Chapter 14

2793 Words
Chapter 14 MAE'S POV Kanina pa aligaga at hindi mapakali si Mae pabalik-balik sa malawak na sala. Samantala naman ang isa niyang kamay, abalang tinatawagan ang importanteng tao. "Pick up the phone, Mark. Pick it up!" kulang na lang tawagin ni Mae ang Santa at Diyos para sagutin lamang ni Mark ang mga tawag niya. Gusto niya itong maka-usap, samantala naman hindi ito sumasagot sa text at kahit na rin sa tawag ko."Pick it up Mark! Aghhh s**t!" matinis na mura ni Mae nang marinig ang beep sa kabilang linya, at pag putol ng tawag. Umuusok na ang mata at ilong ni Mae sa galit , ngayon lamang siya nahihirapan na contact ang kinakasama simula nang ma assign ito sa trabaho sa Cebu. Hindi pa rin nakuntento si Mae at tinatawagan niya muli ang numero ni Mark! Iniiwasan mo ba ako Mark? Kong hindi mo sasagutin ang mga tawag ko-- hindi ako titigil kakatawag sa'yo hangga't hindi , sagutin ang mga tawag ko sa'yo. "Mommy, let's go play outside na po," kinalabit ni Mia ang laylayan ng skirt ni Mae. "Mamaya na Mia, may importanteng tinatawagan si Mommy," sa tono pa lang ng pananalita ni Mae- iritado na rin siya na nag ri-ring lamang ang cellphone ni Mark sa kabilang linya. "Sige na Mommy, play na tayo outside, ayaw ko dito sa loob eh." "Please Mia, huwag nang makulit okay? Lumabas ka muna at susunod na lang si Mommy sa'yo sa labas," pilit na mahinahon si Mae sa anak. "EHH! Gusto ko ngayon na! I want top play with you, now Mommy! I want now!" pag tataas ni Mia sa tono ng Ina. Hindi naman nagustuhan ni Mae ang pag taas nang boses ng anak, kaya't nasabayan niya na rin ng init nang ulo ito. "Tangina talaga, huwag nang makulit pa Mia!" sa pag taas ng boses ni Mae, lumukot ang mukha ng anak. "Hindi mo ba maintindihan na may mahalaga akong ginagawa? Napaka-tigas naman kasi ng ulo mo at hindi ka nakikinig sa akin! Pwede bang lumabas ka muna, kong bibigyan mo lang ako ng sakit nang ulo!" namuo ang bakas ng luha sa mata ng bata. Bago paman makapag-salita muli si Mae, tumakbo na ang bata paakyat sa silid nito. "Tangina nakaka-inis naman oh!" napa-suklay na si Mae sa sariling buhok sa inis. Nahinto lamang ang pag-hihimutok ni Mae nang tumunog ang cellphone, galing lamang iyon sa katiwala niyang tao sa Shop. "Ano iyon? Bakit ka napa-tawag Lily?" "Mam M-Mae," umiiyak na ito sa kabilang linya, Nag pakaba pa lalo sa dibdib ni Mae nang marinig na pag kabasag ng kong ano sa kabilang linya. Pinatay ni Mae ang pag-uusap nilang dalawa, at nag mamadaling pumunta sa Flower shop. Hindi paman nakaka-pasok si Mae sa shop, nang makita ang mga taong nag kukumpulan sa labas mismo ng Shop niya--tinitignan kong ano ang nangyayari sa loob. Mula sa labas maririnig mo ang sigaw ni Lily kasabay ang malakas na kalabog at pag kabasag mismo sa loob ng kaniyang negosyo. Dali-daling pumasok si Mae at naabutan ang mga lalaking malalaki ang kanilang katawan at pinag babasag ang gamit sa loob ng aking Shop. Suot ng mga ito ang itim at mapormang kasuotan at marami din itong tattoo sa kanilang katawan. Naapakan ng mamahalin na boots ni Mae ang basag na salamin at mg paninda niyang bulaklak. Sira-sira na din ang gamit at kahit na rin ang mamahalin na mgha bulaklak. Naabala ng mg lalaki ang kaniyang negosyo sa pag eeskandalo lamang ng mga ito. "M-Mam Mae," naiyak na lintarya nu Lily. Sinubukan naman nitong awatin ang tatlong lalalki na, nanggugulo sakanila, subalit sobrang malalaki ang katawan nito. Walang binatbat na awatin ang mga ito. "Mam Mae, sorry po, hindi ko sila napigilan. Bigla na lang sila pumasok dito sa loob at pinag-babasag na po ang mga gami---" iyak na sumbong ni Lily. Sapat na para kay Mae na marinig ang panig ng kaniyang empleyado. Wala silang karapatan na, manggulo dito mismo sa negosyo! Umusok ang ilong ni Mae na pinapanuod ang tatlong lalaki, na patuloy lamang sa kanilang ginagawa. Iritadong nilapitan ito ni Mae, at tinutulak at sinisigawan niya ang mga ito. "Tama na! Ano bang ginagawa niyo! Tresspassing itong ginagawa niyo!" pinag tutulak ni Mae ang mga lalaki. Wala na siyang pakialam kong saktan man siya nito, ang gusto niya lang mapa-alis niya ang mga ito. "Tangina talaga, umalis na kayo!" awat ni Mae--binabasag lamang nito ang mga mamahalagang gamit at sunod mong marinig ang malakas na pag kabasag. "Tangina, huwag kang maki-alam dito!" sabat naman ng hambog na lalaki. Patuloy lamang nilang pinag babasag ang mga gamit, at malakas na pag kabasag sa sahig. "Hindi kayo, aalis? Baka gusto niyong tumawag ako ng pulis?! Get out!" lumabas na ang ugat sa leeg ni Mae, kakasigaw sa mga ito--mistula lamang itong bingi-binggan. Tangina talaga! "Pulis ba kamo, Mae?" sabat ng bagong dating, na kina-lingon naman ni Mae. Mula sa likuran ni Mae, simulpot ang Ginang na bagong dating at suot ang itim na kumikinang na kasuotan. "M-Mrs. Martinez? Ikaw ang may gawa nito?" tinignan ng matabang babae ang bagong pagawa na kuko nito at pinunto ng titig muli si Mae. Hindi magawang ikilos ni Mae ang katawan sa sindak. Marami din nag lalaro sa isipan niya kong bakit ginagawa niya ang bagay na ito, gayun na may kasunduan naman silang dalawa. "OO, ako nga ang may kagagawan nito. Ako rin ang may utos sakanila na sirain ang mga gamit mo dito sa Shop. Nagustuhan mo ba ang surpresa ko sa'yo Mae?" sa galit at gustong gantihan ang Ginang--kinuyom na lang ni Mae ang kamao at ang pangingilid ng luha sa mata. Napaka-hayop niya para gawin niya ito sa akin! Demonyo siya! "Bakit mo ginawa iyon? Hindi mo ba alam tresspassing ang ginagawa niyong pag-labag mismo sa pang gugulo niyo sa Shop ko? Pwede ko kayon----" "Kasuhan? Ipakulong?" pag tatapos nito sa sasabihin ko. "Mag patawag kana ngayon ng pulis at hindi ako natatakot sa'yo Mae. Narito lamang ako para singgilin ang utang mo sa akin. Asan na?" "Nahihibang kana ba? Akala ko ba sa katapusan pa ang kasunduan natin na dalawa na mag babayad ako ng utang ko sa'yo, tapos mag iiskandalo ka pa dito sa negosyo ko!" tumigil naman ang lalaki sa kanilang ginagawa nang sinenyasan ito ni Mrs. Martinez. "Mag babayad ako sa'yo Mrs. Martinez, hindi ako tatakbo sa utang ko sa'yo. Hini-hintay ko lang na marelease ang pera sa kompaniya ng mga magulang ko," pag sisinunggaling ni Mae dito. Iyon na lang ang naisip niyang paraan na gamitin na babayaran niya ito gamit ang pera sa kompaniya, to buy some time na maka hanap ng pera na ibabayad dito. Sa katunayan wala pang nahahanap na pera na ipang-babayad dito, saka niya na lang pro-problemahin iyon basta mapa-tigil niya lang ito sa pag eskandalo sa negosyo ko. "Oh you mean? Kompaniya ng mga magulang mo Mae?" sinunod ng mata ni Mae si Mrs. Martinez mag lakad at pinadaanan sa kamay ang ilang naka display na mga bulaklak. Ang iba n'on nasira na ang tangkay at bulaklak sa pag sira kanina ng mga tauhan nito. "Nalaman kong tinakwil kana ng sarili mong Ama at hindi ka nila binigyan ng pera na hini-hinggi mo sakanila." ngumisi ang matanda-gumuhit ang galit sa mata ni Mae. Paano? s**t! Inalam niya pa talaga ang tungkol sa bagay na iyon? ". Nag sinunggaling ka sa akin Mae tungkol na babayaran mo ako gamit ang pera sa kompaniya sa mga magulang mo. Alam mo naman siguro na ayaw ko sa lahat ang sinunggaling at niloloko ako," gamit ang kamay, dinurog ni Mrs. Martinez ang hawak nitong bulaklak. Huminto ito sa tapat ni Mae sabay sabing. "Dahil sa pag-sisinunggaling mo sa akin. Isang linggo na lang ang palugit ko sa'yo Mae, na bayaran ako ng 20 million." ngumisi ang matabang Ginang at sinenyasan na ang mga tauhan nito na kailangan na silang umalis. Nauna nang mag lakad si Mrs. Martinez, sumunod naman ang tatlong mga lalaki--kay sasama ng titig na pinukulan nila sa amin ni Lily. Bago ito tuluyang umalis, binasag pa nito ang mamahalin na vase sa bandang gilid. Sabay sila napa-takip ng taenga ni Lily sa takot at nakaka-hindik na pag kabasag no'n. Hindi na namalayan ni Mae, ang bakas na luha sa mata at pag-hihina nang tuhod ng makompirma na naka-alis na nga ito. Tangina talaga. LEA KRISTINE'S POV Ngumisi na lang si Lea, pinapanuod isa-isa ang mga litrato na pinadala sakaniya ni Mrs. Martinez sa mismong Flower Shop ni Mae. Ito na ang kailangan kong makita. Hindi pa sapat ang pag hihiganti ko na naranasan ngayon ni Mae. Mag hintay ka lang Mae. Paparating na ang karma mo. "Ang ganda pala ng mga ngiti mo Lea." Puna ng lalaki, kanina pa pinag mamasdan ang magandang ngiti sa labi ni Lea. Sinilid ni Lea ang hawak na cellphone sa bulsa at hinarap si James Ejercito. Isa sa mayaman at kaibigan ni Kuya Glenard— dumaan ito sa Cebu para tignan ang project na pinapatayo ng aking kapatid, kaya't sinamahan ko na rin itong bisitahin ang site ng Hotel. Pinapadaanan nila pareho nang tingin ang ibang workers na abala sa kanilang pag-tratrabaho. Malaki-laki na rin ang improvement na nasimulan nilang gawin. Si Mark abala na kinakausap ang isang engineer malapit kong saan kami naka-tayo ni James. "Siya nga pala, kanina ko pa nahuhuli si Mr. Montecillo naka-titig sa pag-uusap natin ngayon. Mukhang kahit na rin siya nagagandahan rin sa'yo Lea." Napa-baling ng tingin si Lea—-hindi nga nag kamali si James, at naka-titig sa gawi namin si Mark. Malamig ang paraan na ginawaran na titig niya sa amin—masasabi mo talaga na hindi nito nagugustuhan kong ano man ang nakikita niya ngayon. "Paano mo naman nasabi iyon?" "Lalaki ako Lea. Alam na alam ko ang titig ng mga lalaki kapag may gusto sila sa mga babae. Do you have any relationship to him? Nabanggit din kasi sa akin noon ni Glenard, na kasundo kayong dalawa, kaya't naisip ko baka may re--" "Relasyon kaming dalawa?" Napa-bugang turan ni Lea at nilabas ang matatamis na ngiti kay, James para inisin lalo si Mark at hindi naman nabigo si Lea. "Don't be silly James, walang namamagitan sa aming dalawa." "May party ako sa Club mamaya at iniimbitan ko si Glenard, nakaka-lungkot lamang na hindi siya makaka-dalo. Baka gusto mong pumunta." sakto naman tumitig sa gawi namin si Mark. Nilapit ni Lea ang katawan kay James at bumulong sa taenga nito, para ibigay ang magiging sagot ni Lea. Umiba ang timpla nang mukha ni Mark sa pag lapit ko kay James— ••••• Maaga pa lang naka-handa na si Lea para sa party ni James na gaganapin mamaya. Simpleng white fitted dress ang sinuot ni Lea at open ang parteng likuran kaya't makikita mo talaga ang makinis at maputi niyang balat. Hinayaan niyang nilugay ang mahabang buhok, kinulot na rin sa parteng laylayan para mag karoon ng attractive sa kaniyang itsura. Kinuha ang parcel na mamahalin na white bag-nadatnan ni Lea si Mark sa malawak na sala. Perinti itong naka-upo sa couch samantala ang mata abala binabasa sa libro na hawak. Kahit naka-tuon ang atensyon ni Mark sa binabasa—makikita mo talaga pahagip na sulyap nito sa akin. "Pupunta ka talaga sa Party ng gagong iyon?" Isa rin si Mark ang inimbitahan ni James na pumunta sa party nito— nakapag-tataka lamang at hindi siya interisado na pumunta doon. "Wala naman siguro masama kong pumunta ako doon diba?" "Ts!" "Wanna come with me? Let's get wild tonight!" Inalis ni Mark ang titig sa binabasa at tumitig sa akin. "Ts, I'm not coming. Marami pa akong dapat tapusin, wala akong panahon na pumunta sa walangkwentang party na iyan." Umismid pa ito. The heck! Saan naman niya kaya nakuha ang walang panahon, na pumunta sa club? "Are you sure?" Pinakita pa ni Lea ang matamis na ngiti kay Mark. Imbes na sumagot tumayo na ito at tinalikuran na ako papanhik sa silid nito. Hindi na lang mawala ang matamis na ngiti sa labi ni Lea, na mawala na ito sa aking paningin. Bagkus taas-noo siyang nag lakad palabas para pumunta sa nasabing Party. Pag dating nga ni Lea sa party ni James, sumalubong kaagad sakaniya ang malakas na tugtog at nag hihiyawan na nag sasayaw na mga tao—nakikisaya nang gabing iyon. Sa bandang kanan, naroon ang DJ, pinapatugtog ang high na mga tugtog para lalo pang ganahan at mabaliw sa kasayahan ang mga taong naroon. Mayron din na dancefloor at iba't-ibang makukulay na mga ilaw at dancing light and laser. Sa bawat pag lingon mo ng mga mata, makikita mo ang table at napupuno iyon ng mga taong umiinom at nag papakasaya. Hinanap ng mata ni Lea, kong asan si James. Hindi naman siya nabigo at kasama nitong nag kakasaya ang ilang mga babaeng sa isang table. Mamaya niya na siguro ito lalapitan, kapag wala na mga babaeng kumakapit sakaniya na parang linta. Kong si Lea lang talaga ang tatanungin, wala naman talaga sa plano ang pumunta dito sa Party. Nag karoon lamamg siya ng idea nang mag react si Mark sa simpleng pag lapit sa akin ni James. At gagamitin ko itong alas, para lalo ko pang mahigpitan ang hawak ko sa leeg niya. Piniling umupo ni Lea sa bar stool, malayang pinapanuod at pinag aaralan ang bawat tao na naroon. Kinuha ni Lea ang cellphone at sinumulan na gawin ang isa sa mga plano niya. [Hi] Pinadalahan lamang ni Lea nang mensahe si Mark. [Nandito ako sa Club ngayon.] Mark: Seen. [Are you busy?] Mark: .... Typing... [No] oh my! Ang tabang naman Mark. Nag type muli si Lea ng reply dito. [Masaya dito sa Club, maraming mga magagandang babae dito. Ano kaya kong humanap ako ng lalaki dito?] Mark: Okay. Don't care. The heck? Don't care pala ha? Tinungga ni Lea ang margarita na inorder sa naging reply sakaniya ni Mark. "Hey miss!" Umupo ang isang lalaki sa tabi ni Lea. May itsura naman ang lalaki at base pa lang sa paraan ng pananakit nito, malinis at disente rin. Hindi rin nag lalayo ang edad nito kay Lea. Tamang-tama ka sa aking mga plano. "Hello." Umayos ng pag kakaupo si Lea sa stool. Panay ngiti pa ang lalaki at may hiwatig ang paraan na titig kay Lea. "Ang ganda mo naman. Ang isang bini-bini, dapat hindi nag papaiwan na mag-isa dito." Pinagalaw pa nito ang kilay, para makuha lamang ang loob. Pasensiyahan na tayo, hindi mo ako makukuha. Pag lalaruan na lang kita. "Gusto mo ng drinks?" "Yes please." Ngumiti ng matamis si Lea dito. Tumalikod ang lalaki at naka-kuha naman ng tyempo si Lea na kuhanan ng litrato ang lalaki. Tamang anggulo ang nakuhang shots ni Lea sa lalaki at ito ang klaseng tipo na pag seselosan ng todong-todo ni Mark. Sinend ni Lea ang litrato ng lalaki kay Mark. [Sa tingin mo, ang hot niya ano? Nag offer siya ng drinks sa akin, diba ang cute? Hihi.] Mark: Okay. [Kapag nag offer siya sa akin. I will spread my legs to him] Mark: Seen Matagumpay na sinilid ni Lea ang cellphone sa bulsa-sakto naman bumalik ang lalaki dala ang tig-isang drinks para sakanila. "Here's your drink." Inabot kay Lea ang drinks at sabay nila tinungga iyon. Naka-ilan na sila ng set na iniinom ng lalaki na nangangalang Edward ng matatapang na mga alak. Dinadaan lamang siya ni Edward sa matatamis na salita at naging iba na rin ang paraan ng kilos at galaw nito. Siguro akala niya malalasing niya ako— sa mga binibigay nitong mga inumin sa akin at pag katapos kapag nalasing niya, doon na sasamantalahan, ngunit nag kakamali siya ng pinag- laruan. Sinasabayan na lang ni Lea ang kilos at maka-hulugang haplos nito sa balat ko. Hinayaan na ni Lea iyon, dahil ito na ang huling pag-kakataon na mahawakan niya ang perlas kong katawan. "Ang ganda mo talaga Lea, hindi ako naniniwala na wala ka pang asawa." Huwawak si Edward sa maputing hita ni Lea kasabay ang pag nanasa na mga mata nito. Nilapit pa ni Lea ang sarili kay Edward, inaakit niya rin ito sa titig. "Oh bakit diyan ka lang humawak Edward? Itaas mo pa ang kamay mo, at makikita mo ang premyo mo." pag seduce pa ni Lea dito. "We could finish this on my condo." Bulong ni Edward sa akin. "Gusto ko iyon." Hagikhik na tawa ni Lea dito. Paakyat nang paakyat ang malilikot na kamay ni Edward, bago paman mahawakan ang punterya nito—-nang may kamay na pumigil kay Edward. Pareho naman sila natigilan ni Edward at tinignan ang bagong dating at hindi naman siya nabigla na makita kong sino ito. "Mark." Lumawak ang ngisi sa labi ni Lea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD