Chapter 26

1680 Words
Chapter 26 LEA KRISTINES’S POV Mula sa tahimik na lugar kong saan sila madalas nag kita ni Mrs. Martinez; isa-isa kong sinuri at tinignan ang mga kuha nitong mga litrato mula sa pag papa-imbestiga ko sakanya. May inatasan na mga tauhan si Mrs. Martinez para mag matyag at kumuha ng mga litrato at mga impormasyon na kailangan ko kay Mae. Mga litrato mula sa mga ginagawa nito araw-araw. Kong sino ang mga kasama at nakaka-usap nito. At huling litrato sa aking kamay ang pag hatid sa huling hantungan sa kapatid nitong si Ivonne. Makikita mo talaga sa mata ni Mae ang lungkot at pag dadalamhati sa pag hatid sa huling hantungan ng kapatid nito. Kahit na ako; hindi madadala sa pag aarte nito. Matagal ko na rin alam, simula pa lang noon hindi na maganda ang samahan ng mag kapatid. Na may lihim na galit si Mae sa kapatid nito. “Sa ngayon, bumalik na si Mae sa kompaniya at inaaral na siya ng kanyang Papa para sumunod sa yapak na tagapag mana ng kompaniya.” Tumango ako bilang sagot nito. “So anong gagawin natin na hakbang ngayon Lea? Hindi ka ba gaganti ngayon kay Mae?” Pasimple na lang ako ngumiti at nilapag sa lamesa ang hawak kong litrato. “Hindi muna ngayon.” Sinandal ko ang likod sa upuan, pinapanuod ang mga tao sa labas ng coffee shop. “Hayaan na muna natin na mag-enjoy sa mg blessing na natatanggap niya ngayon at saka ako kikilos.” Ngumiti ako ng makamandag at kinuha ang tasa ng kape at sinimsim ang laman no’n. MAE’S POV 8 buwan ang naka-lipas; naging matagumpay na naibaon ko na nga sa hukay ang lihim kong sekreto. Sekreto na ako mismo ang pumatay sa aking kapatid. Hindi man sinasadya, subalit kailangan kong ibaon lahat sa hukay ang mga nangyari para hindi masira ang mga plano ko. Sa pag kawala ni Ivonne, naging madali ang lahat para sa akin. Ngayon naging malapit na sa akin si Dad; ang dating abot kamay ko na lang na makuha ang atensyon at pag mamahal nito sa akin noon. Ngayon napapansin niya na ako at nakikita niya na ang mga bagay na dati hindi nito napapansin. Pinag buti ko ang ginagawa ko para maging proud din sa akin si Dad. Ginawa ko ang makakaya ko para ipag malaki niya din na may halaga ako sa kompaniya. Tinuon ko ang oras at atensyon ko sa trabaho hanggang dumating na nga ang bagay na pinaka-hihintau ko. Iyon ang mailagay ako sa posisyon ni Dad na susunod na tagapag mana ng kompaniya. Lahat ng mga tao nakidalo kagaya nang board member, shareholders at mahahalagang tao sa kompaniya. Nag karoon ng pag titipon-tipon sa kompaniya at abot langit ang saya sa aking dibdib na naayon na lahat ng bagay sa akin. Bagay na matagal ko ng pinangarap. Nang matapos na ang pag-tipon-tipon, umalis ako saglit. Iniwan ko na si Mom at Dad sa conference room kasama ang mga mamayaman na tao. Bawat kasulok-sulokan ng kompaniya; ninanamnam ko ang sandali dahil sa wakas naging sa akin na ang kompaniya na ito. Ngumingiti at bumabati sa akin ang mga tao at empleyado na maka-salubong ko sa hallway. Lalo lamang akong ginagahan na ang sarap-sarap pala sa pakiramdam na ngayon Amo na nila ako. Sa aking pag lilibot huminto ako sa isang silid. Hinawakan ko ang seradura at tinulak iyon pabukas. Tumambad kaagad sa akin ang familiar na silid; at hindi pa naalis ang mga ilang gamit na naroon. Pinadadaanan lamang ng mga mata ko ang ilang litrato at mga awards na naka-display sa shelves at huli kong hininto kong saan naka-lagay ang munting litrato ng naka-ngiting babae. Maaliwalas ang ngiti sa labi ng babae. Kinuha ko ang litrato ni Ivonne, at hinaplos iyon. “Salamat sis, unti-unting nag kasatuparan ang mga plano ko. Kong hindi ka lang naki-alam hindi sana hahantong sa ganito.. Hayaan mo, aalagaan ko ang kompaniya.” Tinapat ko ang litrato ni Ivonne at hinulog iyon sa basurahan. May satisfaction sa dibdib ko na ginawa ko iyon. Walang makakalabas ng aking mga lihim. At lalong walang makaka-alam ang dahilan ng pag kamatay mo Ivonne. “Much better, diyan ka nararapat.”ngumisi akong demonyo. “Mam?” Natigilan ako ng marinig ang boses sa likuran ko. Nakita ko ang babaeng naka-tayo, at base lamang sa suot nitong uniforme, empleyado ito. “Ano iyon?” Patay-malisya kong saad. Lumapit pa ako sa babae para hindi nito makita ang aking ginawa. “Kanina ko po kayo hinahanap Mam, ipapakita ko kayo sa magiging Opisina niyo po.” “Ganun ba? Sige susunod na ako.” Huminto ako muli at binalingan ng tingin ang babae. “Siya nga pala, gusto kong ipa-renovate ang silid na ito.” “Ho?” “Binggi ka ba? Oh baka gusto mong ulitin ko pa ang sinabi ko?” Pag susungit ko. Ang ganda niya kaso bunggol lang siya kausap. “Gusto kong palitan at alisin ang ilan sa mga gamit dito. Gusto ko itong maging Opisina.” “Pero h-ho, utos po ng iyong Dad, na huwag ipagalaw ang silid na ito. Narito po kasi ang ilang gamit ni Miss Ivonn—-“ tangina! Susuwayin niya na ba ako? Huminto ako sa tapat nang babae. May daplis na takot at pawis sa noo nito sa simpleng pag lapit ko lang dito. “Hindi ka ba susunod sa akin? Ako ang bagong Boss mo, kaya’t kailangan mong sundin kong anuman ang pinag-uutos ko!” “Y-Yes po Mam.” Malilikot ang mata nito na hindi na ako kayang diretsong matingnan sa mata. “Ano pang ginagawa mo? Alis!” Parang maamong tuta naman itong sumunod. Sumunod na ako sa babae at lumabas na ako sa silid. Nanatili pa ako sa kompaniya ng mga ilang minuto sinamahan ko na muna si Dad at Mom at pag katapos dumiretso na ako kaagad sa amin. “Good afternoon po Mam.” Bati ng katulong. Kinuha na nito sa kamay ko ang ilang gamit. “Si Mia asan?” “Kararating lang galing sa school po, nasa silid po siya ngayon Mam.” “Asikasuhin mo na si Mia, aalis kami mamaya.” “Yes Mam.” Iniwan ko na ang katulong at dumiretso na kaagad ako sa silid namin ni Mark. Isa-isa ko nang nilagay sa table ang gamit ko at isa na doon ang bouquet na white roses na bigay sa akin kanina ni Daddy. Hindi mapantay ang ngiti at saya sa aking labi na tumunog ang cellphone. “Hon, hello.” [Congratulations, Hon. Sorry kong hindi ako naka punta event kanina, but I’m so proud of you.] simpleng pag bati lang ni Mark sa akin ang nag pabigay na mga paru-paro sa aking tyan. “It’s alright. Naintindihan ko naman na mahalaga ang meeting mo kanina kasama ang mga investors.] [Babawi na lang ako, may hinanda akong regalo para sa’yo, Hon.] “You do? Wow!” Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi. Sabik na akong makita kong ano man ang suprise na hinanda ni Mark para sa akin. Kahit parati man sila nag aaway ni Mark, hindi ito pumapalya na isurprise at iparamdam kong gaano niya ako kamahal. Kaming dalawa ng anak niya. “Siya nga pala, nag yaya si Dad na mag family dinner sa isang restaurant. Can you make it, tonight?” Tumingin ako sa relo at pasado alas singko pa lang ng hapon. Sobrang maaga para sa family dinner nila mamayang 7;30pm. [Yes Hon, see you later. I love you.] “I love you too.” Matamis na binaba ko ang cellphone ko. Dumiretso na ako sa banyo para makapag babad para sa espisyal na araw na ito para sa akin. Ilang minuto; lumabas na ako sa banyo suot ang white robe. Tumutulo pa ang tubig mula sa basa kong buhok at nag lagay na ako ng lotion sa aking kamay at binti. Nag patugtog pa ako ng soft music, para damhin ang espisyal na araw na ito para sa akin. Ang mahinang katok ang mag patigil sa akin. Lumuwa sa pintuan ang katulong bitbit ang white box at napapalibutan ito ng magandang design. “Sorry po Mam sa istorbo. May nag padala po kasi ng regalo po.” Lumakad ang katulong at buong ingat nitong nilagay sa ibabaw nang kama ko. “Really? Kanino galing?” “Wala pong sinabi ang delivery guy, kong kanino galing ang package, Mam.” “Hmm, that’s odd. Sige maraming salamat,.” Sunod ko na lang narinig ang yabag mg paa nito palabas nang silid. Hinarap ko ang karton at ilang segundo ko pinag-aralan iyon. Base pa lang sa texto at quality ng package, mapapansin mo talaga na mamahalin at hindi lang iyon basta-basta na cheap na regalo. Matamis na lang akong ngumiti na maalala ang isang bagay. “Hmm, ang sweet mo talaga, Mark.” Binanggit kanina ni Mark na may surpresa ito sa akin. Baka ito na nga iyon. Umupo ako sa gilid nang kama, excited na masaksihan kong ano ang regalo na hinada para sa akin ni Mark. Wala naman akong nakuhang letter o anumang special na mensahe sa labas ng box. Pag bukas ko nang box, tumambad kaagad sa akin ang plastic white wrap. “Ang sweet mo talaga Mark. Ano kaya ito? Ba—-Ahhh!” Sumunod ang malakas kong tili na pag alis ko ng white wrap tumambad sa akin ang duguang patay na ibon kaya’t naitulak ko ang box kaya’t nahulog iyon sa kama. Nanginginig ang kalamnan kong nilapitan ang box. Doon kumalat ang patay na ibon at mga daplis na sariwang dugo na nag kalat sa tiles. Kasama ng dugo ang samo’t-sari na mga litrato. Litrato na mag pabalik ng takot sa aking dibdib. Litrato na ilang buwan kong pilit na binabaon sa hukay. Kuha ang litrato na mag kasama kami ni Ivonne bago maganap ang pag kamatay nito. Napa-takip ako sa bibig sa takot na aking nasaksihan. Gumilid ang luha sa mata ko na hindi ko mapigilan na umagos. No. Ano ito? Bakit may ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD