*** Mabilisang nagparada sa gilid si Avah. Nang maibaba niya ang stand ng motor, agad na rin siyang bumaba. "Hoy! Anong ginagawa n'yo!?" bulyaw niya nang katukin ang gilid ng malaking truck na humahatak ng kaniyang kotse. Patakbo siyang lumapit sa may driver. Saglit nitong pinahinto ang truck at napatitig sa kaniya. "Cindy." Dahil sa tinig na iyon, saka lang siya napalingon sa mga taong nakatayo sa isang tabi—si David na kasama ang kababata niyang si Simon, na tinatawag nitong Anthony. "Ano sa tingin n'yo ang ginagawa n'yo?" Matapang siyang lumapit sa mga ito. Nalipat ang tingin ni Anthony sa motor na dala niya. "Puwede ba tayong mag-usap?" wika nito. "Ano? Magkausap na tayo," pag-iwas niyang napakibit-balikat. "Ihahatid ko na lang muna sa school 'yong mga bata," paalam ni David