Halos maubusan ng buhok si Bobby dahil sa ginagawa ni Avah. Patuloy siya sa paghigit ng buhok nito. Hindi niya talaga ito binitiwan dahil sa panggigigil niya. Napapahiyaw na lang ito. Kahit 'yong walang malay na guard na tinawag na 'Daddy' kanina, nahirapang alisin ang kamay niya sa buhok ng kapatid ni Cindy. "Cindy, ano bang ginagawa mo?" wika ni Kristina nang sa wakas ay nailayo na siya sa binatilyo. Ramdam naman ni Avah ang panginginig ng kalamnan niya. "Ikaw 'yon, 'di ba? 'Yong sa ferry resto? Anong ginawa n'yo kay Avah?" "Ate Cindy, ano bang sinasabi mo?" tila pagtataka nito habang salubong ang kilay. "Anong ginawa namin kay Avah? Si Miss Avah ba ang tinutukoy mo?" "Oo! May ginawa kayo, 'di ba? Anong ipinainom mo sa kaniya?" "Ate Cindy, wala kaming ibang ipinainom sa kaniya bukod