Chapter 42

2103 Words

Pagpasok ni Avah sa malawak na practice room para sa Empress, bumungad sa kaniya ang signature na music ng grupo nila. Sinasabayan 'yon sa paghataw ng mga dancer na may iisang galaw kasabay ng beat. Karamihan sa mga 'yon, matagal na niyang kakilala. Ang iba roon, nakasabayan pa niya noong baguhan pa lang siya. Ang iba, bata pa lang, sumasabak na sa matinding training na madalas inaabot nang umaga. Kaso, hindi naman lahat ay pinapalad, dahil hindi naman lahat, puwedeng maging sikat. Kakaunti lang ang pinagbibigyan. Habang ang iba, walang ibang mapagpilian kundi sumuko o makuntento bilang tagasuporta sa likod ng mga kilala. Sa tagal niya bilang artist, alam na alam niya ang kalakaran ng industriyang pinasok niya. Ang pagiging star kasi, nakabase pa rin sa popularidad. At hindi lahat ng pi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD