Napalingon si Avah dahil sa pamilyar na tinig kasabay ng mabilisang pag-alis ng kaniyang luha. Tumayo siya at matapang na hinarap si Vivian. At hindi ito nag-iisa ngayon dahil kasama nito si Janna. Hindi maitatanggi sa nanlalaking mata ng babae ang pagkagulat na saglit pang mapalingon sa fiance nitong si Kuya Brian. "Mom, what is the meaning of this?" usisa ni Janna na hinarap ang ina. "Bakit nandito ang babaeng 'yan?" "Kilala mo rin siya?" Napatingin si Vivian sa anak. "She's the one claiming na anak ni Divino." "What?" Mas lalo pa yata itong nabigla. "Paano mangyayari 'yon!?" May pumasok na isa sa mga unipormadong guwardiya at lumapit sa batang ginang. "Mrs. Lopez, dumating na po 'yong result," pahayag nito na iniabot ang hawak na brown envelope. Kinuha 'yon ni Vivian at mabilisang