*** "Tingin ko, hindi tama ito," panimula ni Auntie Juana matapos ilapag sa mesa ang isang mangkok ng manok na hapunan ni Avah. Naroon sila sa ikalawang palapag ng chicken house, pero heto, nag-uumpisa na naman ito sa pagtatalak sa kaniya. Hindi niya ito gaanong inintindi at sinunggaban na lang niya ang mainit-init at nakatatakam na pritong manok. Kumagat siya at nilasap ang malinamnam nitong lasa habang patuloy ang tiyahin ni Cindy sa panenermon. "...pumayag akong dumito ka kasi inakala kong gusto mo lang makapag-isip-isip." Nakapamaywang na ito habang nakatayo sa harapan niya. "Pero ngayon, sinasabi mong hindi ka na uuwi sa inyo?" Nagpatuloy lang siya sa pagngatngat na masarap na manok. Napapapikit pa siya habang ninanamnam ito nang maigi ng kaniyang dila. Ito ang kagandahan na mabil