*** Habang abala si Kristina sa paghahanda ng hapunan, mariing nakapikit si Avah sa sopa na gawa sa kawayan. Mabuti nga't may manipis itong foam, pero masakit pa rin itong upuan. Sinusubukan niyang mag-isip nang malalim. Kailangan niya ng magandang plano. Kung hindi pa siya makababalik sa katawan niya, dapat magkaroon siya ng pera para makaalis siya sa lugar na ito. Mabuti nasa kaniya pa rin ang kotse. Bukas na bukas din, ibebenta niya 'yon sa mga car dealer shop. Pero, papaano niya nga pala patutunayang kaniya 'yon? May mahahanap kaya siyang illegal dealer? Hindi siya makapag-concentrate. Panay ang pag-irit at pagtili ng dalawang batang naghahabulan sa salas. Inis siyang napatingin sa mga ito, kaya't natigilan at natahimik ang dalawa. Paglingon niya sa kaliwa, napansin niya si Joan na