Chapter 6

1134 Words
“I am!” Maktol pa ni Cc sa kabilang linya. “Huwag mong abusuhin ang kabaitan ni mom. I’m telling you kakalbuhin kita kapag nakauwi ako diyan,” I warned her. “Really? When are you coming back, kuya kong panget?” Pang-aasar niya. “Hindi ko pa alam, ugly duckling,” I hissed at her. “Teka, why do you need my help for one millionth time?” Tanong ko. “Kasi..” nahihiya niyang sabi. Para siyang bata talaga kapag himihingi ng saklolo sa akin. “Nabangga ko yung sports car ni Ares..” “Because you were drunk as f*ck?” Hindi makapaniwalang sambit ko. “Last year, I gave you half a million peso dahil sa pagwawala mo sa isang bar. Ang laking damage ng nagawa mo doon, Cc! And now a f*cking sports car? Ano ako, tumatae ng pera?!” Singhal ko sa kanya. “You sound like old woman. Gusto naman ako ni Ares kaya hindi naman niya ako pinabayad,” she said in a flat tone. “Then, what?” Napahawak ako sa gitna ng kilay ko gamit ang hinlalaki at hintuturo ko. Mas lalo akong nai-stress sa kapatid kong ‘to. Gusto ko na lang siyang ibalik sa sinapupunan ni mom. She’s our one and only princess and yet she’s making the most damage kumpara sa amin ni Makki. “Kung hindi ko raw babayaran, gusto niyang i-date ko na lang siya,” wala sa mood na sabi ni Cc. “Then, date him,” I said dismissively. “Kuya, no! Ayoko nga! Ares is too arrogant! Hindi ko nga alam kung paano ako nakasakay sa car niya. I was too drunk! Akala ko yun ang kotse ko!” Paliwanag niya. “I can’t help you this time, Celeste Marie Solera Alejandro. Date him or ask dad for money. Don’t even try to ask mom dahil malalaman ko rin. I’m watching you,” seryosong wika ko. “But, kuya!—“ hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil pinatay ko na ang tawag. Hinagis ko ng marahan ang phone sa sofa at tumalbog ito ng bahagya. And my phone rang for almost an hour. Yes, ganoon ka-persistent si Cc. I didn’t bother to answer her calls dahil gusto kong matuto na siya sa mga ginagawa niya. She’s old enough to act like a responsible adult. Ini-switch on ko ang heater ng buong unit ko para mabawasan ang lamig sa paligid. I changed my clothes and wore light brown sweater and pajamas hanggang sa tumigil na sa pag-ring ang phone ko. Hindi na tumawag pa si Cc kaya dinampot ko na ang phone sa sofa. She just left me a hundred plus missed calls and about two hundred plus messages. This lady doesn’t know how to chill. I called mom. “Ma,” bungad ko. “Hi, anak,” bati ni mom sa akin. “Cc called me,” wika ko. Alam na ni mom ang dahilan ng pagtawag ko. “I know. She’s crying her ass in her room,” sambit ni mom. “Thank you, anak, for still being concern sa kapatid mo.” “You taught me to look after them, ma. I’m just doing my responsibility as her kuya,” wika ko. “You’re just like your dad. Mapagmahal at maalaga.” I could tell that mom is smiling sweetly at this moment. “I hate dad,” wala sa mood kong sabi. “Someday, you’ll understand why he’s being hard on you, Archer,” mom said and he heaved a sigh. “I don’t want to talk about it, ma,” wika ko. “Tell Cc to act responsibly starting today or she will grow old regretting it.” “I’ll tell her that, anak.” “Thanks, ma. Love you. Bye.” “Love you too,” sambit ni mom and then I hung up. Bago pa ako lumakad papunta sa kusina para magluto ng makakain ko later for lunch ay may kumatok sa pinto. Lumapit ako sa cctv sa tabi ng pinto at nakita si Straya at Simon. Binuksan ko ang pinto at pinapasok sila. “Archer! We missed you!” Sambit ni Straya sa akin at niyakap niya ako. I hugged her back. Nag-fist bump naman kami ni Simon. “We brought some food,” ani Simon. “Where’s your kitchen?” Tanong niya. “Over there. Just leave the food there. I’ll do it later,” wika ko. “God, it’s been a month since the last day you were in the house. It’s boring there now,” ani Straya at inikot pa ang mata. Hindi siya marunong magtagalog pero nakakaintindi siya. Hindi kasi sila sinanay ni Aunt Bridgette at Tito Syrus. “We missed the parties in the house when our parents are away,” aniya pa. Kita sa mukha ni Straya ang pagka-bored. Sinasali ko kasi sina Straya at Simon sa mga kalokohan ko. They are my partners in crime lalo na kapag nagpapa-party ako sa bahay nila without their parents consent. And my cousins loved having parties in the house. May isang beses nga lang na nahuli kami. Maagang umuwi ang parents nila from their wedding anniversary tour habang nag-eenjoy pa kami at ang mga inimbitahan naming mga kaibigan sa party. They didn’t say anything at umakyat lamang sila sa kwarto nila. Until natapos ang party, dad called me immediately and he scolded me. Hindi lang yon, dad asked aunt Bridgette to kick me out of the house. Ayaw man gawin ni auntie ay natakot siya sa galit ni dad kaya wala siyang nagawa. Iyon na ang huling party na ginawa ko sa bahay nila. And, yes. That’s the reason kung bakit hindi na ako nakatira sa kanila ngayon. Mom lied to dad na magta-travel siya sa US pero dito siya dumiretso to buy me a unit. Wala kasi akong matitirhan dahil ayaw ni dad na tulungan ako ni aunt Bridgette. Tutuloy sana ako kina Margo pero hindi ko na tinuloy dahil may times na sinusurprise visit ako ni mom. Hindi pa niya alam ang tungkol sa girlfriend ko at ang balak na pagpapakasal namin. “Can we stay here tonight, Archer?” Tanong ni Straya. “Of course. You can stay here whenever you want, guys. Make this small unit alive.” Sambit ko. “The house is not the same without you in it,” wika ni Simon. “Or we can start a party here tonight,” ngisi ko. And the two looked at each other with a smirk on their faces. “I’ll call the friends,” nagmamadaling sabi ni Straya. “Let’s buy some drinks, Arch,” ani Simon and we went out of my unit to buy liquor and food. We’re gonna get wasted again tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD