"C-cindy, ano bang sinasabi mo?" pag-awat ni Kuya Brian na nagtangka na namang lumapit pero humarang ulit si Simon. Mariin siyang tinitigan pabalik ni Vivian. "Hindi mo 'yon magagawa, 'di ba?" Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Avah habang nakatitig dito. "Kahit papaano, naging mahalaga na sa 'yo si Dad. Kasi nga, mas pinili ka niya kaysa sa akin...I mean, kay Avah." "Ano bang pinagsasabi mo?" wika ni Vivian na napuno ng pagtataka ang mga mata. "Mrs. Lopez, pasensiya na po kayo," pahayag ni Simon. "Nagkamali ako ng judgement tungkol sa kaniya. Aalis na po kami," paalam nito na hinila na siya palabas. Pagkalabas ni Avah sa revolving door ng ospital, iniwan na niya si Simon at mas binilisan pa niya ang paglalakad. Natigilan lang siya nang muli ay may humila sa kaniya. "Ano bang ginag