Chapter 34

2027 Words

Dali-dali siyang sinamahan ni Auntie Juana sa maliit na silid sa may likod ng counter, ang nagsisilbi nitong opisina roon na mayroong isang mesa, upuan, at ilang open cabinet na mukhang puro papeles ang laman.   Napaturo ang tiyahin ni Cindy sa bandang sulok kung saan makikita ang istanteng gawa sa stainless, na may maliliit na locker na de kandado. Naka-lock 'yon pero agad kumuha si Auntie Juana ng mga set ng susi mula sa isang drawer doon.   "Hanapin mo, isa riyan ang duplicate ng lock mo. Bilisan mo kasi marami pa tayong idi-deliver," bilin pa nito bago tuluyang lumabas.   Nagsimula na nga si Avah sa paghahanap. Tiniyaga niyang isa-isahin ang mga iyon. May maliliit at may malalaking susi, pero base sa size ng kandado, katamtaman lang ng laki ang kailangan niya, kaya 'yon ang inuna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD