Yoongi's Music
Music #1
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!"
Shit.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!! Hihihihi!"
Bwisit na buhay 'to.
Natakpan ko nalang ang tenga ko mula sa loob ng kwarto ko gamit ang isang unan ko at nagbingi-bingihan sa ingay na nanggagaling mula sa sala ng apartment namin.
"MAS MALAKAS ANG SIGAW KO SAYO TAEHYUNG OPPA! AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"
"HINDI SUMMER! MAS MALAKAS ANG SIGAW KO SAYO! AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"
Bullshit.
Oo. Nagsama na naman ang dalawang alien na yun na araw-araw na nambubwisit ng araw ko.
I mean, si Taehyung palang na mag-isa ay nabubwisit na ako. Pero dagdagan pa ng isang Summer? Ay putang-ina, kailan ba ako makakatulog ng maayos na wala ang dalawang ito ha?
"HINDI OPPA! MAS MALAKAS ANG SIGAW KO SAYO! AAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"
Konting-konti nalang talaga.
"HINDI NGA SUMMER! MAS MALAKAS NGA YUNG AKIN! AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"
And that's it!
Asar na asar akong bumangon mula sa kama ko at bwisit na bwisit na binuksan ang pinto ng kwarto ko at sumigaw.
"TAEHYUNG! SUMMER!!! KAPAG HINDI KAYO TUMIGIL NA DALAWA, ITATAPON KO KAYONG DALAWA PABALIK NG PLANETA NINYO! AIISSH! THIS KIDS!!!"
Nagkatinginan naman silang dalawa mula sa sofa na kinauupuan nila.
At...
Isang tawanan lang ang isinagot nila sa akin at magkahawak-kamay pa silang tumakbo paalis.
"Aaaaahh!! Galit na naman sa atin si Suga oppa! Hihihihi" ang hagikhik ni Summer.
"Pabayaan mo na si hyung Summer! Palibhasa kasi walang lovelife kaya nagiging ganyan sya. Ahihihihi!" ang hagikhik naman ni Taehyung.
Saka sila tuluyang nakalabas ng apartment.
Pero hindi ko alam kung bakit natigilan ako sa sinabi ni Taehyung.
Walang lovelife?
Psh.
Kung alam nyo lang sana...
Kung alam nyo lang sana na mas gusto kong mabuhay na wala ang lovelife na yan!
Yun lang saka ko pabagsak na isinara ang pinto ng kwarto ko.
Hay...nawalan na ako ng ganang bumalik sa pagtulog ng dahil sa ingay ng dalawang batang iyon. Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong nagdi-date ang dalawang yun? Oo, nagdi-date sila at ang favorite past time nilang dalawa ay ang pambubwisit sa buhay ko. Tang-ina.
Naupo nalang ako sa harapan ng desk ko na nasa loob ng kwarto ko at kinuha ang musical sheets ko.
Magko-compose nalang ako ng bagong kanta para may magawa naman ako ngayong araw na to.
Napahinga nalang ako ng malalim at pinulot ko na ang ballpen ko. Inilapag ko narin sa harapan ang musical sheets ko at nag-isip ng isusulat ko.
Pero...
Ilang minuto rin akong nakatunganga doon habang nakatingin sa puting pader na kaharap ko.
At hindi ko rin alam kung bakit parang hindi na gumagana ang utak ko ngayon.
Mag-isip ka Min Yoongi.
Mag-isip ka ng bagong lyrics sa kantang gagawin mo.
Pero...
Pero...
"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhh...!!! BWISIT!!! WALA AKONG MAISIP NA KANTA!!!" ang pagwawala ko saka ko ginulo ang buhok ko.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin ha?
Bakit bigla nalang ata ay nawalan na ako ng interes na gumawa ng kanta?
Kailan pa ba ako nagsimulang mawalan ng gana sa bagay na mahal na mahal ko?
Kailan pa ba ako nagsimulang mapahikab habang nakaharap sa musical sheets ko?
Min Yoongi...ano ba ang nangyayari sayong gago ka?
Nagising lang ako mula sa pag-iisip nang marinig ko ang isa-isang katok sa pinto.
At narinig ko ang boses na yun.
"Hyung?"
Si Rapmon.
Napahinga nalang ako ng malalim bago sumagot.
"Ano?" ang wala sa mood na sagot ko.
"Hyung...uh...ano...k-kasi...ano..." ang parang nagdadalawang isip pa nyang sabi.
"Ano nga?!" ang iritable ko ng tanong.
Wala ako sa mood ngayon para makipaglokohan sa kanila.
"Ahehehehe..." narinig ko ang tawa nyang iyon.
At alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng tawang iyon.
"Uh hyung...n-nasira ko kasi yung doorknob ng CR...hehe...magpapatulong sana akong ayusin...ahehehehe..." ang sabi nya.
Napaikot nalang ako ng mga mata at napahawak sa sentido ko.
Bwisit na buhay 'to o.
Ito ba ang role ko sa apartment na to ha? Ang taga-ayos ng mga nasisirang gamit ni Rapmon?!
Napahinga nalang ako ng malalim saka tumayo mula doon.
Tutal, wala na akong maisip na kantang isusulat ay ito nalang siguro ang gagawin ko para magkasilbi naman ako sa grupong ito.
At yun ay ang mag-ayos ng nasirang doorknob ng walang hiyang Rapmon na 'to.
**************************
Napapunas nalang ako ng pawis gamit ang laylayan ng damit ko nang matapos kong ayusin ang doorknob na yun.
Saka ko nilingon ang nakatingin lang na si Rapmon.
"Oh? May iba ka pa bang nasira na pwede kong ayusin?" ang tanong ko.
Oo. Uunahan ko na sya para hindi na nya ako maistorbo mamaya.
Pero ngumiti lang sya sa akin kasama ang dimples nya na yun saka napakamot ng batok nya.
"Hehe...wala na hyung. Salamat!" ang sabi nya saka nya tinapik-tapik ang balikat ko.
Pero tinitigan ko lang sya.
"Sigurado ka?" ang paninigurado ko. "Lightbulb?"
"Wala hyung"
"Salamin?"
"Wala hyung"
"Microphone?"
"Wala hyung"
"Keyboard?"
"Aiiisshh..! Wala na nga hyung! Ang kulit!" ang naiinis na nyang sagot.
Pinunasan ko lang uli ang noo ko bago nagsalita.
"Naninigurado lang" ang sabi ko. "Sige, tawagin mo lang ako kung may nasira ka na namang hayup ka"
Nginitian nya lang ako.
"Ahehehe...the best ka talaga hyung!" ang nakangiting sabi nya. "Swag..."
"I-swag mo ang mukha mong ulol ka" ang iritable kong sagot. "Umalis ka nga sa harapan ko"
Tinapik nya lang ako sa balikat.
"Ayyeee...umiinit na naman ang ulo mo hyung" ang sabi nya saka nya ako inakbayan. "Gusto mong tawagan ko si Yuseon?"
Agad kong naramdaman ang paghapdi ng dibdib ko nang marinig ko ang pangalan na yun.
Tang-ina.
Yan na ang pinakahuling pangalan na gusto kong marinig sa buong buhay ko.
Nagtaas naman ako ng mukha at tinitigan sya gamit ang walang emosyong mukha na yun. At alam kong alam narin nya kung ano ang ibig sabihin ng tingin na yun kaya doon na sya napangiti ng hilaw.
"A-ah s-sige h-hyung, ngayon ko lang naalala..." ang hindi na nya makatinging sabi. "...a-aayusin ko pa pala yung b-bagong kanta natin para sa next album...sige, bye"
Saka sya nagmamadaling umalis dahil alam nyang kapag nakita ko pa ang mukha nya ng kahit isang segundo after nyang banggitin ang pangalan na yun ay makakatikim na talaga sya ng tadyak.
Naihagis ko nalang ang screwdriver na hawak ko sa mesang nanduon at tahimik na napamura.
Shit.
Nakalimutan ko na eh.
Pero bakit kailangan pang ipaalala ng gagong Rapmon na yun?
Hanggang saan ba aabot ang pambubwisit sa akin ng mga tao ngayon?
"Hyung!" ang biglang sulpot naman ni Jimin sa tabi ko.
Nilingon ko sya.
"Ano?" ang tanong ko.
"Tumawag kanina ang Mama mo sa landline pero ako ang nakasagot" ang sabi nya. "Ang sabi nya sabihin ko daw sayo na umuwi ka muna daw sa Daegu dahil may sakit ang lolo mo"
Daegu?
Gusto nilang umuwi ako sa lugar na yun?
Doon na nandilim ang mukha ko at napayuko.
"Pwes, pakisabi na hindi ako uuwi" ang sagot ko.
"Pero hyung---"
Hindi ko na sya pinatapos at tumalikod na ako at naglakad paalis.
"Hyung..." ang malungkot na sambit naman ni Jimin habang nanatiling nakatingin sa akin.
Pero hindi ko na sya nilingon at pumasok na ako uli sa kwarto ko ay ini-lock yun.
At sa pagsara na pagsara ko din ng pinto ay doon ko na narinig ang bulong-bulungan nila.
"Anong nangyari Jimin?" narinig ko si Jin hyung.
"Tumawag ang Mama ni Suga hyung kanina at pinapauwi sya sa Daegu pero nagalit ata si hyung eh..." si Jimin.
"Huh? Bakit kaya parang ayaw nyang naririnig ang lugar nila?" si J-hope.
"Oo nga hyung..." si Jungkook. "Five years ng hindi umuuwi si hyung sa kanila. Simula nang makilala ko sya nung mga trainee palang tayo ay never pa syang umuwi sa kanila..."
"Pabayaan nyo na..." si Rapmon. "...may ayaw lang talaga syang balikan sa lugar na yun..."
Wala ng nakapagsalita sa kanila matapos ang sinabing iyon ni Rapmon.
Of course.
Alam na nila kung ano ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi sa amin.
Alam na nila kung ano ang dahilan kung bakit kahit marinig ko lang ang pangalan ng lugar na yun ay may bahagi ng dibdib ko ang humahapdi.
Napasandig nalang ako sa pinto ng kwarto ko at napadausdos paupo sa malamig na sahig.
Saka ko nasabunutan ang buhok ko gamit ang isang kamay ko at napayuko doon.
Oo.
Ayoko ng bumalik sa lugar na yun.
Ni ayoko ng marinig ang pangalan ng lugar na yun.
Dahil sa lugar na yun nakatira ang babaing yun na ang dahilan kung bakit hanggang ngayon...ay may nakasaksak parin na patalim sa dibdib ko at kung bakit hanggang ngayon...ay hindi ko parin mapatawad ang sarili ko.
to be continued...