ang pagiging malamig sa'yo ni Daddy at pag treat niya sa'yo ng hindi tama. Pinapaalalahanan lang naman kita dahil ayaw kong magalit na naman siya muli sa'yo.. Una na siyang nagalit ng dahil kay Mia at ayaw ko naman na pati rin ito malaman niy—-" "Tangina, umalis kana Ivonne." Tumaas ang boses ko at kina-lungkot naman ng mata nito. "Please ayusin mo na Ate ang buhay mo, kapag hindi mo pa tinigil ito, mapipilitan akong sabihin kay Mark ang totoo." Kinuyom ko ang aking kamao at taas-noo itong hinarap. "Try me, Ivonne. Mapapatay talaga kita, kapag sinabi mo kay Mark ang totoo!" Banta ko pa dito. "Umalis kana, at baka hindi ako makapag-timpi na patulan kana. Get out! Now!" Matinis kong bulyaw habang naka-turo pa sa pintuan. Kay lungkot ang mga mata nito, kahit gaano man ako kagalit sakaniya. Hindi nito kayang sumagot sa akin. "Sige..Aalis na ako Ate, ingat ka parati." May luha sa mata nito at nilingon ako sa huling pag kakataon at kay lungkot na umalis. Sinundan ko na lang ito ng tingin hanggang mawala sa aking paningin. Bwisit naman na buhay to oh! Kailangan ko ng kumilos! Marami ng nakaka-alam ng aking sekreto! ***** "I'm so sorry talaga Mam, hindi kita mabibigayan ng 30 million. Kailangan ko kasi ng perma niya sa letter na binigay niyo." Kausap ngayon ni Mae ang katiwalang tauhan ni Mark sa kompaniya. Wala din naman akong ibang makukuhanan ng malaking pera sa utang ko, kaya't kukuha na lang ako ng funds sa sariling kompaniya ni Mark na hindi niya nalalaman. "Ilang beses ko na sinasabi sa'yo Miss, na hindi nga makaka-pirma ang asawa ko dahil nasa Cebu pa siya, sa business trip. Matatagalan siya na makaka-uwi dito, kaya't mahirap para sa akin na gawin ang gusto mo dahil wala nga siya dito!" Kanina pa sila nag tatalo ng babae subalit hanggang ngayon hindi pa rin siya binibigyan ng pera. "I process mo na ang pera at naka-usap ko naman ang asawa ko sa kabilang linya at na settle na namin ang bagay na iyan. Pina-papunta ako dito ni Mark kasi sinabi niya sa akin, na kausapin lang dahil ikaw ang makaka-tulong sa akin mag process ng pera na kukunin niya. Ang hina naman kasi ng kokote mo eh!"nag eskandalo na talaga ako sa Table nito. Kanina pa ako nakikipag-usap sakaniya subalit matigas siya parang bato! "Sinusunod ko lang naman ang protocol Mam Mae, pasensiya na po.. Ganito na lang tatawagan ko po si Sir Mark to verify this matter po." Tangka nito sanang kukunin ang telepono para tawagan si Mark at pinigilan ko na ito. "You know what, miss? Huwag na lang! Nainis na ako sa palpak niyong serbisyo. Sinisiguro ko sa'yo na makaka-rating ito sa asawa ko at sinisiguro ko sa'yo mawawalan ka ng trabaho!" Inis ko na itong tinalikuran. "M-Mam Mae." Habol pa nitong tawag at hindi ko na ito nilingon pa. Umuusok ang ilong ko, na tinatahak paalis sa kompaniya ni Mark. Bwisit talagang buhay ito oh! Sobrang malas! Pag labas ko sa kompaniya ni Mark, kina-tigil ko naman ng mag ring ang phone ko. "Yes, Lily?" Nagimbal at nabalot ang takot sa puso ni Mae na marinig ang sunod na binalita nito sa akin. Nag mamadali ng pinatay ko ang tawag naming dalawa at sumakay na sa kotse. Kulang na lang paliparin niya na ang pag takbo ng kotse sa pag mamadali niya lamang. Huminto na ako sa tapat ng Shop ko at kinuha ko na ang ilang gamit ko sa sasakyan. Nakita ko si Lily sa labas ng Shop ko kasama ang mga lalaking malalaki ang mga katawan at nilalabas nila ang mga gamit namin. Tangina talaga. "Mam." Naiyak na sumbong ni Lily. "Sorry po, sinubukan ko naman na pigilan s-sila." Galit na hinarap ni Mae ang mga kalalakihan na hula ko tauhan iyon ni Mrs. Martinez. Tangina talagang matanda na iyon! Mapapatay ko talaga siya! "What's the meaning of this huh? Itigil niyo iyan!" Awat ko sa mga lalaki na nilalabas ang mga gamit namin sa Shop. Apat na malalaki ang katawan ng mga lalaki at tinatapon nito palabas ang mga paninda ko at ilan sa mga gamit ko. Rinig na rinig mo talaga ang malakas na tunog ng pag kabasag na walang inggat na hinahagis ang mga gamit ko. Nayupi at nasira na ang mga paninda kong mga bulaklak sa marahas nilang pag hahakot. "Tangina naman talaga! Tama na! Tama na!" Pinipigilan ko ang mga lalaki subalit hindi talaga sila naawat. Sinubukan kong itulak sila ngunit hindi man lang sila nadala. Sobrang malalakas at malalaki ang katawan nila, walang binatbat sa katawan kong mahina. Nag simula ng dumami ang mga taong dumating at nag uusyoso sa eskandalo na kanilang nasasaksihan ngayon. "Tama na sabi eh! Itigil niyo na iyan! Ahh!" Malakas kong sigaw na binasag ng lalaki ang mamahalin na vase sa harapan ko. Napa-takip ako sa taenga at nangilabot na huminto ang pares ng red heels sa harapan ko. Tuminggala ako para tignan ito at isang babae ang naka-tayo at may ngisi sa labi. "Kumusta kana Mae?" "Mrs. Martinez!"umayos ako ng pag kakatayo. "Bakit mo ito ginagawa? Bukas pa naman ang huling araw na usapan natin ah? Wala kang karapatan na sirain at mag eskandalo ang negosyo ko! Binubuo ko pa ang pera na ipang-babayad sayo Mrs. Martinez, kaya't sabihan mo ang mga tauhan mong itigil na nila ito." Pakiusap ko. "Ilang beses ko na narinig sa bibig mo na babayaran mo ako subalit hindi mo naman ginagawa." Anito. "Tama ka nga, bukas pa naman ang huling araw na binigay ko sa'yong palugit, pero ako pa rin mag dedecide kong kaylan ako maninigil sa'yo. At ito ang araw na iyon." Mala-demonyong ngumisi ito at sinenyasan ang mga tauhan nito. "Sirain niyo ang mga gamit at wala kayong ititira kahit ni-isa! Nag kakaintindihan ba tayo?!" Matigas nitong utos sa mga tauhan, na para itong hari na dapat masunod. "Yes Mam!" Sabay-sabay pa ang mga lalaki at sunod ko na lang narinig ang malakas na tunog at kabasag ng mga gamit kong sini-sira na nila. "M-Mam Mae, ano na pong gagawin natin?" Lumapit si Lily, at umiiyak na rin na makita ang ilang gamit nilang nasira at mga paninda na nasayang na. "M-Mam." Impit pa na iyak nito. Pinapanuod ko na lang kong paano sirain ng mga lalaki ang aking paninda at ibang gamit sa loob ng Shop. Tulala na si Mae, at kahit na rin siya wala na rin karapatan na suwayin at makialam pa sa makapang-yarihan na si Mrs. Martinez. Sunod na lang umagos ang luha sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD