*** Habang tumatagal, mas lalo pang nasasanay si Avah sa simpleng buhay ni Cindy. Hindi naman pala masamang mabuhay nang ganito. Kahit papaano, nagiging masaya na rin siya sa mga simpleng bagay. Pero siyempre, paminsan-minsan, hindi niya maiwasang magreklamo, lalo na kapag sinabawang isda at gulay na naman ang ulam nila. Umagang-umaga, nakabusangot siya habang pinapanood si Joan. Abala ito habang nakaupo sa tapat ng halamanan sa kabilang bahagi ng bahay, pumipitas ng gulay. At ang nakukuha nito, inilalagay nito sa malaking mangkok na hawak niya. Napatingala ito habang nakapikit ang isang mata, malamang nasisilaw sa sinag ng araw. "Ate Cindy, bakit ganiyan ang hitsura mo? Hindi ba paborito mo ito?" usisa nito habang kumukuha naman ng tanglad sa malaking paso. "Paborito ko? Lahat ba ng