Matapos naming mag-usap ni madam ay humiga akong muli habang hawak ko pa rin ang phone ko na nakapatong sa tiyan ko. Nakatulog ako ng ilang oras at nagising nang marinig ko ang isang katok. Tumayo ako at lumapit sa pinto para silipin ang tao sa labas. Si madam. She’s wearing Prada and her usual birkin bag from Hermès. Hindi pa rin nawawala ang chanel niyang sunglasses. She’s really expensive from head to toe. Pinagbuksan ko si madam at dumiretso siyang pumasok kahit kakabuka pa lang ng bibig ko para sabihin na tumuloy siya sa loob. She got a little attitude, I must say. “How’s the room?” Tanong niya nang humarap siya sa akin in an elegant and swift manner. “Sobrang magarbo, madam. Are you sure pwede ko itong gamitin anytime?” Kunot noo kong tanong. “Masyado naman po itong expensive.