Chapter 27

2094 Words
Chapter 27 MAE'S POV Napa titig ako sa patay na ibon at mga nag kalat na mga larawan sa sahig. Mga larawan, na hindi ko na kayang masikmurahan na makita. No. Paano? Hindi pwede! Gumilid na ang luha sa aking mga mata; takot na malaman ng lahat ang aking maitim na sekreto. Hindi na ako nakapag-isip ng matino at lumuhod na ako sa sa tiles para isa-isang damputin ang mga nag kalat na mga larawan. "N-No, hindi pwede. Hindi pwedeng malaman ito ng lahat." Paulit-ulit kong nasambit at nataranta na akong pinulot ang mga larawan para madispatsa na. Sa aking pag mamadali; kusa nang bumagsak ang katawan ko sa malamig na tiles at nabahiran ng dugo ang aking katawan. "Hindi dapat na malaman ito nang lahat. Hindi t-talaga pwede," nababaliw na paulit-ulit na sinasabi ni Mae ang katagang iyon kasabay ang pag agos ng luha sa pisngi. Kinuha ko ang litrato at nilagay iyon sa basurahan at pati na rin ang patay na ibon. Sunod ko naman na kinuha ang malinis kong damit at pinunasan ang mantya ng dugo na nag kalat sa sahig. Ang malakas na katok sa pinto ang mag pabalik ng kaba at takot sa aking dibdib. "Mam? Ayus lang po ba kayo?" Tangina talaga. Mag madali man ako sa pag linis ng dugo sa sahig, makikita pa rin nito ang mga dugo. Ang puting robe na suot ko namantyahan na rin ng dugo, pati ang pisngi at braso mayron na rin. "Mam?" Patuloy na katok pa rin nito sa pintuan na mag pabigay na taranta sa buong pag katao ko. "Ayos lang ako. May n-nakita lang akong daga kaya ako napa-sigaw. Umalis kana, hindi ko kailangan ng tulong mo!" Sigaw ko dito. Masisira ang plano ko kapag nalaman niya ang totoo. "Sigurado po ba kayo Mam? Tulungan ko po kayong maalis ang daga diyan sa sili—-" "Sabi nang umalis kana sabi eh!" Sigaw ko pabalik. "Sige ho Mam, pasensiya na ho." Yabag ng paa na lang nito palayo ang narinig ko. Kusa nang nanghina ang tuhod ko gayunpaman kahit naka-luhod na ako sa sahig. Binilisan ko na ang pag pupunas ko gamit ang damit ko sa sahig para maalis ang kumapit na mantya doon. Nang matapos na akong mag-linis. Dumako na ako sa cr. Pinag mamasdan ko ang sarili ko na umiiyak samantala may bahid ng mga dugo ang mukha ko. Nanginig na tinawagan ang importanteng tao na alam kong makaka-tulong sa akin. "Hello Louie." Hindi ko mapigilan na mag buhos ng emosyon na maka-usap ito. "Mae? Umiiyak ka ba?" "A-Alam niya na. Alam niya na ang totoo." Impit ko pa din na sumbong dito. "Ano bang nangyayari sa'yo? Just please, calm down okay?" "May nag padala sa akin ngayon na regalo, ang laman patay na ibon at mga samo't-saring mga litrato. Laman na litrato na kuha na na mag kasama kami ni Ivonne sa fire exit! T-Tulungan mo ako Louie, tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko n-ngayon." "s**t! s**t!" Mura nito sa kabilang linya. "Nakilala mo ba o nalaman kong sino nag padala sayo ng regalo?" "I don't know.. Ang katulong ko ang nag bigay sa akin ng regalo." Palingon-lingon na din si Mae sa paligid na animo'y may tinataguan. "Hindi ko pa siya natatanong dahil una kitang tinawagan.. Hindi ko alam ang gagawin ko L-Louie.. Oo, napatay ko si Ivonne pero hindi ko naman sinasadya na maitulak siya." "Isa lang ang sagot dito Mae. Posibleng ang nag padala sa'yo ng bulaklak. Siya din ang naka-kita sainyong dalawa ni Ivonne sa fire exit." Nanghina na napa-sandal ako sa pader sa narinig ko. No! It can't be! "W-What? N-No, that's not happening right? Kapag nalaman ng iba ang totoo pwedeng itakwil ako ni D-Dad, mawawala sa akin ang kompaniya. No! Hindi ko hahayaan na mawala sa akin na ganun-ganun lang ang mga pinag-hirapan ko L-Louie, hinding-hindi." "Hey, just relax!" Anito. "Gagawin ko ang makakaya kong tulungan ka Mae. May cctv camera ka sa labas ng bahay mo, diba?" "Y-Yes." "Isend mo sa akin. Baka sa paraan na iyon matutukoy ko kong anong company nag padala sa'yo ng package. " "Sige. Maraming salamat Louie." Pinatay ko na ang tawag at sapo-sapp ko ang mukha ko. Hindi pwedeng may naka-kita sa amin ni Ivonne: Hindi pwedeng mangyari ito sa akin. LEA KRISTINE'S POV "Excited kana bang pumunta kina Lolo at Lola anak?" Kinakausap ko si Steven. Inayos ko na rin ang pag kakabit ng bag sa balikat nito. Simpleng tango lamang ang sinagot sa akin. Kahapon ko pang napapansin ang pagiging tahimik ng anak ko. "Bakit? May nangyari ba anak? May nangyari ba sa school? Kahapon ka pa tahimik," puna ko. "Wala po Mommy." Yumakap si Steven at sumakay na ito sa sasakyan, para iwasan na mag tanong pa ako sakaniya. Kina sunod ko naman iyon ng tingin at umayos ako ng pag kakatayo. Pinapanuod ko ngayo ang anak kong naka-upo sa backseat at ganun pa rin ang kinikilos nito. Pinaningkitan ko na lang ng mata si Insoo sa tabi ko. "Could you tell me what happened to my son, Insoo?" Nag kibit-balikat na lang ito sa akin. Sa base pa lang ng mata nito; may hindi nga talaga ito sinasabi sa akin. Aaminin kong hindi ko rin natutuonan ng pansin at atensyon ang anak ko dahil na rin sa trabaho sa kompaniya. Nahahatid-sundo ko pa naman siya sa school ngunit madalang na lang kaya't si Insoo ang madalas na nag susundo kay Steven. "Mark visited him at school yesterday." What? "What? Kaylan pa?" Nainis ako kaagad na marinig ang sinabi nito. "Ilang buwan na." Tangina! Nalulusutan na pala ako ni Mark, na hindi ko namalayan. "Lintik talaga! Hindi niya talaga tinatantanan ang anak ko!" Susugudin ko sana at mabilis naman nahawakan ni Insoo ang siko ko. "Saan ka pupunta? Susugudin mo siya?" "Ano pa nga ba? Hangga't umaaligid si Mark sa anak ko, hindi ako mananahimik, Insoo." Giit ko pa. "Relax, hindi naman lumalapit si Mark sa anak mo. Pinapanuod niya lang si Steven sa malayo. Sinisiguro ko naman palagi na hindi makakalapit siya kay Steven." "Kahit na Insoo, ayaw ko lang manggulo lang siya sa anak ko. Lalo na ngayo—ughh!" Frustrated akong napa-hilamos sa mukha sa labis na galit. "Just take a deep breath." Hinawakan nito ang mag kabila kong balikat. Pinapasunos na maging kalmado. "Are you good now?" "Yes, thank you." Pilit akong ngumiti. "Sumama kana sa amin ni Steven, pupunta ako ngayon kila Mom at Dad." "Sa susunod na lang siguro. May pupuntahan din naman ako," "Are you sure?," tumango ito bilang sagot. "Oo," kumuway pa ito kay Steven mula sa sasakyan at sinuklian naman kaagad iyon ng aking anak. Nag paalam na ito na mauna ng umalis. Dumiretso na rin akong bumisita sa bahay ng mga magulang ko. Pag pasok ko pa lang doon, sinalubong na kaagad ako ni Mom na mahigpit na yakap. Sa excitement kasama na ngayon ni Mom si Steven, dinala niya ang anak ko sa silid para ipakita ang mga pasalubong at kong ano-ano pang laruan sa anak ko. Ine-spoiled ni Mom si Steven hindi lang sa laruan kundi rin sa pag mamahal. "Kuya Glenard?" Dumaan sa gilid ko ang bulto ng tao na kamuntik kong hindi na makilala. "Hi, sis!" Tinaas ang kaliwang kamay para batiin ako. Kunot-noo na sinuri ko ang kapatid ko, may daplis na sugat at pasa ang mukha nito. "What happened? Anong nangyari sa mukha mo?" Hahawakan ko sana ang mukha subalit, kina-iwas naman nito. "Wala ito," hinawakan nito ang gilid nang labi; at napa-ngiwi ito sa sakit. Base pa lang sa sugat nito, sariwa pa lang ang mga iyon. "Hulaan ko, galing iyan kay Kuya Reynard, ano?" "Saan pa nga ba?" Pag susungit ng aking kapatid. "Tarantado talaga ang Reynard na iyon. Hindi ko aakalain na matutunton niya ang lokasyon ko." "Kong hindi ka lang sana nag marunong, hindi ka niya mabubugbog ng ganiyan." May hangganan din ang pag tatago ni Kuya Glenard sa kakambal nito. Kilala ko si Kuya Reynard, kapag may nagawa kang kasalanan sakanya, hindi iyon titigil hangga't hindi siya nakaka-ganti sa'yo. Ultimo kakambal niya, hindi niya pinapaligtas kapag may nagawa kang kasalanan. "Hayaan mo na. Galos lang itong natamo ko. Makakabawi din ako sakaniya." "Kaylan pa? Eh talo ka naman ni Kuya Reynard sa pakikipag suntukan." "Ts! Mang-inis ka pa lalo." Naagaw ang atensyon pareho namin na dumaan sa gilid namin si Manang, bitbit ang tray lamang pag-kain. "Sandali Manang, para kay Dad po ba iyan?" Huminto naman ito sabay ngiti. "Opo, Mam Lea." "Ako na ang mag dadala niyan." Presinta ko. "Lea." Pag pipigil ni Kuya na may pag-aalala na tono. "It's alright Kuya, gusto ko din makita si Dad." Kinuha ko kay Manang ang tray lamang pag kain kay Dad para ako na mismo ang mag akyat non doon. Paakyat pa lang ako sa hagyan, sobrang kaba at bilis ng kabog ng aking dibdib. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa posibleng mangyari pero gayunpaman naroon ang panabik na makita si Dad. Hindi na ngayon araw-araw akong bumibisita sakanya subalit sinisiguro ko na naroon ako palagi. Makita at maka-sama ko lang sakanya, ayus na iyon kahit kina-nunuklaman niya ako. Pag pasok ko sa silid; nadatnan ko si Dad naka-upo sa kama at ang tingin nito sa malaking bintanaw, matatanaw mo ang kulay asul na kalangitan at magandang tanawin sa labas. Buong ingat kong nilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa na malapit lamang sa kama kong saan ito naka-higa. Kinuha ko na ang mangkok na laman ng pag-kain nito at pumwesto na rin sa gilid nang kama para pakainin na ito.. "Dad, dala ko na ang tanghalian mo." Unti-unti ng bumigat ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Naka-tuon lamang ang tingin nito sa labas. Lalo lamang nasasaktan dahil napapansin niya naman ang presinsiya ko subalit hindi niya man lang akong kayang lingunin at kausapin. "Asan si Lydia?" Tukoy nito ang katulong. Ito rin ang kadalasan na kasama at nag papakain kay Dad kasama ang ilang nurse. "Siya ang kailangan ko ngayon at hindi isang kagaya mo! Iwan mo na ang pag-kain diyan at umalis kana!" Nilunok ko ang masasakit na salita nito, sinasampal niya na hindi niya ako kailangan. Paulit-ulit akong narito, paulit-ulit rin nasasaktan, "May ginagawa sila ngayon Dad, kaya't ako kuna ang narito." Nilapit ko pa ang sarili ko sakanya. Sumandok pa ako sa kutsara para isubo na dito. "Kumain kana po, para mainom niyo na ang gamot niy—-" "Sinabi ko nang hindi kita kailagan dito!" Malakas nitong sigaw at tinulak ako kaya't hindi ko inaasahan na mabitawan ko ang hawak kong mangkok at tumilapon sa sahig ang laman no'n. Kasabay din ang malakas na pag kabasag ng mangkok na mag bigay ng tensyon at umaapoy na mata ni Dad sa galit. "A-Aray." Impit na daplis na tumilapon ang mainit na sabaw sa balat ko. Nanunuot ang kirot sa aking kalamnan, at pangingilid nang luha sa aking mata. "Umalis kana sabi eh! Hindi kita kailangan dito!" Dumaongdong ang malakas nitong sigaw. Ang mata nitong may galit at panunukoam sa presinsiya ko, ang nag bigay ng sakit sa puso ko. "Diba sinabi ko sa'yo na ayaw ko ng makikita pa ang pag mumukha mo? Lumayas ka sa pamamahay ko! Layas!" Tinuro pa nito ang pintuan; "B-Bakit Dad?" Basag kong tinig. Hindi ko mapigilan na maging emosyon dahil sobra na akong nahihirapan. Sobra na akong nasasaktan. Pagod na ako pero heto, bumabalik pa rin kahit durog na durog na ako. "Bakit galit na galit ka sa akin? Ganun na lang ba kasama ang naging kasalanan ko sa'yo para hindi mo ako mapatawad?" Basag kong tinig. "Mahal na mahal ko k-kayo Dad. Nasasaktan ako ng sobra na ganito ang trato mo sa akin, na paulit-ulit mo akong tinatakwil. Ano bang kailangan kong gawin h-ha? Anong kailangan kong gawin para mapatawad at matanggap mo lang ako?"lumihis na ang luha sa munting mga mata ko. Tahimik lang si Dad pero blangko ang expression na pinapakita nito sa akin. Matang hindi ko kayang pag masdan. "Umalis ka sa buhay ko, at doon kita mapapatawad!" Binuhasan ako ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa naging sagot nito. Nilalamon na ako ng sakit at hirap pero nagawa ko pa rin tumayo sa harapan nito. Hindi na ako kumibo at tinalikuran ko na si Dad, ayaw kong ipakita na nasasaktan na ako sa trato niya sa akin. "Babalik ako para kumuha u-ulit ng pag-kain mo Daddy," mapait akong ngumiti at nag lakad na paalis sa silid nito. Bumuhos na ang luha sa aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD