Ipinara ko ang taxi sa isang hotel at kaagad na nag-check in. Nang makapasok sa designated room ay inihiga ko ng maingat si Marco sa kama. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Hindi ko na naman napigilan sa pagtulo ang mga luha ko. “Kasalanan ko ‘to. Dapat hindi na kita iniwan noon..” sambit ko kay Marco kahit pa tulog ito. Halata ko ang panghihina ng katawan niya at kalahati ng laman niya noon ay nawala. Nagngingitngit ako sa galit kay tita Linda. Ito ba yung sinasabi niyang inalagaan niya at ginastusan? Yung mga pinadala kong pera noon para kay Marco, ito ba mga yon? Itong payat na Marco? Sakto namang nagising si Marco at tumingin sa akin. Papungas-pungas pa ito ng mata at saka siya umupo. Pinunasan ko ng mabilis ang mga luha ko gamit ang kamay ko at pagkatapos ay ngumiti sa k