*** Maagang gumising ngayong araw si Avah. Pakanta-kanta pa nga siya nang saglit na sumilip sa labas ng bintana. Puro lang naman bubong ang mayroon doon, at ang magandang sinag ng araw na sumisilip sa likod ng mga ulap. Sa kabila nito, napakaaliwas pa rin ng aura niya. Hindi niya masiguro kung saan nanggagaling ang magaang pakiramdam na ito. Medyo nagtataka nga rin siya sa sarili. Dahil ba ngayon ang unang araw niya sa pagsisimula ng isang bagay? Huh? Wala namang nakaka-excite sa pagiging PA. Pero nae-excite siyang gantihan si Erica. Iyon ang nasa isip niya sa buong magdamag. Gagawa siya ng paraan para ma-execute ang pagganti niya nang walang ibang nakakaalam. Pero, okay na rin kahit papaano kasi maganda pala ang sinasahod ng PA. Hindi na masama sa kalagayan ni Cindy ang 30 thousand a