Chapter 20

3101 Words

Matapos kong sukatin ang lahat ng mga pinamili ko ay sinundo ko na si Marco sa daycare. “Mama!” Tawag nito sa akin paglabas niya ng daycare. Tumatakbo itong lumapit sa akin at bumaba naman ako kaagad sa level niya para mayakap siya. “Marki!” Sambit ko sa pangalan niya. “Anong ginawa niyo ngayong araw?” Nakangiti kong tanong. “Naglaro kami, mama. Ang saya pala dun!” Turo niya sa daycare. Nakita ko naman ang teacher niya na nakangiti sa aming dalawa. “Babalik ka dito araw-araw para palagi kang masaya,” wika ko. “May bago ka bang friends?” Tanong ko pa. “Gusto nila ako lahat maging friends, mama, eh.” Kinamot pa nito ang ulo niya kaya napangiti ako lalo. “Mama, may secret ako,” dagdag pa niya at bumulong pa nga. “Sige, ano yon?” Bulong ko rin. Inilapit ko naman ang tenga ko sa kanya. B

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD