Chapter 36

1883 Words

*** Mula sa labas ng pinto ng kuwarto na ginagamit ng kapatid, nakasilip si Joan habang nagtataka kung bakit kinakausap ng kaniyang Ate Cindy ang sarili. Dahan-dahan na niyang isinara 'yon at bumaba na muna siya sa unang palapag. Takang-taka pa rin si Joan nang makababa. Saglit pa siyang napalingon sa itaas ng hagdan. Eksakto naman 'yon sa pagdating ng kaniyang Ate Kristina galing sa trabaho. Pagkapasok nito, agad itong humalik sa mga anak na naroon at naglalaro sa salas. "Ate Kristina!" pagbulong ni Joan habang tumatakbo palapit. "Bakit? May problema ba?" Naalarmang usisa nito. Napalingon si Joan sa direksyon ng hagdan. "Si Ate Cindy kasi, narinig ko sa kuwarto, kinakausap niya ang sarili niya sa salamin, saka, parang galit siya." Nanlalaki ang mata niya habang nagkukuwento. "Mukhang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD