*** Dahil mukhang matatagalan pa ang tiyahin ni Cindy, iniwan na niya ito. Inis na inis na sumakay si Avah sa isa sa mga elevator. Sumunod naman 'yong lalaki na agad nagsabing nagbibiro lang daw ito. Kakaiba raw kasi ang trip niya. Hindi na raw usong joke ang amnesia. "Tulungan na kita," alok ni Kelvin na kinuha 'yong mga plastic ng pagkain sa kaniya. Iniabot niya 'yon at wala sa loob siyang nagpasalamat sa lalaki. Kumibit balikat siya at napatingin sa mga floor sa button. "May ideya ka ba kung saang department 'yan?" usisa ni Avah na hindi nililingon 'yong lalaki. "Oo. Sa amin kasi ito lahat, eh," tugon nito na muling sumilip sa mukha niya. "Good. Ikaw na lang ang madala niyan doon, ha?" Kaagad siyang pumindot sa button sa palapag kung nasaan ang practice room. "Ah, okay?" wika nit