*** Maiinit na halik sa leeg ang nagpagising kay Nicole mula sa kaniyang pagkakahimbing sa napakalambot na kama. Kaagad siyang napangiti nang mapansing nakaibabaw na naman sa kaniya si Adonis. "Hey, stop it," pagsaway niya na tinapik pa ang balikat nito. "Baka ma-late ka pa sa work mo." "Its okay," tugon nito ng lalaki na ipinagpatuloy lang ang paghalik sa kaniya. "Saglit lang ito." Matapos sa leeg ay bumaba na ang labi nito. Ilang araw na rin siyang narito, pero mas gugustuhin na niyang manatili rito kasama ang boyfriend kaysa patuloy na umasa sa kaniyang Ate Cindy. Baka sakaling magkaroon na ito ng konsensiya at huminto sa maruming sideline nito. Bigla namang umangat si Adonis at tinitigan ang kaniyang mukha. Saglit pa nitong iniayos ang kaniyang buhok sa gilid ng tainga niya. "What