After ng meeting, matapos tanungin si Avah kung marunong siyang mag-make up, hinaltak na siya nina Rhian at Erica patungo sa room ng Empress. Mayroon daw kasing live interview mayamaya ang dalawa. Nagpupumiglas pa siya pero wala siyang nagawa sa lakas ng dalawang loka-loka, hanggang sa makarating sila sa loob ng silid. Hinila pa siya ng mga ito patungo sa magkakatapatang vanity table sa dulo. "Bakit ba kasi ako? Nandiyan naman si Faye?" pagrereklamo niya na saglit na napatingin sa paligid. "Ayaw ko nga sa kaniya!" bulalas ni Erica na napaikot ang mata. "Noong nag-make up siya sa amin last time, halos mabura nga ang mukha ko." "Ako rin. Ang bigat ng kamay niya! Nananadya yata iyon, eh! Porket wala si Avah," wika naman ni Rhian na pinamaywangan pa siya. Napapailing na lang siya dahil sa