Yoongi's Music
Music #2
5 years ago...
Yuseon's POV:
Paano ba malalaman na totoong nabubuhay ang isang tao?
"Oy! Si Yuseon o!"
Para sa akin, hindi ko alam kung ano ang bagay na yun...
"Hahahahahaha! Hoy Yuseon na pokpok! Hoy! Lingon ka naman dito! Hahahahahaha!"
"Magkano ba ang isang gabi ha?! Sigurado ako na nakarami ka na naman kagabi!"
At doon pumailanlang ang malakas na tawanan mula sa mga estudanyanteng nakatingin sa akin ngayon sa hallway na yun.
Dahil simula nang tumapak ako sa highschool...ay nakalimutan ko kung paano nga ba mabuhay.
Pumikit nalang ako habang mag-isa kong tinatahak ang hallway na yun. Diniinan ko ang paghawak sa headphone na laging nasa ulo ko at nagkunyaring hindi ko naririnig ang lahat ng pambubully na ginagawa nila sa akin.
Para sa akin...matagal na akong pinatay ng mga taong araw-araw na nanghuhusga ng pagkatao ko.
Hindi naman kalayuan ang classroom ko mula sa entrance ng school building pero para sa akin, ito na ang pinakamalayong daanan na dinadaanan ko araw-araw...
Dahil...
"So ano Yuseon?! Magkano ang kinita mo kagabi sa mga lalaki mo ha?! Hahahahaha!"
Mas diniinan ko ang headphone na nasa tenga ko.
Tama yan Yuseon.
Wag kang makinig.
"Sigurado ako na tinuruan ka ng nanay mong pokpok kung paano ba kumita ng isang gabi sa iba't ibang klase ng lalaki! Hahahaha!"
Hindi mo sila naririnig.
Nang makarating ako sa locker area ay kinuha ko na ang mga aklat na kailangan ko para sa first subject ko. Pero hanggang doon ay sinundan parin ako ng mga estudyanteng iyon at lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang diring-diri silang lahat sa akin.
"Narinig nyo naman ang ginawa ng nanay nya diba?! Nangaliwa ang nanay nya at dahil doon kaya nagpakamatay ang tatay nya! At hindi na kataka-taka na mamamana nya sa nanay nyang pokpok ang pagiging pokpok! Hahahahaha!"
Napakapit nalang ako ng mahigpit sa may pinto ng locker ko.
But still...hindi parin ako lumingon.
Hindi ko parin sila sinita.
Tama.
Mas mabuting magkunyaring walang naririnig.
Afterall...ay totoo naman ang sinabi nya.
Tama.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig sa mga sinasabi nila.
Ini-on ko nalang ang ipod na nasa bulsa ko at pinalakasan ang volume ng opera na tumutugtog doon.
Hoping na matakpan ng malakas na musika ang lahat ng pambubully na ginagawa nila sa akin.
Oo.
Ang musika lang ang naging panangga ko sa lahat ng pambubully na ginagawa nila sa akin.
Ang musika lang ang naging sandigan ko sa impyernong buhay na 'to.
Tumalikod na ako at yakap-yakap ang mga aklat kong mabilis na naglakad paalis. Paalis sa lahat ng mga schoolmates kong wala ng ibang ginawa kundi ang husgahan ang pagkatao ko ng dahil lang sa pagkakamali ng mga magulang ko.
Pero sa bawat sulok ng school na yun ay nanduon parin ang bulong-bulungan at mga nandidiring tingin na yun sa akin. Na para bang ako na ang pinaka-nakakadiring nilalang sa buong mundo.
Pero okay lang.
Suot ko ang headphone ko kaya iisipin nilang hindi ko sila naririnig.
Mabilis ang mga bawat hakbang na ginagawa ko hanggang sa makarating ako sa pinakadulong balcony ng school building. Oo, sa tuwing hindi ko na kinakaya ang lahat ng ginagawa nila sa akin ay doon ako tumatakbo.
This is the only place on earth where no one could look down on me.
Ito lang ang natatanging lugar sa mundo ang magtatago sa akin mula sa mga taong yun.
Ito lang ang natatanging lugar sa mundo ang nagiging escape ko mula sa mga nandidiring tingin nila at sa mga pambubully nila sa akin.
Walang estudyanteng nagpupunta doon kaya walang makakakita sa akin dito.
Nang makarating ako doon ay napahawak nalang ako ng mahigpit sa bakal na railings at huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
Pero in the end ay hindi ko parin kinaya.
Ang sama-sama lang ng loob ko at kapag hindi ako umiyak ay baka tuluyan na akong mawala sa katinuan.
Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng mga luha sa magkabilang pisngi ko.
Dahan-dahan akong napaupo sa sahig at nayakap ko ng mahigpit ang mga binti ko. Ipinatong ko sa mga binti ko ang ulo ko at doon ako nagsimulang humagulgol ng iyak. Hindi ko narin tinanggal ang headphone na laging nasa tenga ko dahil natatakot ako na makita nila akong hindi suot yun at baka malaman nilang naririnig ko sila.
I'am Park Yuseon.
Seventeen years old and now in third year in highschool.
At tama ang sinabi nila.
Two years ago, my father died because of my Mother's doing.
He took his own life when he found out that my Mom is going out with another man. At hindi iisang lalaki lang ang naging lalaki ng nanay ko. Nang malaman ng tatay ko ang kaliwa't-kanan na panlalalaki ng nanay ko ay hindi na nga nya kinaya at nagpakamatay sya.
Losing my father is painful.
It means hell for me dahil ang tatay ko lang ang nag-iisang nagtataguyod ng pamilya namin at ang nag-iisang nagmamahal ng totoo sa akin.
Pero mas masaklap pa pala ang mangyayari sa akin after ng mawala sya.
My mom abandoned me at sumama sa lalaki nya kaya naiwan ako sa pangangalaga ng tita ko.
At simula nang malaman ng lahat ng tao ang mga pangyayari lalong-lalo na ang paglabas ng nanay ko kasama ang iba't-ibang lalaki ay doon na nagsimulang maging totoong impyerno ang buhay ko.
Pokpok ang tingin nila sa nanay ko.
And unlucky for me, I'am her only daughter kaya ganun din ang tingin nila sa akin.
Pokpok.
Bayarang babae.
Maduming babae.
Yan ang tingin nila sa akin.
Yan ang binansagan nila sa akin ng dahil lang sa pagkakamali ng nanay ko.
But how could they do that?
How could they easily ruin my life just like this?
Gustong-gusto kong isigaw na hindi ako ang nanay ko.
Na hindi ako pokpok.
Na hindi ako katulad nya na makikipag-date sa iba't ibang klase ng lalaki.
Pero mahina ako.
Ano ba ang laban ko sa mga taong simula't sapul ay yun lang ang tingin sa akin?
Ni hindi pa nga ako nakakaranas magka-boyfriend eh. At paano pa ako magkaka-boyfriend kung ganito kadumi ang tingin nila sa akin? Sino pa ba ang magmamahal sa akin? Sino pa ba ang tatanggap ng nakaraan ng pamilya ko? Sino pa ba ang---
"Hoy, alis"
**********************
"Hoy, alis" ang biglang sulpot ng malamig at walang emosyon na boses na yun.
Dahan-dahan akong nagtaas ng mukha mula sa pagkakayakap sa binti ko at napatingin sa bagong dating.
At natigilan ako sa sumunod kong nakita.
There he is.
Standing so perfectly handsome in front of me.
He has this cold and rebellious eyes.
Wavy red hair.
Magulo ang suot nyang school uniform at hindi pa nakatali ng mabuti ang necktie nya.
Nakabulsa lang ang dalawang kamay nya sa dalawang bulsa ng pants nya habang nakatingin sa akin ang parang inaantok nyang mga mata.
Napakurap ako at natulala sa kinauupuan ko.
Maybe because ngayon ko lang sya nakaharap ng ganito kalapit kaya parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Min Yoongi.
Yun ang pangalan nya.
At kilala sya sa school hindi lang dahil sa kagwapuhan nya pero dahil suki rin sya ng guidance office. Maybe because of his rebellious attitude at hindi pa sya sumusunod sa school rules. Just like this, he is the only student in this school who dyed his hair red at hindi pa nya sinusuot ng mabuti ang school uniform. May ear piercings din ang magkabilang tenga nya.
Schoolmate ko na sya since middle school pero ngayon ko lang sya nakausap. Maybe because lagi syang nasa last section samantalang lagi naman akong nasa first section.
"Bingi ka ba?" ang tanong nya gamit ang inaantok na boses na yun.
I blink.
Lalo na't hindi ko inaasahan ang unang sasabihin nya. I thought ay titignan nya rin ako ng kagaya ng nakakadiring tingin na ibinibigay sa akin ng ibang schoolmates namin at tatawanan nya rin ako.
Pero hindi.
Tinanong nya lang ako.
Tinanong nya ako kung bingi ba ako.
"H-huh?" ang nai-react ko.
His bored sleepy eyes looked intently at my face.
"Ang sabi ko, alis" he said. "Pwesto ko 'to kaya maghanap ka ng ibang lugar mo"
Napakurap ako uli.
Pero mabilis parin akong tumayo at parang nahihiyang napayuko nalang.
"Alis" ang pananaboy parin nya sa akin.
"O-oh! Neh!" ang mabilis kong sagot at para akong natatarantang naglakad paalis ng balcony na yun.
Pero nang makalabas ako ay nilingon ko sya uli.
At napakurap pa ako nang makita kong nahiga na sya sa sahig at pumikit na doon.
T-teka...matutulog ba sya doon?
"A-ah ano..." ang simula ko.
"Hindi ka pa pala nakakaalis?" he rudely asked with eyes closed. "Alam mo ba kung ano ang nangyari sa huling taong nang-istorbo ng tulog ko ha?"
I gulped.
At hindi ko rin alam kung bakit kinabahan ako sa sinabi nya.
Oo. Narinig ko yun.
That person was sent to hospital because Yoongi beat him up so bad.
Min Yoongi is the weirdest person I've ever met. Because he loves sleeping a lot. Kahit daw sa classroom ay natutulog sya at binubugbog nya ang kung sino mang nang-iistorbo ng tulog nya. Napapansin ko rin na lagi nalang antok ang itsura ng gwapong mukha nya.
"G-gusto ko lang namang itanong kung...k-kung kilala mo ba ako?" ang tanong ko.
Oo nga naman.
Nakakabigla lang na hindi nya ako tinatrato na kagaya ng pagtrato ng ibang schoolmates ko sa akin.
Pero...
"Bakit? Artista ka ba?" ang nakapikit parin nyang tanong.
"Eh kasi ano---"
"I don't give a s**t" he cut me off. "Now, f**k off"
I blink.
Talaga bang...
Talaga bang...wala syang pakialam?
Pero...
Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin ang nakaramdam ng saya sa sinabi nyang iyon.
to be continued...