Chapter 7

1033 Words
Lalabas na sana kami ni Simon nang biglang bumukas ang pinto ng unit. Nagulat ng bahagya si Margo nang makita kaming dalawa ni Simon malapit sa pinto. May hawak na wine at basket si Margo. Napamura ako sa isip ko nang mapagtanto kong may dinner date pala kami ni Margo ngayon. “Uhh..” ani Simon. “Hi,” bati niya kay Margo tsaka siya napatingin sa akin na para bang tinatanong niya kung sino si Margo. Tumabi ako kay Margo at inakbayan siya. “Simon, this is Margo. My girlfriend,” pakilala ko kay Margo. She smiled at Simon. “It’s nice to meet you,” ani Simon kay Margo. Simon’s smile didn’t reach his eyes. Lumapit si Straya sa amin at inakbayan si Simon. “I’m Estrella. Just call me Straya. We’re Archer’s cousins.” Pakilala naman ni Straya. Napakurot na lamang ako sa gitna ng dalawang kilay ko. “I’m sorry, guys. I forgot that I’m gonna have a dinner date with my girlfriend,” sambit ko sa mga pinsan ko. “It’s okay. We can come back next time,” ngiti sa akin ni Straya. Pinasadahan niya ng tingin si Margo at nawala ang ngiti niya ng panandalian. Then she looked back at me. “We’re going. It’s nice to see you again,” wika ni Simon sa akin at pagkatapos ay tumingin siya kay Margo. “See you around,” aniya pa at pagkatapos ay umalis na silang magpakapatid. Nang sumara ang pinto ay padabog na lumakad si Margo sa kusina at ipinatong doon ang mga dala niya. “In just a few hours nakalimutan mo na ang dinner date natin? I can’t believe you!” Singhal sa akin ni Margo. “I’m sorry, babe..” I said apologetically. It’s because of that catwoman. “Ni hindi mo man lang sinabi na darating ang mga pinsan mo. I heard magpapa-party kayo. Para kaming tanga kanina kung magtitigan,” aniya pa. Lumapit ako kay Margo ngunit lumayo siya sa akin at lumakad papunta sa sofa. Umupo siya doon ng pasaldak. She crossed her arms on her chest at kunot ang noo dahil sa akin. Lumapit naman ako sa kanyang tabi at niyakap siya. “I’m sorry.. I’ll make it up to you. Tuloy pa rin ang dinner date. I’m going to cook now,” wika ko. Mabuti na lamang at nakuha ko ang pagiging good cook ni dad kahit naiinis ako sa kanya. I started to take all the ingredients out of the fridge at inilagay ang iba sa sink para hugasan. It took me two hours to prepare two pieces of steak, vegetable salad, creamy soup, and desserts. Inilapag ko ang mga iyon sa bilog na mesa na may punting mantel. Nakapatong sa mesa ang isang maagandang kandila sa gitna at wine sa gilid. Nagsalin ako ng red wine sa dalawang wine glass. “Have a seat,” wika ko kay Margo. Hinila ko ng bahagya ang isang upuan para sa kanya at pinaupo siya doon. Umupo naman ako sa kabila na kaharap siya. “Look, babe, I’m sorry for what happened today,” wika ko. Hindi muna siya nagsalita at hiniwa ang kanyang steak. “I just feel sad that your cousins doesn’t even know that you have a girlfriend. Halata ko sa kanila ang pagtataka nila kanina. And it looks like they don’t like me,” malungkot niyang sabi. Hinawakan ko ang kamay niya na may hawak na steak knife. “Babe, they’re gonna like you,” I assured her. “What if they don’t?” Nag-aalalang tanong niya. “The will. You’re a good person. Look, binago mo ako,” wika ko. I smiled at her and she smiled back at me. “Let’s just have this night for the two of us, okay?” Sambit ko sa kanya. “Okay. I love you,” ani Margo. Hindi ako nakasagot agad. Natulala ako sa steak sa plato ko. “Archer, I said I love you,” pag-uulit niya. I looked at Margo at ngayon ay seryoso na ang mukha niya. I smiled at her. “Love you too,” balik ko sa kanya at doon ay ngumiti na siya. She continued to eat her steak. Natahimik ako at napaisip ngunit binalewala ko na lamang dahil alam kong mahal ko si Margo. Nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga nangyayari lately. “How’s your mom?” Tanong niya habang nangangalahati na kami sa pagkain. “She’s fine. Umuwi na siya sa pilipinas. I’m sorrt hindi kita agad napakilala,” wika ko. “It’s okay. Malalaman rin naman niya kapag kinasal na tayo,” ngiti ni Margo. Napatitig ako sa wine glass. Why do I feel this way ngayong napag-uusapan namin ni Margo ang mga ganito? I’m happy that she’s in my life, pero bakit hindi ko maramdaman na masaya ako? “Ah, yeah. Thank you for being understanding,” sambit ko sa kanya. “I’m sure magugustuhan ako ng dad mo. I’ll help you with anything lalo na kapag naging mag-asawa na tayo,” excited na sambit pa niya. Margo looks hopeful. “Do you think magugustuhan ako ng mga kapatid mo?” Aniya pa ngunit hindi na niya ako hinayaang magsalita pa. “Magustuhan man nila ako o hindi, it doesn’t matter. Basta ang importante sa akin, you’re going to be my husband,” aniya pa. “Margo,” tawag ko sa kanya. “Yes, babe?” Aniya sabay tingin sa akin habang sumusubo ng steak. “Do you think.. masyado pang maaga para magpakasal?” Sinigurado kong maayos ang pagkakasabi ko ngunit wala ring nangyari dahil mabilis na nawala ang ngiti niya. “No! Nag-usap na tayo about our marriage, Archer! I told my mom about it already!” Singhal niya sa akin. From a sweet woman ay naging crazy witch na agad siya. This is the first time I saw my girlfriend this mad. Tila napansin naman niya ang pagkagulat sa mukha ko kaya umayos siya bigla. “I’m sorry. I didn’t mean to yell at you,” aniya at nanumbalik ang classy at elegante niyang awra. “If you’re not gonna propose to me, I’ll do it for you,” aniya pa. What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD