Chapter 28

1314 Words
Chapter 28 LEA KRISTINE'S POV Kanina pa malalim ang iniisip ni Lea sa pag mamaneho. Dapit alas kwatro nang hapon na mapag pasyahan nilang umuwi. Nasa tabi ko lamang si Steven naka-upo, kahit hindi ito mag salita ramdam ko pa din ang pasulyap-sulyap nito na tingin sa akin. "Mommy?" "Hmm?" "Gusto ko po mag ice-cream," pabulong nitong saad. "Sige sweetheart." Hininto ko ang sasakyan sa gilid lamang na ice-cream shop na madalas namin puntahan ni Steven. Hindi naman gaanong matao pag punta namin doon kaya mabilis kaming naka-hanap ng pwesto na mauupuan. Nag order na rin ako ng favorite namin pareho na chocolate mint ice-cream. "Kumain kana, anak." Nilapag ko sa table ang order at kaharap ko lamang si Steven sa table. Excited na simulan ni Steven na lantakin na kainin iyon. Mga ilang subo pa lang ang nagawa nito; natigilan muli ang anak ko. Nag tatakang tumitig sa akin. "Hindi ka po kakain, Mommy?" Umiling ako. "Hindi anak. Busog pa ako. Sige lang kain ka lang nang marami." Pag papasunod ko pa. "Bakit sad ka po Mommy? Inaway kana naman po ni Lolo?" Ang tanong nito na mag pahinto sa akin. "Steven." "Huwag kana po malungkot Mommy ko." Hinawakan nito ang pisngi ko. "Mag kaayos din po kayo ni Lolo dahil love ka niya po. Gaya ng love niyo po kay Steven." Sumandok si Steven ng ice-cream at inalok na isusubo iyon. Tinanggap ko na lang ang pag alok ng ice-cream sa akin at may saya sa aking dibdib ang simpleng sinabi at ginawa nito. "Thank you, sweetheart." Pinang-gigilan ko ang maumbok na pisngi nito. MARK SAMUEL'S POV "Ngayon lang ako naging masaya ng ganito Hon," kwento ni Mae sa kanilang pamamasyal ngayon na mag kakasama. "Sobrang overwhelm ako na makita si Dad na proud na proud sa akin sa aking ginagawa sa kompaniya ngayon. Kakatapos lang ang mahalagang projects sa bigating kompaniya. And guess, what? Sa akin pinag katiwala ni Dad ang projects at proud siya sa naging results dahil successful ang deals." "I'm so proud of you Hon," kina-lawak naman ni Mae ang matamis na ngiti sa labi sa puri ko dito. It's sunday, sinulit nila na tatlo na mag kakasama na pumunta sa magagandang places para ipasyal si Mia. Nag enjoy naman ang bata sa simpleng family day na kahit paminsan hindi nila nagagawa pareho ni Mae dahil pareho sila abala sa trabaho. Matapos nila mamasyal; dumiretso na kaagad sila sa Mall para mag shopping. "Noon paman may tiwala na ako sa'yo na makakaya mo rin ang pag papatakbo sa kompaniya niyo." "Mommy," sumulpot si Mia na suot ang violet dress. "Yes sweetie." "I want new toys po." Nag puppy eyes pa si Mia sa harapan nilang dalawa. "Sige na po, bilhan niyo na po ako. Pretty please." Pinag dikit pa nito ang palad para pag bigyan sa gusto na bilhan ng panibagong laruan na gusto nito. "Look Hon, nag pa cute na naman ang anak natin." Sumbong ni Mae, na naka-ngiti "Sige, mamimili tayo ng mga toys na gusto mo." "Marami po Mommy na toys po?" "Lahat ng gusto mo na mga toys, bibilhin natin." "Yey! Thanks Mommy, thanks Daddy." Humalik pa pareho sakanila si Mia. Mag kabilang kamay nila ni Mae na hawak ang kamay nito papunta sa Store para mamili lamang ng gusto nitong laruan. Pag pasok pa lang ni Mia sa store; panay takbo na nang bata, halatang excited na sa gusto nitong bilihin. "Huwag kang lalayo sa mata namin ng Daddy mo." "Yes po Mommy." Abot langit ang ngiti sa labi nito. Sinundan nila si Mia para pumili na ng mga laruan na gusto nito. Mag kahawak kamay sila ni Mae nag lalakad, at sa kabila kong kamay hawak naman ang ilang paper-bags kong saan sila namili ng mga pinamili nila. Pareho silang naka-ngiti ni Mae na pinapanuod ang anak na namili ng mga laruan. Tumunog ang cellphone ni Mae at sa isang iglap nawala kaagad ang matamis na ngiti sa labi nito. "Sorry hon, I need to take this call. Can you watch Mia, for me?" Tumango ako. "Sige, sagutin mo na iyan at mukhang importante," "Thanks." Bumitaw na si Mae sa kamay ko at sinagot na nito ang tawag. "Yes; hello?" Kausap nito at piniling lumayo sa akin. Lumapit na ako kay Mia, para tulungan ito na maka-pili na gusto nito. Patakbong lumapit si Mia hawak ang dalawang mag kaibang laruan. "Hey, you want that toys?" Nag pout lamang ito at tumingin sa akin. "Oo, kaso pareho na ako may ganitong toys Daddy." Tumitig ito sa shelves kong saan naka display ang iba't-ibang magagandang laruan ang nandon. "May nakita ka bang gusto mong bilhin ngayon?" Umiling ito; halatang nahihirapan pumili ng laruan. "Akala ko po, madali lang pumili ng mga toys. Ang hirap din po pala." "Ako na ang bahala. Tutulungan kita mamili ng best na toys para sa princess ko." I pick her nose that make her smile. "You do?" Namilog na ang mata nito sa amusement. "Oo naman, pipili si Daddy ng mga laruan," nauna na akong mag lakad para mag hanap ng mga laruan na tiyak kong magugustuhan ni Mia. Sa totoo lang talaga; wala akong alam tungkol sa mga laruan at mga gusto ng mga bata. Siniguro at pinag isipan ko talaga kong ano ang aking kukunin, na magugustuhan ng anak ko. Patuloy lamang ako sa pag lalakad, samantala naman si Mia naka-sunod lang sa akin. Hinahayaan lang ako na ako mismo ang mag alok na ipakita sakaniya ang laruan. Sa ilang minuto kong pag-pili; hinawakan ko na ang laruan para ipakita dito kay Mia. "Hey, princess. Do you like this? Diba ito ang favorite mong laruan?" Umiba ang timpla ng mukha ni Mia at nag cross-arms ito sa harapan ko. "Daddy, what are you doing po?" Taka at pag susungit nito sa akin. "Hindi po ako boys, para mag laro ng cars po." Nagulantang ako sa sinabi nito at kahit na rin ako nabigla na mapag-tanto na hindi laruang pang babae ang hawak ko kundi laruan na kotse. Fuck! Naalala ko bigla na ito pala ang paboritong laruan ni Steven. Shit, anong nangyayari sa akin? ***** Matapos nilang mamili ng toys; dumiretso na kaagad sila kumain sa sikat na restaurant. "Mauna na kayong umuwi ni Mia," "Why? Sumabay kana sa amin." Mag dadapit alas-syete na nang gabi na mag pasyahan nilang umuwi na. "May mahalaga lang akong aasikasuhin sa kompaniya. Uuwi din ako mamaya." "Okay." Nilagay ko ang ilang mga gamit sa loob nang sasakyan. "Keep me updated,okay?" Tumango ako. "Mia, mag kiss kana kay Daddy. We need to go sweetheart." Lumapit naman kaagad si Mia. "Bye Daddy." Hinalikan ko si Mia sa pisngi at huli kong hinalikan sa labi si Mae. "Bye, I love you." Ngumiti na lang ako sa naging sagot ni Mae. Sumakay na si Mia sa backseat ng sasakyan at pag katapos sumakay na din si Mae sa sasakyan nito. Siniguro ko munang naka-alis na nga ang mag-Ina ko bago naman ako sumakay sa sasakyan. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at pinatakbo na iyon. Imbes na dumiretso sa kompaniya; hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay na madalas kong pinupuntan. Nag dahilan na lang siya kay Mae na may aasikasuhin para sadyain na maka-punta dito. Ilang minuto ako nag hintay sa labas ng sasakyan; nag hihintay ng tamang pag kakataon na makita sila. Hindi naman nga ako nabigo dahil ilang minuto lamang may humintong sasakyan kong saan malapit kong saan ako naka-parada ang taong familiar sa akin. Mula sa bahay lumabas ang dalawang bulto na tao; excited na salubongin kong sino ang bagong dating galing sa sasakyan. Patakbong tumakbo ang bata at niyakap naman kaagad iyon ni Insoo. Samantala naman si Lea, sinalubong si Insoo na may matamis na ngiti sa labi. May kong anong kirot at inggit sa dibdib ko na makita silang masaya sa piling ni Insoo. Fuck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD