*** Halos sumabog sa pagkagalit si Avah. Padabog siyang umakyat sa taas habang patuloy sa pagkulo ang kaniyang dugo. Bakit nga ba siya nagsusumiksik dito? Wala naman siyang mapapala sa mga ito. Ayaw niyang maging responsable sa ibang tao. Buong buhay niya, sarili lang niya ang iniintindi niya. Anong inaakala ng mga ito? Uto-uto siya para utos-utusan nila? Kailan pa niya naging tungkuling sunduin ang mga batang 'yon? Enire ba niya ang mga 'yon? Hindi pa nga siya nagkakaanak eh. At wala rin siyang balak magkapamilya! Bakit niya kino-concern ang sarili niya sa mga taong ito? Pumasok siya ng kuwarto at pabalagbag na isinara ang pinto. Nagsipagbagsakan tuloy sa lapag 'yong mga nakasabit sa likod n'on na tuwalya at ilang damit. Napatingin siya sa kabuuan ng silid at saglit na nag-isip ng ga