[Pagpapatuloy...]
"Hindi ba, tinawag mo siyang Simon kanina?" pagdadahilan ni Avah na napaiwas ng tingin.
"Talaga? Nagkamali na naman ba ako?" tila napapaisip na wika ni David. Nabalik naman ang atensyon nito sa kalsada nang umusad ang kotse sa unahan nila.
"Oo. Nagkamali ka. Mukhang hindi ka kasingtalino ng kaibigan mo," pang-aasar niya para mailihis ang isipan nito.
"Anong sinabi mo!?" Napataas naman ang tono nito.
Nagpilit si Avah ng ngiti. "Okay lang 'yon. Mabait ka naman, saka guwapo ka pa. Sa panahon ngayon, hindi na big deal 'yon."
"Sadyang iniinis mo ba ako?" Nanliit na ang mata nito na sumilip mula sa rearview mirror. Napaturo pa ito sa kaniya. "Pasalamat ka, bukod sa mabait ako, mahaba rin ang pasensiya ko. Si Simon, hindi—" Napahampas ito sa bibig. "Hayan! Nagkamali na naman ako!"
Medyo mahaba pa ang kanilang ibiniyahe. Pero sa buong oras na 'yon, puro pagdaldal naman si David tungkol sa kung ano-ano. Napakarami nitong sinasabi. Iba't ibang topic. Dinaig pa nito sa kaingayan 'yong mga co-member niyang sina Erica at Rhian.
Naikuwento na nga nito kung paano nito nakilala si Simon. Naging magkaklase raw ang mga ito sa New York, at dahil pareho ng interes, kaya naging malapit sa isa't isa. Mahilig ang dalawa sa pagbuo ng mga business concepts, at lahat ng 'yon, ipinapaalam ni David sa ama nito. Sinabi nitong may malaking business ang dad nito, hindi naman nito binanggit kung ano.
Nalito lang si Avah nang bigla itong lumipat sa pulitika.
Anyway, hindi rin nagtagal, nakarating na sila sa condo unit nito na nasa sentro ng Lamina. Hindi basta-basta ang Diamond Empire Condominium, at ang unit kung saan nakatira ang mga ito ay pag-aari ni David. Kaya malaki ang palagay niyang hindi rin talaga ito basta-basta.
Napasilip siya sa malawak na glass window at agad niyang natanaw ang Lamina Bay. Kumikislap ang isang parte ng malawak na dagat na natatanaw mula roon. Napansin niya rin ang mga grupo ng kalapating malayang lumilipad sa himpapawid.
"Just stay here hangga't wala tayong idea tungkol sa family mo," wika ni David na kumuha ng tubig sa kitchen at inaabot sa kaniya.
Kinuha naman 'yon ni Avah. "That's fine. Nakapag-file ka naman na ng report, 'di ba? Kung may nakakakilala man sa kin. Eh 'di kokontakin kayo n'on." Actually, nang picture-an siya ng lalaki kanina, sinadya niyang mag-wacky para hindi siya makilala.
Ilang beses siyang sinaway ng lalaki, pero sa huli, wala rin itong magawa kung 'di i-send 'yon sa kakilala nitong pulis.
Hindi siya puwedeng agad makilala ng pamilya ng babaeng 'to. Ayaw niyang malayo kay Simon. Alam niyang doon lang siya sa matalik niyang kaibigan magiging ligtas, sa kabila ng nangyari sa kanila noon.
"Iyon nga ang nakakatakot, hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan ba 'yon." Isinatinig ni David ang pag-aalala. "What if, may lumapit at sabihing kamag-anak ka? How would we know that kung wala ka ngang maalala?"
Iyon din ang inaalala niya. What if, pamilya pala ni Cindy ang may kagagawan nito kaya ito nasa gitna ng kalsada, desi-oras nang gabi?
Pero, kunwari, sumasakay siya sa pag-aalala ng kasama. "Eh 'di ipa-DNA test mo." Nagsimula siyang humakbang para malibot ang condo.
"Oo nga, ano? Kaso, mahal 'yon ah?" pag-alma ni David.
"Mayaman naman kayo."
"Paano mo naman nasabi 'yon?"
"Marami kayong gamit dito na hindi n'yo kelangan." Napaturo siya sa isang napakalaking istante sa sulok. "Gaya niyang mga action figures na 'yan."
Humarang naman mula roon si David. "Collection ko ang mga 'yan! Hindi mo ba alam na ipinanakaw ko pa 'yan sa bahay ng parents ko?" Natigilan ito sa pagkakamali saka napahampas sa bibig.
"And you look so proud, huh?" pang-aasar ni Avah.
Lumapit siya roon at tinitigan isa-isa ang mga laruang 'yon. Mukhang puro limited edition pa ang bawat isa sa mga 'yon. "Ang bawat isa niyan, I bet, nagkakahalaga ng one hundred to five hundred thousand."
"Sino ka ba talaga?" tanong ni David na mariing napatitig sa kaniya.
"Hindi ka rin naman maniniwala." Muli na siyang humakbang.
"Akala ko ba hindi mo alam ang pangalan mo, wala kang natatandaan?"
"Wala nga," muling pag-iwas niya. "Pero malakas ang intuition ko. I know kilalang tao ako sa lipunan."
"Ano bang sinasabi mo?" Nagsalubong na ang kilay nito.
"Nagbibiro lang ako," wika ni Avah saka nagpilit ng tawa. "Saan ba ang kuwarto ko?" Bigla siyang sumeryoso.
"Ayos, ah. Para kang may sanib," manghang pahayag nito. "Tara dadalhin na kita sa kuwarto mo."
Umakyat sila sa ikalawang palapag ng unit. Kahit doon ay maluwang at napamaaaliwalas din dahil sa naglalakihang glass panel sa koridor. May nadaanan pa silang isang kuwarto na mukhang entertainment room at mayroong napakalaking monitor, komportableng mga sopa, at nakapalibot na sound system.
"May tatlo namang rooms dito. Puwede kang mag-stay sa guest room. Saka, hindi rin kami palaging narito. Baka nga most of the time sa office building kami matulog."
"Okay lang. Kung sakali naman, marunong ako ng self-defense," pagmamalaki ni Avah na agad ding natigilan.
"Ano namang palagay mo sa amin?" tanong ng lalaki na bigla ring napahinto. "At paano ka naman nakakasigurong marunong ka pa rin ng self-defense?"
"Basta. Alam ko."
Napatingin siya sa mga pictures frames na nakasabit sa nadaanan nilang pader. Mukhang malapit talaga ang mga ito sa isa't isa. Maraming mga larawan doon kasama ang ibang lahi, pero palaging magkadikit ang mga ito.
Kung ganoon, si David pala ang pumalit sa kaniya sa buhay ni Simon.
"Kahit sa New York, nakatira din kami sa iisang bahay. Hinding-hindi mo kami mapaghihiwalay. Ganoon katindi ang pagmamahalan namin," paliwanag ni David na napangiti.
***
Nagpakaabala na si David sa pagluluto ng dinner nila. Mabuti raw at nakapag-grocery na ang assistant nito kaya puno na 'yong supplies sa condo. Hindi raw kasi mahilig sa delivery food ang mga ito kaya ito rin mismo ang nagluluto. Inalok pa siya nito kung gusto niyang tumulong, pero tumanggi siya.
Wala naman siyang kaalam-alam sa kusina. Magmula bata pa siya, ang nagluluto lang para sa kaniya ay mga kilalang chef o 'di naman kaya ay si Mrs. Perez.
Ngayon hindi niya alam kung paano mabubuhay nang wala ito.
Sobrang nabo-bored na siya. Hindi naman niya para panuorin pa si David habang naghihiwa ng karne. Hindi siya gaya ng ibang babae na naglalaway sa lalaking nagluluto. Guwapo man ang lalaki at mukhang may itinatagong abs dahil sa namimintog nitong muscles, hindi niya tipo ang mga tulad nitong madaldal pa sa babae. Ayaw niya kasi ng maingay. Nadi-distract siya.
Napagdesisyunan na lang niyang buksan 'yong TV. Sa pagbungad pa lang ng isang balita, doon lang ulit pumasok sa isipan niya kung gaano katindi ang kaniyang sitwasyon.
Masyado ba siyang naaliw kay David o may problema sa memorya ang babaeng may-ari ng katawan na ito?
"Update po tungkol sa pagkawala ni Avah Lopez," panimula ng lalaking reporter. "Magbe-bente kuwatro oras na pong nawawala ang tanyag na singer-actress, at siyang leader ng girlgroup na 'Empress'. Sabado ng umaga nang mapabalitang naaksidente ang ama nitong si Senator Lopez, at magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagigising."
"Maraming nagsasabi na maaaring malaki ang epekto nito sa nagawang pagpapakamatay ng singer-actress, may ilan din, kagaya ng mga kagrupo nito na sina Rhian at Erica, na hindi naniniwalang magagawa ito ni Avah Lopez."
Sumunod nang lumitaw sa screen ang mukha ng dalawa.
"Hindi po kami naniniwala. We think, nakidnap siya or worst, nahulog talaga siya roon, accidentally." Nangingilid ang luha ni Erica na may hawak na panyo.
"We don't believe na kayang magpakamatay ni Avah. Strong willed po siya. Hindi po siya nakikinig sa mga mapanirang netizens. Actually, kinakasuhan pa nga po niya ang mga iyon," dagdag pa ni Rhian na nagawa pang magpunas ng imaginary tears nito.
Napailing na lang si Avah. Gusto niya sanang malungkot dahil sa sitwasyon niya, pero hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa pagiging OA ng dalawa.
Nalipat ang atensyon niya nang umalingawngaw sa kusina ang pagtunog ng phone ni David na naroon sa harap niya.
"Pakisagot, please?" wika ng lalaking nag-beautiful eyes pa sa kaniya.
Gusto niyang kilabutan sa inaakto nito. Sumunod na lang siya at sinagot 'yon. Nilagay na rin niya sa loudspeaker. Tawag pala 'yon galing kay Anthony at siya na ang sumagot. "Hello, anong balita?"
"Sino ka? Nasaan si David?" pagbungad nito.
"Nandito ako, Bro. Siya 'yong babaeng may amnesia," pahayag ni David.
"May bago na bang balita kay Avah?" pagsingit niya.
"Wala pa rin." Mabigat ang pagbuntong-hininga nito nang sumagot. "Huminto na 'yong mga rescuers dahil lalong lumalakas 'yong bugso ng alon. May paparating na bagyo kaya mas lalo silang mahihirapan."
"Bakit sila titigil!?" Kaagad na nag-init ang ulo niya. Mabilis na naipon sa mga mata niya ang malalaking patak ng luha.
"Hindi raw nila para ipahamak ang mga rescuers, lalo na kung...bangkay na lang ang matatagpuan nila."
"Ano?" Kaagad nang naglalagan ang mga luha ni Avah. Halos manlambot ang mga tuhod niya.
Ang ibig bang sabihin nito... patay na ba siya?
Patay na ang katawan niya?
Imposible 'yon. Nandito pa siya. Buhay at humihinga sa katawan ng babaeng 'to.
Paano siya mamamatay?
"Hindi puwede, Simon!" bulalas ni Avah sa lalaki. "Pilitin mo sila. Gamitin n'yo ang pera n'yo. Hanapin n'yo ang katawan ko—" Napahinto na siya at pinilit na kumalma. "Hanapin n'yo ang katawan ni Avah." Halos pagmamakaawa niya.
Napuno naman ng pagtataka ang mata ni David na nakatingin sa kaniya.
"Bakit ba ganiyan na lang ang reaksyon mo kay Avah?" usisa ni Anthony mula sa speaker.
"Kasi—" Napapikit na siya dahil wala siyang maisagot.
"Fan yata siya ni Avah," wika ni David.
Napabuga lang sa hangin si Anthony. "Anyway, may kinuha akong ibang trained na divers na magpapatuloy sa paghahanap sa kaniya. Pero, kapag daw nag-umpisa na ang bagyo, hindi na nila maipapangako kung makakasisid pa sila."