Chapter 11

1468 Words
Chapter 11 MAE'S POV "Wow asinsado kana talaga Mae, hindi ko alam na nakapag-patayo ka ng sarili mong flower shop. Hula ko regalo ito sa'yo ng mga magulang mo ano? Oh kaya naman ni Mark? Ang sweet naman niya kong nag kataon." Pinapadaanan ng tingin ng kaibigan ang mga bulaklak sa pinatayong flower shop ni Mae. Nag-kibit balikat na lang siya sa kaibigan at manghang-mangha ang gaga niyang kaibigan. Isang taon na ang flower shop ni Mae at dinudumog pa din ng mga customer dahil sa ganda ng serbisyo at kalidad rin ng mga bulaklak. "No, hindi nila binigay ito. Sarili kong dugo't pawis ang pinuhunan ko para makapag patayo ng sarili kong business Winnie. Kilala mo naman si Dad, hindi siya mag lalaan ng pera para suportahan lamang ang pangarap ko. Mas susuportahan niya ako kapag nag focus kami sa kompaniya." Matagal ng retired ang ama ni Mae,mahigit ng dalawang taon na ang nakaka-lipas simula no'ng umalis sa pwesto. Dapat sana ako na ang papalit sa kaniyang posisyon, ngunit umiksena naman ang kapatid niyang si Ivonne, at sinumbong ako kay Dad. Kumalat ang eksina na nanira ako ng ibang pamilya. Galit na galit si Daddy, at binigay nitong kaparusahan sa akin, inalis niya ako sa posisyon at Ivonne na iyon, ang tumatamasang fortune na hindi dapat sakaniya. Balang araw, babawiin ko ang para dapat sa akin, nag hihintay na lamang ako ng tamang panahon. Okupado ang atensyon ng kaibigan na pinapanuod ang mga bulaklak at ganun din ang ibang customer. Nahagip ng mata ni Mae ang pamilyar na babae na parating, kaya't siya kinabahan. Bago paman pumasok ang babae at gumawang eskandalo sa Shopo niya, inunahan niya na ito. "Mam Claudine," pinakita ni Mae ang matais na ngiti, para ipakita na masaya siya sa pag dating nito. Malapad at mataba ang pangangatawan nito at guhit sa lapis ang kilay nito. Para itong sinapak sa kapal ng blush on nito. Balot na balot rin nag kikinang na mga alahas sa katawan, at naka sunod sa Ginang ang naka-suit na mga tauhan nito na balbas-sarado. "Mam Martinez, hindi ko inaasahan na dadalaw kayo sa shop ko. Bakit kayo, narito?" Tumaas ang guhit na lapis na kilay nito. "Ako ba'y pinag tataguan mo Mae? Hindi kana ata, nag papakita sa akin. Narito ako para maninggil ng utang mo sa akin," ngumisi ang Ginang. "Hindi mo naman kailangan na pumunta dito Mr. Martinez, babayaran naman kita. Iniipon ko naman ang pera na pang bayad ko sa'yo. Sa katunayan nga may pera ako dito, bigyan mo ako ng sapat na panahon para maka bayad sa'yo." Pagak na tumawa ang Ginang kaya't mapa-baling ng tingin ang taong dumaraan sa paligid ng shop ko. "Huh! Nag iipon ka ng pera? Bakabarya-barya pa lang ang hawak mo ngayon Mae. Baka tirik na ang mata ko sa kahihintay, hindi mo pa rin ako mabayaran." napa-lunok si Mae na pomosisyon ang nakaka-takot na lalaki sa likuran ni Mrs. Martinez. "Umayos-ayos ka diyan Mae, baka nakakalimutan mong 20 million ang utang mo sa akin sa pag bibisyo mo sa sugal. Hindi kita mahirap pinautang dahil maayos ka naki-usap sa akin, at sana naman madali ka rin maka bayad!" anito. "Babarayan naman kita Mrs. Martinez," "Mukhang maganda ang flower Shop na ito. MAE'S FLOWER SHOP!" binasa pa nito ang karatulang naka-ukit sa labas ng shop ko. "Kong hindi mo ako mababayaran ng buo sa katapusan, sapat na siguro itong Shop mo na kabayaran sa utang mo sa akin. Babalik ako Mae," hinakbang na ng Ginang ang paa paalis at pinigilan naman ito ni Mae. "Please Mrs. Martinez, ito lang ang Shop na mayron ako. Please, maawa ka sa akin," tumingin ang Ginang sa kamay ni Mae na naka-hawak sakaniya. "Bitawan mo ako," maluha-luhang binitawan ni Mae ang kamay ng Ginang at ngumisi pa ito. Tinuro ni Mrs. Martinez ang relo, sabay sabing. "Time is ticking, kumilos kana para mabayaran ako Mae, kong ayaw mong mawala ang importanteng bagay sa'yo." Nag lakad na ang Ginang palayo kasabay ang panginginig ng katawan ni Mae sa takot. No, Hindi maari. Hindi pwede mawala ang bagay na mahalaga sa akin. LEA KRISTINE'S POV "Mam Lea?" hindi makapaniwala si Yaya Percy na ako ang dumating sa likod ng pint. Dire-diretso na rin pumasok si Lea sa loob bitbit ang iba pang mga gamit, samantala naman ang katulong naka-sunod lamang sa likuran ko. "Akala ko matagal pa ang uwi niyo. Mabuti na lang umuwi kayo, matutuwa iyon si Steven kaapag makita ka niya," "Pasensiya na Yaya Percy, aalis din naman ako kaagad. Umuwi lang ako dito saglit para may asikasuhin na importanteng bagay," kong hindi lang talaga importante ang gagawin niya, wala naman talagang balak umuwi si Lea. "uhm. Gusto niyo bang ipag-handa ko kayo ng makakain Mam?" "Huwag na, busog pa ako. Paki-lagay na rin itong gamit sa silid ko, at ang iba naman mga pasalubong ko kay Steven." binigay ni Lea ang mahahalagang bagay na dala niya dito. "Siya nga pala, asan si Steven?" "Naroon po Mam Lea sa likod at naliligo sa pool," tumango na lang ako bilang sagot at iniwan ito para puntahan ang aking anak. Hindi rin nito alam na uuwi ako, tiyak na matutuwa iyon kapag nalaman niyang umuwi ako. Nakita ni Lea ang anak naka-upo sa gilid nang pool at suot nito ang suit na pang swimming. "Bikoy," tawag ko na kina-lingon naman kaagad nito. Umaliwalas ang mukha ng makita ako at patakbong yumakap sa akin. "Mommy," kumalas na ito sa pag kakayakap sa akin at basa rin ang buhok at damit nito na kagagaling lamang sa paliligo. "Mukhang na-miss ako ng baby ko ah? May dala akong gifts sa'yo, pinadala ko na kay Yaya Percy sa silid mo," "Syempre naman po Mommy, miss na miss ko na po ikaw. Ikaw din po eh, miss mo na din siya kaya't ayaw mo akong isama sa work mo," ngumuso ito na nag tatampo. "Hey, para saan iyon?" bumusangot ang mukha ni Steven at malamlam akong tinignan. "Kaya't pala ayaw mo akong isama dahil kasama mo si Daddy sa work, Tito Insoo told me everything." matabang nitong lintarya. Hindi ko naman masisisi ang anak ko, kong may tampo at galit kay Mark. May isip na ang anak ko para maintindihan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid niya, kahit hindi ko man direktang sabihin at ipa-alala nasasaktan siya sa sinapit namin, na mas pinili ni Mark Mae at si Mia. Simula no'ng umalis kami sa mansyon at nakita ko ang anak ko umiiyak, na tangkain kong kitilin ko ang buhay ko. Doon nag simula ang pagiging matabang ni Steven sa Ama nito. Ayaw niya ng marinig ang tungkol kay Mark at ugnayan pa dito. Hindi ko rin sinabi kay Steven na kasama ko si Mark sa trabaho, dahil tututol siya sa pag punta ko sa Cebu. Tinuloy ko pa rin kahit magagalit ang anak ko sa desisyon ko, dahil kasama ito sa aking mga plano. "I hate him!" ang mata nito kapag nagagalit, naging kahawig na rin ni Mark. "Umuwi na kayo Mommy, huwag mo nang ituloy ang work mo. Kakausapin ko si Tito Glenard na huwag kana rin niyang isama sa mga project na kasama ni Daddy!" "Steven, hindi iyon madali. Tatapusin ko lang ang project na ito, I promise," "No! Huwag mong hahayaan Mommy na pumasok ulit siya sa buhay natin, don't let him hurt us again," hinawakan ni Lea ang mag kabilang balikat nang anak at niyakap. Huwag kang mag-alala anak, hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Ako ang mananakit sa mga taong nanakit sa atin! ****** Ilang minuto na naka-tayo at pinapanuod ni Lea ang magandang bahay sa harapan. Sobrang tahimik at wala nang kakulay-kulay ang minsan naging tahanan niya sa mahabang panahon. Dinaaraanan na lang ng mga sasakyan sa loob ng subdivion ang malaking bahay at kay lungkot na nito'y kong pag masdan. Hinakbang ni Lea ang paa papasok sa bahay at pinapadaanan ng kaniyang mata ang bawat suok---na minsan nag bigay ng magandang alaala sakaniya. Sa pag-lilibot ni Lea, napadpad siya sa dati nilang silid ni Mark. Naroon pa rin ang ilan sa mga gamit nila at naiwan na lang ang mapapait na marka na nangyari sakaniya sa sinapit ng kaniyang asawa. Tumingin-tingin na rin si Lea sa paligid at binuksan niya ang wardrobe at hindi sinasadya na may mahulog na bagay na mag paagaw ng atensyon ni Lea. Sa labis na kuryusidad, kinuha niya iyon at binasa. Isa lamang iyong divorce paper. Wala na siyang naramdaman na sakit ng makita niya iyon. Ngunit mapait at malalim na sugat na binigay nitong peklat sa pag katao ko. So totoo nga! Balak mo na sa akin makipag-hiwalay noon. Hindi namalayan ni Lea, na nilukot niya na sa kaniyang kamay ang divorce paper-kasabay ang galit sa mata. Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo! Humanda kayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD