Chapter 33

1810 Words
CHAPTER 33 MAE'S POV Kanina pa pabalik-balik nag lakad si Mae sa loob mismo ng silid nila Mark. Aligaga at hindi alam ang dapat gawin. Mamula-mula na ngayon ang mukha sa galit dahil na rin sa nangyari kanina sa Opisina ng kanyang Daddy at isa na rin ang napa-galitan siya nito dahil sa kapalpakan niya. Simula no'ng maging CEO si Mae ng kanilang kompaniya, sinikap niya talaga na hindi magalit o madissapoint ang kanyang Ama. Pinipilit niyang mahigitan na mahalin at mapansin din siya ng Ama gaya nang pag-mamahal nito kay Ivonne. Gusto niya maramdaman na puriin ng Ama sa lahat na mga achievement sa pamamalakad niya sa kompaniya. Lahat nasira dahil sa'yo Lea! "Hayop ka talaga, Lea." Nanlilisik na ang mata ni Mae sa galit. Sinisisi niya ngayon si Lea kong bakit nagalit ang Daddy niya sakanya. "Pag babayaran mo ang ginawa mo sa akin! Tandaan mo ito ughh!" Napa-sigaw si Mae sa galit. Hindi lang ngayon, galit nang Ama ang kinakaharap ni Mae kundi kailangan na kausapin niya si Lea na mag tuloy ng investment sa kanilang kompaniya. "Bakit sa kinarami-rami ng konpaniya, bakit sa mga Sandoval pa? Tangina!" Tili niya muli sa galit. Hinahabol na ni Mae ang pag-hingga subalit kahit isigaw niya man o ibato ang gamit sa kanilang silid, hindi pa rin mapapantayaan ang sama ng loob niya ngayon! Hindi ako makikipag-usap at babaan ang pride ko para kay Lea. Over my dead body! "I hate you! I hate you! I hate you!" Sinapo ni Mae ang mahabang buhok at hindi inaasahan na mapa-hawak si Mae sa leeg. May naalala siya bigla, na hindi niya suot ang paborito niyang kwentas. Asan ang kwentas ko? Nanumbalik ang aalala ni Mae sa kwentas na parati niyang suot. Kwentas na binigay ni Dad sakanya no'ng mag 18 birthday niya. Pareho sila ni Ivonne binigyan ng customized necklace gawa sa special na bato at kakaibang design. Simula no'ng binigay sakanya ng Daddy niya ang kwentas; hindi niya inaalis sa leeg dahil iyon ang nag bigay ng lucky charm para sakanya. Yeah! Naalis ko naman iyon sa leeg ko subalit, bilang lang sa kamay ko na tanggalin iyon sa leeg ko. Nataranta kaagad si Mae na wala sa leeg niya ang kwentas. Sinubukan niya na halughugin ang paborito niyang bag, nag babakasali na naroon iyon subalit wala. Asan kana ba? Hindi ka pwedeng mawala. Hindi pwede. Sinunod naman na hinalungkat ni Mae ang collection ng mga jewelries, pero ganun din. Wala din ito. Kinabahan na si Mae na hindi mahanap ang kwentas na binigay sakanya ni Dad, kaya't hinalughog niya na ang mga drawers, cabinets at kahit na rin ang wardrobe para hanapin iyon. Sobrang kalat na ang silid nila at naka-tambak ang mga gamit at ilang damit sa tiles sa kanyang pag hahanap. "No, hindi ka pwedeng mawala. H-Hindi." Nababaliw na paulit-ulit na binibigkas ni Mae iyon pero wala talaga. Kahit imposible man na lalagyan na alam niya naman sa sarili na hindi niya doon nailagay ang kwentas niya, tinignan niya pa rin. "No, please. Huwag kang mawala." "What's happening," ang boses ni Mark ang mag patigil kay Mae sa ginagawa. Kakagaling lamang ni Mark sa trabaho at pinasadahan nito ng tingin ang mga kalat na damit at gamit sa pag hahalungkat niya. "Hinahanap ko ang kwentas ko, nawawala siya, Mark," Sinapo na ni Mae ang mukha, hindi na rin malaman ang dapat gawin na nawawala ang importanteng kwentas. "Saan mo ba nilagay?" "I don't know!" Stress na rin siya sa mga nangyari. Stress na rin siya kay Dad at ang problema niya at dumagdag pa ang nawawala niyang kwentas. Minamalas ka nga naman. "Naalala ko lang bigla na hindi ko suot ang kwentas na binigay sa akin ni Daddy, I can't find it anywhere. Hindi pwedeng mawala iyon," hinalughog ni Mae ang huling drawer at hinulog ang laman sa sahig at tumambad ang ilang mga jewelries; wala ang hinanap niya. "f**k! Wala rin dito!" Nanlalambot na umupo si Mae sa kama. Sapo-sapo na ni Mae ang mukha sa nangyari. Nag lakad si Mark at pinili nitong maupo sa tabi niya. "Hey, huwag kang mawalan ng pag-asa. Baka nandito lang ang kwentas mo. Tutulungan kitang mag hanap mamaya." "Thanks." Tipid na ngumiti si Mae, napapanatag siya dahil si Mark lamang ang nag bibigay lakas sa mga panahon na hindi niya alam ang gagawin. Hindi maiwasan ni Mae na palihim na pag-masdan si Mark sa tabi at ibang-iba ang itsura nito. Kahit hindi ito nag salita, mapapansin mo ang pananahimik nito. "What happened? May problema ba?" Kaninang umaga umalis si Mark at may problema daw ito sa kompaniya. Base pa lang sa itsura nito ngayon, hindi lamang simpleng problema ang kinakaharap ng kompaniya. "Yes!" Asik nitong panimula. "Na leak ang confidential project namin ni Mr. Hamington na dapat mag sisimula na sa susunod na buwan ng JTB Corporation." Kina-kuyom ng kamao ni Mark sa galit. "Nag sagawa na ako ng imbestigasyon sa kompaniya; inaalam kong sinong ahas ang nag bigay sa JTB Corporation ng source ng project namin." Ibang-iba ang mustra ng mukha ngayon ni Mark. Alam ni Mae kong hanggang saan ang kayang gawin ni Mark kapag ito nagagalit. Saksi din siya kong gaano karahas sa mga taong may atraso sakanya. "Relax. Gusto mo bang tulungan kita sa problem mo?" "Huwag na. Ayaw kong problemahin ka pa sa problema ko." Anito. "Alam kong na malaking pressure din ng Dadsy mo, lalo't wala na si Ivonne. Huwag kang mag-alala at maayos ko rin itong problema sa kompaniya." Hinawakan ni Mark ang kamay ko at sabay na ngumiti ng pilit. "Are you, sure?" Tumango na lang si Mark. "I'll get shower first." Humalik si Mark na mabilis sa labi at nag lakad na papuntang banyo. Naiwan na lang ako naka-upo sa kama. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Mae. Hanggang ngayon iniisip kong saan niya huling naisuot ang kwentas, subalit wala rin siyang maalala. "Asan kaya, iyon?" Ngingatngat ni Mae ang kuko. Aligaga at hindi mapakali. "Asan kana ba, kasi?" May takot sa dibdib, na maalala kong saan niya iyon huling naisuot. Ang araw bago namatay si Ivonne. Sandali. Hindi pwede. Kinagabihan, hindi pa rin mapakali si Mae sa takot na posibleng tama nga ang hinala niya. Hanggang sumapit ang hapunan, pinapakita na lang ni Mae kay Mark na maayos ang lahat subalit kabaliktaran ng lahat. Tyenempuhan ni Mae na tulog na si Mark bago lumabas sa silid nila. Sinuguro ni Mae na mahimbing na itong natutulog para hindi mapansin ang gagawin niya. Doble inggat na bumaba si Mae sa living area at wala na ring bakas na taong naiwan doon kundi lamang sakanya. Lumingon si Mae sa kaliwa't-kanan bago tinawagan ang numero na gustong-gusto niyang tawagan kanina pa. "Hello, Louie." Mahina at pabulong na kausap ni Mae sa matalik na kaibigan. Mag-isa lamang siya sa living area ; takot pa rin na mahuli. "May problema tayo." Naibigkas na rin sa wakas ni Mae ang kanina pang bumabagabag sa isipan. Kanina pa siya aligaga at hindi alam ang dapat gawin na malaman na nawawala ang kwentas niya. "What is it?" "Nawawala ang kwentas ko and I can't find it anywhere. Malakas ang kutob ko na suot ko iyon na mag kita kami ni Ivonne at posible na nahulog ko iyon sa fire exit. Can you look it for me, Louie?" "Nag check ako sa crime scenes at wala akong nakitang kwentas o anuman na nahulog. Sigurado ka ba talaga na nahulog mo iyon?." f**k it! Lalo lamang na namroblema si Mae sa narinig. "I double check mo ulit Louie at hindi pwede na makita pa iyon ng iba. Kong mapasama iyon sa mga nakuha ng mga pulis na mga ebidensiya, pwede akong makulon—-" "Mae." Sumulpot ang malagong ba boses ni Mark sa likuran ko. Tinago ni Mae ang cellphone sa likuran at nag danak ang malamig na pawis sa kanyang buong katawan na naka-tayo ito at may may pag tataka. Narinig niya? Narinig niya lahat? "M-Mark." "Sinong kausap mo?" May pag dududa sa tanong nito. "Si D-Daddy, yeah si Dad," hindi na saayos ang pag sasalita ni Mae. "Nagalit kasi sa akin si Dad kahapon kaya't tumawag ako sakanya para huminggi ng sorry." "And?" f**k. "Okay na kami ngayon." Dagdag ko pa. "Nagising ba kita? I'm sorry." Pag-iiba ni Mae ng usap para hindi na ito mag tanong pa. Niyakap ni Mae si Mark at sabay na silang pumanhik pabalik sa itaas para matulog. Hindi pa din magawang ngumiti ngayon ni Mae, na hindi pa rin mahanap ang kwentas. LEA KRISTINE'S POV Kanina pa si Mae at Lea sa coffee shop at kaharap niya ito. Pinapanuod niya ito na naka-busanggot at hindi na maipinta ang itsura. Sino ba naman ang hindi bubusanggot, na kaharap niya lamang ang tunay na asawa na lalaking inagaw niya. Hindi aakalain ni Lea na tumawag ito out of the blue para lamang mag kita sila ngayon. Hindi na ako mag tatanong pa; panigurado pinilit ito ng kanyang Ama na mag kita kami dahil uhaw sila sa makuha ang inaasam nilang investment sa kompaniya namin. "I'm sorry." Wala sa loob na pag-hinggi ng tawad nito. "What?" Kitang-kita ko lumabas ang usok sa ilong nito sa sinabi ko. Oh come, Mae. Naasar ka talaga? "Hindi ko na uulitin kong ano man ang sinabi ko." Pag tataray nito. "Nandito lang ako dahil pinapunta ako dito ni Dad," "Oh, okay." Umayos si Lea na pag-kakaupo sa silya pasimpleng kinuha ni Lea ang tasa ng kape at sinimsim ang laman nang hindi inaalis ang mata kay Mae. Ibang-iba ang itsura nito kompara kahapon. Para itong tuyong gulay na sobrang lamya. Maitim din ang ilalim ng mata; na hindi nag karoon ng sapat na tulog. "Mukhang puyat ka ata ngayon, Mae.. Huhulaan ko, stress ka siguro o kaya naman may bumabagabag sa isipan mo ngayon?" Kina-baling naman ng tingin sa akin at ang mata'y galit na. "Shut it!" Asik nito. "Nandito tayong dalawa, para mag usap at wala akong panahon sa mga katanungan mo Lea." Gigil na asik nito. "Just take an easy, ang init naman ng ulo mo." Pag aasar ko pa lalo. Gusto sana nitong sumagot pa, subalit pinili na lang manahimik para matuloy lamang ang investment na gusto ng kanyang Ama. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nag tatanaw ng sama nang loob sa mga nangyari kahapon. Matutuloy pa rin ang investment namin sa kompaniya niyo, at hindi mo naman kailangan Ms. Chavez na tawagan ako para mag kausap tayong dalawa ngayon." Tumayo na si Lea sa kina-uupuan at naiwan si Mae na naka-upo pa rin. "I'll get going. Huwag mo rin kalimutan matulog Mae, may napra-praning kapag walang sapat na tulog," ngumiti si Lea bago ito iniwan. Tumalikod na ako at hinakbang na ang paa para iwan ito. Ang matamis na ngiti ni Lea, unting-unting nag laho at napalitan ng galit ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD