Chapter 12

2131 Words
Chapter 12 LEA KRISTINE'S POV [Umuwi ka pala, hindi ka man lang tumawag sa akin.] Kasalukuyan naroon si Lea sa paboritong ice cream store ng anak para bumili ng pasalubong dito. Ilang araw lamang ang kaniyang nilaan na araw na mamalagi dito bago bumalik ulit sa Cebu para ipag patuloy ang naudlot na projects nila. "Sorry, hindi na ako tumawag dahil babalik din ako sa Cebu,Kuya." kausap ni Lea sa kabilang linya ang kapatid na si Glenard. [Bago ka bumalik sa Cebu, dumaan ka muna dito sa Bahay, gusto ka makita ni Mom,] "Sige Kuya, babalitaan na lang kita. Siya nga pala, rinig kong nag away daw kayo ni Kuya Reynard totoo ba iyon? Ilan bang suntok ang natamo mo sakaniya? Dalawa? Tatlo?" tukso niya pa dito kasunod ang matinis na mura nito sa kabilang linya. [Tangina talaga, nag sumbong ba sa'yo ang hayop na Reynard na iyon?" hindi mapigilan na mapa-ngiti ni Lea na marinig ang inis ng kapatid sa kakambal nito. "Gagong iyon, sinugod pa naman ako dito sa Opisina at sinuntok nang malaman niyang pinag-sama ko kayong dalawa ni Mark sa resthouse. Susugod sana siya diyan sa Cebu para i haunting ang gago mong asawa, buti na lang napigilan ko pa! May saltik din ang ulo ng Reynard na iyon... Buti na lang hindi niya alam kong saan located ang resthouse ko sa Cebu kundi pinag lalamayan na siguro ang asawa mo,] hindi na bago para kay Lea na marinig ang himutok at ginagawa ng kaniyang kapatid. Ganun na ganun talaga ang ugali ni Kuya Reynard kapag nagagalit, wala itong sinasanto kahit na sino--kahit anak ka pa ng pangulo kaya nitong banggain. Ganun karahas at tigas ng ulo nang kaniyang kapatid. Nag tatalo at away naman silang mag kakambal at hindi na bago ito kay Lea na nag-aaway ang dalawa kapag hindi nag kakasundo sa mga bagay-bagay. "Siguro mas kailangan mo nang mag tago ngayon Kuya Glenard, hindi uupo at walang gagawin si Kuya Reynard sa mga nalaman niya. Kilala mo naman siguro ang ugali niya--hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.. Kapag hindi niya mahanap ang lokasyon namin, tiyak ikaw ang ha-haunting niya," [Bullshit! Kailangan kong mag punta sa Rome,] "Rome?" hini-hintay ni Lea sa bakanteng upuan ang take out na ice-cream sa anak. "Para sa business trip ba?" [No, para mag tago sa gagong iyon!] sunod na lang narinig ni Lea ang pag putol nang linya. Siguro mag tatago na ang kapatid niya kay Kuya Reynard. Ilang sandali pang pag-hihintay dumating na ang inorder ni Lea. Tatayo na sana siya sa kina-uupuan nang sumulpot sa harapan niya ang isang babae. "Lea?" maluha-luha ang mata ng babae-at saya na rin nang makita ako. "Jamie," bulong ni Lea. Mag kaharap silang dalawa naupo sa bakanteng silya, hindi naman gaanong matao sa rainbow corner kaya't hindi gaanong mainggay sa paligid. Maya't-maya ang pag suri ni Jamie ng tingin sa akin at hindi rin mawala ang saya at pag kasabik na makita akong muli. "Kumusta kana Lea? It almost 2 years, simula no'ng huli kitang nakita." panimula nitong tinig at emosyonal na ang mata nito. "Si Andrius, kumusta na? Siguro malaki na ang pamangkin ko, ano?" Pina-pasigla ang tinig—-mapansin ang pagiging tahimik ni Lea. "Maayos naman siya ngayon. May sasabihin ka ba? Kong wala, kailangan ko nang umalis," tatayo sana si Lea at pinigilan siya nito. "Please, h-huwag kang umalis Lea," napapasong inalis ang kamay nitong naka-hawak sa akin at binalik sa pag-sasaayos sa pag kakaupo sa silya. "Sorry, hindi ko sinasadya. G-Gusto ko lang kitang maka-usap, sana pag bigyan mo ako kahit ilang minuto lang Lea." binalik ni Lea ang sling bag sa upuan at formal na hinarap ito. "Makikinig ako Jamie," "I'm so sorry. Sorry kong ano man ang ginawa sa'yo ng kapatid ko Lea." Mahina nitong tinig. "Nong malaman kong umalis ka kasama si Steven, hinanap ko kayo pati rin sila Mommy. Labis kaming nag-alala sa pag alis niyo at hindi kami tumigil malaman kong nasaan ka, pero hindi ka namin makita.." pag puputol nito. "Pinuntahan ko ang mga magulang mo para alamin kong asan o anong nangyari sa'yo pero tikom din ang kanilang bibig para mag salita.. Nag hintay ako at hindi ako tumigil, na hindi kita makita at labis akong nasaktan nang nalaman ko na umalis kana ng bansa." May pait sa pananalita nito at masasabi talaga ni Lea, nag alala ito sa biglaan kong pag-putol sa ugnayan sakanila. "Sinubukan kong tawagan kita sa mail at ibang social media account, pero hindi ka sumasagot. Galit ka ba sa akin Lea? May nagawa ba akong p-pag kakamali?" Dumaplis ang luha sa mata ng kaibigan. Natatanggap naman ni Lea ang text, at tawag sakaniya ni Jamie at pati na rin mga magulang nito. Desisyon kong putulin na kong ano man ang ugnayan ko sa pamilya nila. Mas mabuti na rin iyon para madali ang hilom nang sugat na bigay ni Mark sa akin. Kahit bestfriend ko si Jamie, mahirap din para kay Lea na iwasan nang tuluyan ang matalik na kaibigan. Mas mabuti na lang wala na kaming komunikasyon. Paano ako magiging matagumpay sa plano kong pag-hihiganti, kong magiging kahinaan ko rin sila sa bandang huli? "Galit na galit si Daddy kay Kuya kaya't inalisan niya sa posisyon sa kompaniya si Kuya Mark," hanggang nasa ibang bansa, patuloy pa rin nag research si Lea nang mga impormasyon tungkol kay Mae at Mark. Doon ko napag-alaman naalisan na ng karapatan si Mae sa kompaniya ng mga magulang nito ng malaman na sumira ito ng ibang pamilya. Samantala naman si Mark? Tinakwil din ng pamilya nito. Walang-wala si Mark at bumangon sa pag-kakalugmok. Nag simula ito mag patakbo ng panibagong business, kina-launan hindi tumagal ng buwan at naging patok at matagumpay ang negosyo nito. Nakuha niya rin ang side ng mga investor at malalaking tao kaya't lumalago na ang kaniyang kompaniya sa maikling panahon. Akalain mo nga naman, patuloy ka pa rin umaanggat Mark. Dumating na kaagad ang kanilang karma, subalit hindi pa ito sapat! Gusto ko pa nang matindi at madugong pag hihiganti! "Hindi ako galit sa'yo Jamie,"pinunasan ni Jamie ang luha sa mata nito. "Maraming salamat Lea." naiyak nitong sambit. "Kinalulungkot ko, ito na ang huli nating pag-kikita. Ayaw ko na rin mag karoon ng anumang ugnayan sa'yo at sa pamilyang nanakit sa akin," tumayo si Lea—at kinataranta naman nito. "Lea please," "Pakisabi na lang kay Tito at Tita, kina-kamusta ko sila.. Paalam, Jamie," kinuha ni Lea ang bag at ilang gamit at nilampasan na si Jamie. MAE'S POV Pinag-titinginan si Mae ng mga empleyado sa pag-apak niya ng kompaniya ng mga magulang. Bakas sa mga mata ng empleyado ang takot at taranta na makita muli ako sa kompaniya. Pumasok si Mae sa pribadong silid at nadatnan ang kaniyang Mommy na may kausap sa telepono. Nang matapos na ito makipag-usap binigyan ako ng halik sa pisngi. "Mae, Hija," mestisa ang Mommy ni Mae at may hawig din sila palagi. Ang Mommy niya lang ang kakampi niya kumpara sa Daddy na strikto sa lahat nang bagay. "Masaya ako at dumalaw ka dito, hindi mo kasama si Mia?" "May school siya Mommy," "Have a seat." Ginaya siya nitong maupo sa bakanteng silya para makapag-usap ng masinsinan. "Im so surprised na pumunta ka dito sa kompaniya. Hulaan ko, babalik kana sa pag tra-trabaho dito o may kailangan ka, kaya ka narito." Mae crosses her legs. Ibang klase! Kilalang-kilala na nga talaga siya ng kaniyang Mommy at nababasa na kaagad ang kailangan ko. "No Mom, hindi ako babalik mag trabaho dito sa kompaniya hangga't hindi pa din ako binabalik ni Dad sa dapat kong posisyon." Mataray na pananalita ni Mae. Sa pagiging engrata ng kapatid niyang si Ivonne, sinira niya ang tiwala sa akin ni Dad. Siya na ngayon ang tiniwala niya sa kompaniya—-samantala naman ako binigyan ng posisyon pero mas anggat pa rin ang babaeng iyon! Aba! Mas gugustuhin na lang ni Mae na mamahala na sarili kong negosyo na flower shop, kaysa mag pa under sa babaeng iyon! Ako si Mae at hindi ako magiging sunod-sunodan sa engrata na iyon! "Sweetheart, I know this is hard. Subukan mo naman na tanggapin mo na lang ang inalok ng Daddy mo na posisyon dito kaysa nag ma-manage ka ng sarili mong business, ano nga ulit iyon? Flower shop diba?" "Walang masana sa business ko Mom. Mas gugustuhin ko na lang na ganun kaysa makita ang Ivonne na iyon!" "Mae, mag kasundo naman sana kayo ng kapatid mo." "Never." Pag mamatigas pa rin ni Mae. "Siya nga pala Mom pumunta ako dito para hinggin ang allowance ko." "Nag advance kana sa akin ng 10 million for your allowance next year, remember?" s**t! Naalala niya pa talaga ang bagay na iyon? Nakakatanggap si Mae ng yearly allowance sa magulang ng 10million pesos kapalit na hindi niya pag trabaho sa kompaniya. Kinuha niya na ang 10million na advance para sa susunod na taon dahil nangailangan si Mae ng malaking halaga ng pera sa kaniyang luho at bisyo. Nalulong na siya sa pag susugal at hindi namalayan ni Mae—na nabaon na siya ng utang ki Mrs. Martinez! Isa pa din ang lecheng mataba na iyon! Ngayon pa talaga ako ginigipit. Kong may pag-kakataon na mayron sana siyang naitabi na 20 million, hindi na sana siya pupunta sa kompaniya ng mga magulang niya para makiusap na pag-bigyan siya nito ng pera! Kahit na rin si Mark, hindi rin nito alam ang tungkol sa bagay na ito at sa million na pag-kakautang niya. Kailangan niya na mabayaran ito bago pa ito malaman ni Mark. "I know Mom. Baka sakali kukunin ko na ang dalawang taon na advance sa makukuha kong pera, how was it?" Kumunot-noo ang Mom sa sinabi ni Mae. "Sorry hindi ko magagawa iyan Mae, ang Daddy mo ang nag che-check ng finance at magagalit iyon kapag kinuha mo na ang para sa dalawang taon, anak.'" "Kailangan na kailangan ko talaga ng pera Mommy, please.." "Saan mo naman gagamitin Mae? 20 million iyon anak.. Sobrang laki no'n. May sarili ka naman na flower shop at si Mark naman may business, mukhang hindi ka naman gipit tungkol sa pera." "Please Mommy, gawan mo po ng paraan. Kailangan at kailangan ko talaga ng pera." Hinawakan ang kamay ni Mom at pilit na kinu-kumbinsi pa rin ito. "Hindi pwede!" Sabat ng bagong dating na matigil ang dalawa sa pag-uusap. Nataranta ang Mommy niya ng makita ang Dad niya na masama na kaagad ang timpla. "Jericho." Lumapit si Mom kay Dad at hinalikan ito. "Akala ko, may meeting ka ngayon?" "Hindi natuloy kaya't bumalik na lang ako dito." Bumaling ang tingin ni Jericho sa anak na si Mae. "Ganiyan ba ang sasalubongin mo sa amin Mae? Pumunta ka dito para huminggi ng pera? Kong tinanggap mo na sana ang alok kong trabaho sa'yo hindi ka nagigipit ngayon! Saan mo gagamitin ang pera? Sa luho mo? Oh sa lalaki mo!?" Matalas ang dila sa pananalita nito. Sanay naman si Mae na ganun tratuhin ng kaniyang Ama. Strikto talaga ito at matigas ang ulo! No'ng una close naman sila ng Ama niya pero, ngayon galit na siya sa akin at kulang na lang isumpa ako. "Hon," saway ni Mom ng kalmado na tinig. "Hindi kana lang gumaya kay Ivonne, na nakaka-tulong dito sa akin sa kompaniya. Hindi iyong matagal kang hindi nag pakita sa amin tapos babalik ka dito para huminggi ng pera!" Bumigat ang pag-hingga ni Mae. Hindi na rin niya makayanan ang galit at pag-iinsulto sakaniya ng sarili niya pa talagang Ama. Matapang na tumayo si Mae sa kina-upuan at kinuha ang chanel bag. "Aalis na ako.. Wala naman pala akong mapapala dito!" "Bastos ka talaga!" Tiim-bagang asik ni Jerico. Hindi man lang nasindak si Mae sa galit ng Ama bagkus nilampasan niya pa ito palabas ng Opisina nito. "Mae, Hija." Mom. "Hon, pigilan mo ang anak natin!" Pakiusap nito at hindi man lang nag tangkang pigilan ako ni Dad. "Hayaan mo siya at mag tanda! Hindi na tayo ginalang!" Parinig ni Jericho. Inis na napa-suklay si Mae nang buhok at may galit sa mata na nilisan ang kompaniya na iyon. Putangina talaga! ******* Pumasok si Lea sa engrande na restaurant kong siya makikipag-kita sa mahalagang tao. Hindi naman nahirapan si Lea na hanapin kong saan ito naka-pwesto na naupo dahil nakilala niya kaagad ito. Mula sa malayo naka-upo ang babaeng mataba at balot na balot na mga alahas sa katawan. Lumapit na si Lea sa babae at piniling umupo sa harapan ng babae. "Good evening, sorry I'm late." Hindi naman kumibo ang babae na kaharap. "Nice meeting you Mrs. Martinez!" Bati ni Lea sa babaeng kausap niya ngayon. Si Mrs. Gloriata Martinez! Ang babaeng kina-uutangan ngayon ni Mae. Sumilay na lang ang pilyong ngisi sa labi ni Lea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD