"Simon?" usal ni Avah na agad tiningnan ang suot nitong black suit. Kagalang-galang ito sa ayos nito, samantalang siya, hindi pa naliligo. Kagabi pa niya suot ang maluwang na pants at tshirt na suot niya ngayon. Pakiramdam niya, ang baho-baho niya. Wala ring sulay-suklay ang mahabang buhok ni Cindy. "Sa 'yo na lang 'yan," pahayag ng lalaki na iniabot 'yon sa kaniya saka ito tumalikod. "Sandali," pahabol ni Avah. Lumingon naman si Simon na kilala na ngayon bilang Anthony. Kaagad siyang lumapit sa lalaki. "Puwede mo ba akong ilibre ng kape?" Napaturo siya sa machine na naglalabas ng iba't ibang klase ng coffee. Marahang napailing ang lalaki na dumiretso sa counter bitbit ang isang hotdog sandwich. Sumunod siya at kinapalan ang mukha na itabi sa binili nito ang siopao. Agad din siyang na