*** Ilang oras din ang binuno nila ni Jane sa pakikipaglaban sa buhok ni Cindy. Natural wavy na raw kasi 'yon mula pa ng bata pa ito. Makailang ulit nga siyang tinanong ng babae kung sigurado ba talaga siya, at paulit-ulit lang din ang sagot niya. Oo. Bahala na si Cindy kung sakali mang magkaroon ng himala at makabalik na ito sa katawan nito. Actually, dapat nga ay magpasalamat pa ito sa kaniya kasi binigyan niya ito ng make-over. Para naman hindi na ito kawawain ng Janna na 'yon. Nang matapos si Jane sa buong proseso, saglit pa nitong sinuklay gamit ng hair dryer ang buhok niya. Kanina pa nanunuot sa ilong niya ang pamilyar na amoy ng matapang na hair treatment, pero hindi na niya gaanong inintindi 'yon. Para naman ang lahat ng ito sa ikagaganda niya. Mayamaya pa, iniharap na siya nit