Chapter 15

1502 Words
"Thank you for saving her. Expect your big bonus by tomorrow," pahayag ng baritonong tinig ng isang lalaki. Naroon ito sa loob ng malamlam na silid na naliliwanagan ng lampshade. Matapos magbigay-galang, saglit pang napalingon ang assistant nitong si Mr. Lee sa babaeng nakahiga sa kama, bago ito tuluyang lumabas ng pinto ng hotel suite. Nakatayo sa harap ng nakabukas na bintana si Brian. Nakatanaw sa kadiliman ng gabi sa kilalang probinsiya. May hawak siyang baso ng matapang na alak na agad niyang nilagok. Kaagad humagod ang tapang nito sa kaniyang lalamunan. Kasabay n'on ang pagbulusok ng matinding galit mula sa mga ugat niya. Mabigat niyang inilapag sa kalapit na mesa ang baso. Napatiim-bagang din siya kasabay ng pagkuyom ng kamao. Matapos malaman ang nangyari mula sa mapagkakatiwalaang tauhan, agad siyang bumiyahe sa probinsiyang ito para mapuntahan si Cindy. Dito kasi sa isang liblib na baranggay, ito dinala ng mga taong dumukot at nagtangka sa buhay nito. At nababatid ni Brian kung sinong may kagagawan nito. Hindi siya makapaniwalang magagawa ng babaeng nakatakda niyang pakasalan ang bagay na ito kay Cindy. Muntik na itong mamatay! Napalakumos siya sa mukha. "Maghintay ka lang, Janna. Sa oras na hindi na kita kailangan, itatapon din agad kita!" Ngunit, sa kabilang banda ay aminado siya. May kasalanan din siya sa bagay na ito. Kung hindi siya nagpakalasing nang gabing 'yon, hindi mawawala sa katinuan si Janna. Hindi rin siguro nito magagawa ang bagay na ito. Pero, paano nito naatim na gawin ito ngayon, samantalang nasa ospital ang stepdad nito, dahil sa pagkakaaksidente nito kaninang umaga? Mukhang tulad ng tunay na anak ng senador, wala ring totoong malasakit para dito ang stepdaughter nito. Pare-pareho lang talaga silang naggagamitan. Humarap na siya sa kinahihigaang kama ni Cindy. Dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa tabi nito. Marahan niya ring hinaplos ang maamong pisngi ng babaeng matagal na niyang minamahal. Humalik siya sa noo nito para ipadama ang init ng kaniyang pagmamahal. Kaagad niya ring iniunan sa ulo nito ang bisig niya. "I'm sorry, Cindy. From now on, I will make sure to protect you." At niyakap niya ito ng buong pagmamahal. Pinagapang niya ang kaniyang mga halik pababa sa leeg nito. Kusa na ring sumuot ang kamay niya sa ilalim ng tshirt na ipinalit niya kanina mula sa mga nabasang damit nito. Nakaramdam siya ng pagsisisi dahil alam niyang hindi ito mangyayari kung 'di dahil sa kaniya. Muli siyang bumulong ng paghingi ng tawad sa tainga ni Cindy. Pero sa kabila nito, hindi niya mapigilan ang sarili na ipagpatuloy ang ginagawa niyang paghalik. Matagal siyang nanabik sa babaeng pinakamamahal. Kaya marahil, habang hinahalikan niya ang leeg nito, mas lalo pa siyang nawawala sa katinuan. *** Namulat ang kamalayan ni Avah nang maramdamang may nakaibabaw sa kaniya. Damang-dama niya ang paggapang ng mainit nitong halik patungo sa kaniyang leeg. Maririnig sa paligid ang mahina nitong pag-ungol. Gusto niya itong maitulak pero hindi niya magawa. 'Di niya malaman kung bakit hindi siya makagalaw. Ni hindi siya makasigaw. Gusto niyang manlaban at pigilan ito pero hinang-hina naman ang katawan niya. Tila umiikot din ang kaniyang paligid. Saglit niyang naimulat ang mata, ngunit kakaunting liwanag lamang ang nakikita niya. At dahil nga nakapatong ang taong ito, kaya hindi niya ito makilala. "Sino ka?" usal ng isipan niya. Patuloy lamang ang lalaki sa paghalik sa kaniya. "Oh, Cindy. I've missed you so much." "Cindy?" bulong niya sa sarili. "Hindi ako si Cindy..." Hindi naman siya nito naririnig at abala pa rin ito sa ginagawa. Sa kabila ng maliliit ng boltahe ng sensasyon na kaniyang nadama, gusto niya itong huminto. Gusto niyang tumigil sa ginagawa ang lalaki pagkat hindi niya ito kilala. "Hindi ako si Cindy!" pag-uulit ng kaniyang isipan. Saglit itong umangat mula sa kaniya kaya muli siyang napadilat ng mata. Ngayon ay naramdaman niya ang dahan-dahan paghaplos nito sa kaniyang pisngi. "Cindy, I-I'm sorry. Nadala lang ako." Napatitig na ito sa kaniya. "Okay ka na ba?" Kumapa pa ito sa kaniyang noo. Tumingin lamang siya pabalik sa mga mata nitong kataka-takang masuyong nakatingin sa kaniya. "Simon?" banggit niya sa pangalan ng kababata. Hindi. Imposible. Matagal na siyang inabandona ng pinakamatalik niyang kaibigan noon. At kung ito man ang lalaking 'yon, nasisiguro niyang hindi nito magagawa ang bagay na ito sa kaniya. "Cindy, I'm sorry na nangyari ito sa 'yo. Its all my fault." Unti-unti namang luminaw ang mukha nito. Tama. Kahawig ng kaniyang kababata ang nakatatanda nitong kapatid na si Kuya Brian. Teka? Bakit ito ginagawa sa kaniya ng kaniyang soon-to-be brother-in-law? "At bakit niya ako tinatawag na Cindy?" Bumangon na rin ito, pero hindi nito maialis ang tingin sa kaniya. "Sandali, magpapatawag lang ako ng doktor. Dito ka lang." Nagsimula na itong humakbang patungo sa pinto. "Sandali!" Marami siyang gustong itanong, pero hindi niya magawang maibukas ang bibig. Sa 'di malamang dahilan ay hinang-hina ang kaniyang buong katawan. Mas lalong bumigat ang kaniyang mga talukap. Hindi na niya namalayan ang tuluyang pagsara ng kaniyang mga mata, hanggang sa muli siyang magbalik sa malalim na paghimbing. *** Nang muling ibukas ni Avah ang kaniyang paningin, mistulang umiikot pa rin ang paligid. Sa kabila nito, pinilit niyang makabangon. Naupo siya sa gilid ng malambot na kama. Inilibot niya ang paningin sa kinaroroonang silid. Base sa magarbong kurtina, sa mga mamahaling muwebles at appliances, mukhang nasa isang hotel room siya. Ang kaso, wala siyang ideya kung bakit siya narito. Ang tanging alam lang niya, kailangan niyang makaalis, bago pa siya magkaroon ng iskandalo nang hindi niya nalalaman. Habang sapo ang ulo ay sinubukan niyang makatayo. Pinilit niyang makahakbang palabas ng pinto. Napapakapit na lang siya sa kung ano mang maaari niyang mahawakan, para hindi siya tuluyang matumba. Pagkalabas niya, ang pader ang naging alalay niya para makalakad patungong elevator. Hirap na hirap man siya at halos manlambot ang tuhod, hindi siya huminto. Kataka-takang wala siyang ibang taong nakakasalubong. Pero mas maigi 'yon, para walang makakilala sa kaniya. Pasuray-suray siya hanggang sa makalabas siya ng hotel. Hilong-hilo pa rin siya. Mistulang napakalabo ng lahat para sa kaniya. Tila umiikot pa rin ang paligid. Pailing-iling siya upang kahit papaano ay gisingin ang sarili. Bakit ba siya ganito ngayon? May kung ano ba siyang nainom nang 'di niya nalalaman? Kailangan na niyang makaalis. Kailangan niyang makasakay ng taxi. Pero, walang ibang sasakyan sa kalsadang nilalakaran niya. Parang mga puno lamang ang nakapaligid sa kaniya. Nasaan ba talaga siya? Gusto na niyang umuwi. "Faye... Julian... nasaan na ba kayo?" piping usal niya sa sarili. Bigla naman niyang napansin ang paparating na liwanag sa kaniyang bandang harapan. Dahil doon ay naipikit niya ang mga mata, ngunit 'di na niya namalayan ang tuluyan nitong pagsasara. *** Malamig na hangin ang agad sumalubong kay David nang buksan niya ang bintana ng kotse. Inilabas niya ang mga kamay para mas lalo pa itong damhin. Madilim man at bali-baliko ang kalyeng kanilang dinaraanan, mukhang ginagabayan naman sila ng mga bituin sa kalangitan. "Na-miss kong mag-joyride dito. At least dito, sariwa ang hangin," pahayag niya nang lingunin si Simon, o mas kilala na ngayon bilang Anthony. "Ako rin," tugon ng lalaking nagmamaneho na may seryosong ekspresyon. Pinakatitigan tuloy ito ni David. Para talagang napakalalim ng iniisip nito. Kanina pa ito ganito magmula nang makaalis sila sa siyudad. Minsan na nga lang tumugon, napakaiksi pa ng mga isinasagot nito. "Ano bang iniisip mo? Si Avah Lopez na naman ba?" wika niya sa kaibigan. "Ikaw naman kasi, hindi mo pa nilapitan noong victory party," paninisi pa ni David. Hindi naman ito tumugon at mas lalong itinuon ang atensyon sa manibela. Nabulabog si David nang biglang tumunog ang phone niya. Nalipat din ang tingin doon ni Anthony. "Bakit ayaw mong sagutin? Tumatawag sa 'yo ang mom mo," pahayag nito. Napangiwi naman si David nang damputin ang phone. "Paano niya nalamang nakauwi na ako?" Kaagad siyang lumingon sa kasama. "Sinabi mo ba sa kaniya?" pambibintang niya. Napatingin din ito sa kaniya. "Para namang hindi mo alam na marami siyang espiya sa company." Inis na napapadyak si David sa kinauupuan. "Bakit sila nakikinig kay mom? Ako ang nagpapasahod sa kanila!" "Bakit ba, ayaw mong sabihin sa parents mo na nandito ka?" Mangiyak-ngiyak na siyang humarap. "Kasi... Anthony, may hindi ako sinasabi sa 'yo." Saglit itong lumingon. "Ano 'yon?" "Kasi... kilala mo si Dad, 'di ba? Para sa kaniya, walang libre sa mundo..." halos mautal-utak niyang wika. "And, so?" "Hindi siya basta pumayag na walang kapalit ang pagiging independent ng company natin," pag-amin ni David na napayuko na lang. Ramdam naman niya ang mainit na tingin ni Anthony. "Anong sinabi mo? Anong hiningi niyang kapalit?" "Arranged Marriage," pahayag niya na tila pinagsakluban ng langit at lupa. "Ikakasal na ako, Anthony. Pero hindi lang alam kung kailan. Ang alam ko lang, malapit na." Wala nang maisagot ang kaibigan na napatingin na lang sa kaniya. Mababakas sa pag-awang ng bibig nito ang bahagyang pagkaawa. Bigla namang bumilog ang mga mata ni David nang may mapansin sa kalsada. Kaagad din niyang tinapik ang balikat ni Anthony. "Magpreno ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD