Beige Del Rio I can’t believe that customer. Hindi raw masarap ang kape ko?! “At least hindi ako nagsasalita mag-isa katulad niya,” sambit ko sa sarili ko habang padabog kong nililinis ang mga ginamit kong barista tools. “Beige, are you talking to yourself?” Nag-aalalang tanong ni Ridge nang lumabas ito mula sa mini office sa gilid ko. Mabilis akong napatingin sa kanya. I nervously laugh. “Ah, no. I was just singing,” tawa kong sabi. “By the way, can you do double shift today?” Ridge ask nang lapitan ako. “Why? Who’s not gonna come to work today?” Kunot noo kong tanong sa kanya habang inaayos ko ang mga tasa sa itaas ng barista machine. “Stacy,” sagot ni Ridge. “Again?” I glanced at him and then back at the absorbent cloth I started to wash. I washed the frothing stainless steel