Yoongi's Music
Music #3
Next Day...
"Pokpok! Hahahahahaha!" ang sigaw ng isang grupo ng mga kalalakihan na yun habang naglalakad ako sa hallway.
Napapikit nalang ako habang suot-suot ko ang headphone na nasa tenga ko.
Hindi ko sila naririnig.
Hindi ko sila naririnig.
Hindi ko sila naririnig.
Yan ang paulit-ulit kong sambit sa sarili ko.
Tama Yuseon. Wala kang naririnig.
Ang headphone ko lang ang nagiging proteksyon ko mula sa kanila.
Pero...
"Yoongi oppa! I like you! Please go out with me!" ang biglang narinig ko.
And when I heard that name ay hindi ko alam kung bakit mabilis akong napalingon sa direksyon na pinagmulan ng boses na yun.
Nakita kong naglalakad din sa hallway si Yoongi papunta sa direksyon ko habang may nakayukong babae sa harapan nya at nakalahad ang loveletter na hawak nito.
Pero...
Without looking at the girl ay nilampasan nya lang ito at parang walang nangyaring nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Samantalang nasundan ko nalang sya ng tingin.
Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin.
Bakit ko ba sya sinusundan ng tingin?
Simula nang makilala ko sya noong nasa middle school palang kami ay never ko pa syang tinitigan ng ganito katagal.
Yoongi and I live in two different worlds. At malayo ang dalawang mundong iyon sa isa't-isa.
I only knew him by his face and his name at hindi ko alam kung kilala rin ba nya ako. Because as the way we know him, he's just the type of a guy who doesn't care on his surroundings.
Narinig ko nalang ang pag-iyak ng babaing nag-confess sa kanya at ang pagtakbo nito paalis.
For a moment ay nakalimutan ng mga schoolmates ko na i-bully ako dahil na-sentro ang lahat ng atensyon sa eksenang nangyari kanina.
"Oh my, kawawa naman yung girl. Masyado kasing ambisyosa"
"Yeah right. Para namang papansinin sya ni Yoongi oppa"
"Pero come to think of it, simula nung first year palang tayo ay wala pang pinapansin na babae si Yoongi oppa...hindi kaya..."
I heard the girl gasp.
"...hindi kaya may girlfriend na sya sa ibang school?!"
My ears perked up what I heard.
Girlfriend?
May girlfriend na si Yoongi?
"Oo nga! I heard pa naman na marami syang friends sa ibang school! Oh my gosh! I'm gonna die!"
Hindi ko na pinakinggan pa ang sumunod na sinabi nila.
Dito naman ako magaling.
Ang magkunyaring wala akong naririnig.
********************
Pero nang pumasok ako sa classroom ay doon na naman nagsimula ang impyerno sa buhay ko.
Naglakad ako patungo sa desk ko at hindi na ako nabigla sa nadatnan ko.
POKPOK.
Yan ang nakasulat sa desk ko gamit ang pentel pen at nakasulat ito sa malalaking letra.
At doon ko na narinig ang tawanan na pumailanlang sa gitna ng classroom habang nakatingin silang lahat sa akin.
Naramdaman ko pa ang eraser ng blackboard na tumama sa ulo ko dahil binato ako ng isang classmate kong lalaki.
Huminga ako ng malalim at mariing pumikit.
Hindi ko sila naririnig.
Hindi ko sila naririnig.
Hindi ko sila naririnig.
Tama Yuseon. Wala kang naririnig.
Huminga nalang ako ng malalim at tahimik na binuhat ang desk ko palabas.
Oo, ito na ang daily routine ko.
At yun ay ang pagpasok ko ng classroom ay ilalabas ko ang desk ko na araw-araw nilang ginuguhitan ng kung anu-ano at lilinisin sa labas.
Tahimik ko lang na binuhat ang desk ko sa pinakadulo ng hallway na yun habang naririnig ko parin ang tawanan nila at ang paulit-ulit nilang pagtawag sa akin ng POKPOK.
Gusto ko sanang pumunta sa balcony kung saan ako tumatakbo kapag hindi ko na kinakaya ang ginagawa nila sa akin pero baka nanduon na naman si Yoongi at baka pagalitan nya pa ako uli.
At nang makarating ako sa dulo ay doon ko na kinuha ang panyo ko at umiiyak na pinunasan ang vandal na isinulat nila doon.
Nakikita ko pa ang mga luhang pumapatak sa desk ko habang tahimik paring pinupunasan ang mga letrang nakalagay doon.
Pero nabigla ako nang maramdamang may biglang humablot ng braso ko dahilan para mapalingon ako.
At agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang tatlong classmate kong lalaki ang nasa likuran ko ngayon at pare-parehong nakangisi.
"Dude, bilisan mo na, baka mahuli tayo" ang nakangising sabi ng isa sa likuran ng classmate kong nakahawak ng braso ko.
Doon ko na naramdaman ang pinaghalong takot at kaba sa dibdib ko.
"A-anong..." ang nanginginig kong sambit. "A-anong kailangan nyo sa akin?"
At pasimple akong napalingon sa paligid para humingi ng tulong pero walang katao-tao sa hallway na yun lalo na't nasa pinakadulo kami.
Kahit sumigaw ako ay walang makakarinig sa akin.
He smirk at mas hinigpitan pa ang paghawak sa braso ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
"Tsk, wag ka ng mag-act na inosente. Alam naming lahat kung ilang lalaki na ang nakagalaw sayo" ang nakangising sabi nya dahilan para mas kabahan ako. "Ngayon, ipakita mo sa akin kung gaano ka kalandi katulad ng nanay mo"
At napatili nalang ako nang bigla nyang hawakan ang magkabilang braso ko at isinandig sa naruong pader. Napaiyak nalang ako nang maramdaman ko ang pilit nyang paghalik sa leeg ko. Pilit kong iniiwasan ang mga paghalik nya sa leeg ko at mas nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang pagwasak nya ng blouse ko.
Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak habang nagtatawanan naman ang mga lalaking nasa likuran nya.
But then...
"Aisssshhhh....! Ang ingay!" ang biglang sulpot ng pamilyar na inaantok na boses na yun sa tabi namin dahilan para sabay kaming matigilan.
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita kong nakatayo ang mukhang inaantok na lalaking yun.
Si Yoongi.
Isang bored look ang ibinigay nya sa amin bago nagsalita.
"Yah, kung gagawin nyo yan ay pwede bang wag sa tabi ng taong natutulog?" ang inaantok nyang sabi at tinusok nya pa ang tenga nya at kinamot yun.
Mabilis akong binitiwan ng classmate kong nakahawak sa akin at napangiti ng hilaw.
"A-ah...eh...Yoongi, ikaw pala yan pare, sige, aalis na kami" ang parang natataranta pang sabi ng nakahawak sa akin kanina at doon na sila patakbong umalis, leaving me behind and Yoongi.
Tama.
Simula nang mangyari ang pambubugbog nya sa schoolmate namin ay natakot na sa kanya ang lahat.
Nagkaroon pa ng sikat na motto sa school namin at yun ay ang...
Gisingin mo na ang lahat ng natutulog, wag lang si Yoongi kung ayaw mong mamatay ng maaga.
Napalingon ako sa inaantok na mga mata nyang iyon at nabigla ako nang magtama ang mga mata namin.
Saka bumaba ang paningin nya kaya nagtataka akong napatingin sa tinitignan nya.
At agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang napunit pala ang blouse ko kaya nakita nya ang bra at ang dibdib ko. Mabilis ko namang tinakpan ang sarili ko at namumulang napayuko.
"Hindi ka ba aalis?" ang inaantok nyang tanong sa akin.
Napalingon ako sa kanya.
"H-ha?"
Isang bored look lang ang ibinigay nya sa akin.
"Ang sabi ko...hindi ka ba aalis? Matutulog pa ako uli kaya umalis ka na" he said coldly habang nakatitig sa mukha ko. "Sa susunod na iistorbohin nyo ang tulog ko, magdasal na kayo"
Napakurap ako.
Hindi ba nya napansin na muntik na akong ma-rape kanina?
Hindi nya rin ba napapansin ang mga luhang hindi pa natutuyo sa mukha ko?
Hindi ba nya napansin yun o wala lang talaga syang pakialam?
Why does he have to be so rude?
Bakit ba lahat nalang sila ay ganito ang trato sa akin?
Ano bang ginawa ko sa kanila para tratuhin nila ako ng ganito?
Namalayan ko nalang ang isa-isang pagpatak ng mga luha sa magkabilang pisngi ko habang nakatitig parin sa gwapo nyang mukha.
While he just stared back at me with his cold emotionless eyes and didn't say a word.
Pakiramdam ko ay ngayon na bumabalik ang lahat ng ginawa nilang lahat sa akin.
At kung kailan akala ko ay nakahanap na ako ng taong walang pakialam sa nakaraan ng pamilya ko ay nagkamali ako.
Wala lang talaga syang pakialam.
Wala lang talaga syang pakialam sa akin at sa mga taong nasa paligid nya.
Why he should care anyway?
We're not even that close.
Ngayon nga lang kami nag-uusap eh at ni hindi ko alam kung alam nya rin ba ang pangalan ko.
Napaupo nalang ako sa sahig at nayakap ko ang mga binti ko saka ako nagsimulang humagulgol ng iyak.
While he just stayed there and didn't speak a word.
Nagtaas ako ng mukha at umiiyak na tumitig sa mukha nya.
Samantalang nanatili lang syang nakatitig sa akin habang nakabulsa ang dalawang kamay nya.
And with a trembling voice, I spoke.
"H-hindi a-ako pokpok..." I whispered.
Hindi sya nagsalita.
"H-hindi ako ang n-nanay ko...hindi ako m-maduming babae..." ang umiiyak kong sabi sa kanya.
Alam kong ang awkward na sabihin ito sa kanya.
Lalo na't ito ang unang beses na nasabi ko ang bagay na yun. Na nagawa kong ipagtanggol ang sarili ko at sabihing hindi ako pokpok na katulad ng iniisip nila.
"H-hindi ko magagawa yun...h-hindi ko m-magagawang mangaliwa at l-lumabas k-kasama ang iba't-ibang lalaki...hindi a-ako pokpok..." at doon na ako napahagugiol ng iyak habang yakap ang mga binti ko.
Alam kong wala rin naman syang pakialam.
Alam ko yun kaya sa kanya ko nasasabi ang lahat ng ito.
Pokpok man ako o hindi ay wala na sa kanya yun.
Matagal ko ng gustong sabihin ang bagay na yun pero wala akong mapagsabihan.
Wala akong mapagsabihan dahil wala rin naman akong kabigan para gawin yun.
Dahil ang lahat ng mga naging kaibigan ko...
Ang lahat ng naging bestfriends ko...ay biglang nawala nang sumabog ang balitang iyon. At ang mas masakit ay ang mga taong itinuring ko pang kaibigan ang nangunguna ngayon sa pambu-bully sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak sa kinauupuan ko pero...
Nabigla ako nang maramdaman ko ang pagdantay ng bagay na yun sa braso ko.
Nagtaas ako ng mukha at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo na pala sya sa harapan ko at ipinatong nya sa braso ko ang coat nya.
Pero mas nabigla ako nang makita ko sa kauna-unahang beses simula nang makilala ko sya ang pag-guhit ng simpleng ngiting iyon sa labi nya.
At hindi narin ako nakagalaw nang maramdaman ko ang paghaplos nya sa buhok ko na para bang pinapatahan nya ako.
"Alam ko..." he whispered while his eyes is looking at my face.
And with that, he turned around and walked away.
Samantalang naiwan akong naninigas mula sa kinauupuan ko at hindi ko alam kung panaginip ba ang nangyari kanina.
to be continued...