Yoongi's Music
Music #4
Nang matapos ang insidenteng iyon ay naisipan kong umuwi nalang.
Isinuot ko nalang ang makapal na jacket ko at ini-zipper yun para matakpan ang blouse ko.
At ngayon ay mag-isa akong nakaupo sa waiting shed na nasa bus stop para maghintay ng bus pauwi ng bahay.
Napahinga nalang ako ng malalim habang suot ko parin ang headphone ko. Sa totoo lang ay tinatanggal ko lang 'to kapag nasa bahay ako dahil doon ko lang nararamdaman na hindi ko na kailangang makinig sa sasabihin ng ibang tao.
Napababa ako ng tingin at napatitig sa coat ni Yoongi na ngayon ay bitbit ko.
Gusto ko sanang ibalik to sa kanya kanina pero naisip kong bukas nalang para malabhan ko muna.
Napatitig lang ako dito at wala sa sariling nahaplos ang malambot na tela nito. Pareho lang naman ang tela ng mga coat namin dahil ito ang uniform namin pero...pero bakit parang ang ganda-ganda sa pakiramdam na mahaplos ang tela ng coat na ipinahiram nya sa akin?
At habang suot ko ito kanina...pakiramdam ko ay ang gaan-gaan ng loob ko.
Napakainit pala sa pakiramdam...ang maisuot ang coat nya.
Yoongi and I live in two different worlds.
Pero hindi na sya naging bago sa akin dahil nakikita ko na sya simula palang nung nasa middle school palang kami.
Kilala ko lang sya sa paraan na isa lang sya sa mga typical na schoolmates kong nakakasalubong ko lang sa hallway ng school.
Na isa lang sya sa mga typical na schoolmates kong lagi ko nalang nakikitang pinapalabas ng teacher dahil hindi sumusunod sa school rules.
Na isa lang sya sa mga typical na schoolmates kong nakakasabay ko lang sa pagbili ng pagkain sa cafeteria.
Pero maliban doon...hindi ko na sya kilala.
Para sa akin ay isa lang sya sa mga typical na schoolmates ko na natural na para sa akin na makita ko araw-araw.
Pero bakit...pakiramdam ko ay naging bago na sya sa akin ngayon?
Na para bang ngayon ko lang sya nakilala at hindi ko maiwasang mag-isip kung sino ba talaga sya?
Nasa ganuon lang akong posisyon nang bigla kong marinig ang boses na yun.
"Ah miss, okay ka lang?" ang biglang sulpot ng lalaking boses na yun sa tabi ko.
Napalingon naman ako at nakita ko ang lalaking yun na nakaupo sa tabi ko habang nakatitig sa akin.
At hindi ko alam pero nang lumingon ako sa kanya ay agad na nanlaki ang mga mata nya at parang nag-aalalang nagsalita.
"Aigooo...maga ang mga mata mo, okay ka lang ba ha?" ang parang nag-aalalang tanong nya.
Napakurap ako.
Teka, sino ba sya?
At bakit nya ako tinatanong?
Nakita kong nakasuot sya ng itim na jacket at jeans. Nakasuot din sya ng itim na sumbrero at sa tingin ko ay kaedad ko lang sya.
Nang mapansin nya ang pagtataka sa mukha ko ay ngumiti lang sya ng napakalapad at masayang nagsalita.
"Aiiigooo...! Siguro nakipagbreak sayo ang boyfriend mo noh? Aiiigooo..." ang nakangiti pa nyang sabi habang nakatitig sa akin.
Boyfriend?
I blink.
Ano bang pinagsasabi nya?
"Aish, okay lang yan. Pangit tignan ang babaing umiiyak kaya ngumiti ka lang. Kagaya nito oh" ang nakangiti pang sabi nya at ipinakita pa nya sa akin ang malapad na ngiti nya. "Atsaka wag mo ng isipin ang boyfriend mo. Mas magandang maghanap ka nalang ng lalaking laging magpapangiti sayo at hindi ng lalaking laging magpapaiyak sayo"
Hindi ko na talaga maintindihan ang mga pinagsasabi nya.
At isa pa ay bakit ba nya ako kinakausap eh ngayon lang kami nagkita?
Nang mapansin nyang nakatitig lang ako sa kanya ay napangiti nalang sya ng hilaw at parang nahihiyang napaiwas ng tingin.
"O-oh, masyado ba akong maingay ha? Hahahahahaha. Aigoo, this is embarrassing..." ang tumatawang sabi nya saka napakamot ng batok. "Pasensya ka na ha...aiisshh...ayoko lang kasi talagang nakakakita ng mga taong nalulungkot..."
Saka sya napatawa uli ng hilaw at napalingon sa akin.
"Pasensya ka na ha, baka naiingayan ka na sa akin. Hehehe" ang nakangiti parin nyang sabi saka sya lumingon at tumitig sa mukha ko.
Napalunok pa ako nang titigan nya ako habang nakangiti parin.
"Pero alam mo..." ang nakangiting sambit nya habang nakatitig sa akin. "...maganda ka"
I blink.
Ha?
Sinabi nya bang maganda ako?
Pero nang mapansin nyang nabigla ako sa sinabi nya ay para syang naka-realize na agad na nagsalita.
"O-oh! D-don't misunderstand me! Hindi yun ang ibig sabihin kong sabihin! I mean maganda ka pero hindi ganun! I-I'm mean maganda ka pero---aaaiiisshhh...!" saka nya nagulo ang buhok nya.
Samantalang nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
Sino ba ang lalaking ito ha at bakit bigla nalang nya akong kinakausap?
Napangiti nalang sya uli ng hilaw saka nagtaas ng tingin at tumingin sa akin.
"Aiiisshh...pasensya ka na ha. Wag kang matakot sa akin. Hindi ako weird person kaya wag kang matakot" ang nakangiti pa nyang sabi. "Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko kanina ay maganda ka pero mas gaganda ka pa kapag ngumiti ka"
Then he gave me that big smile on his face.
Doon ko lang napansin na gwapo pala sya. At mukhang napakamasayahin nya.
And while looking at his smiling face ay hindi ko maiwasang...unti-unti ring mapangiti.
Pakiramdam ko kasi ay nadadala ako ng masayang ngiti nya. His smile is so bright that I can't help but to smile too.
At nang makita nya ang pag-guhit ng ngiti sa labi ko ay bigla syang napaupo ng maayos at excited na napatitig sa akin.
"Oh! Oh! Ngumingiti ka na!" ang masayang sabi nya habang nakatitig sa akin. "Ayan! Totoo pala ang sinabi ko! Mas maganda ka kapag ngumingiti ka! Aigoo, aigoo, this is great. Ngumiti ka lang lagi, okay?"
Tumango lang ako habang nakangiti sa kanya.
Tama.
Kung iisipin ko ay hindi ko na maalala kung kailan ba ako huling ngumiti.
But thanks to this stranger at natuto akong ngumiti uli.
Natigil lang ang pag-ngingitian namin nang biglang dumating ang isang bus.
"Aiissh...so ito na ang bus ko" ang parang nanghihinayang na sambit nya saka tumayo at pinulot ang bagahe nya.
Pagkatapos ay nilingon nya ako at nakangiting nag-thumbs up sa akin.
"Ngumiti ka lang lagi, okay? Wag ka ng sisimangot. Tandaan mo na maganda ka pero mas gumaganda ka kapag ngumingiti ka" ang nakangiting sabi nya.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi nya saka ako tumango.
Hindi ko alam pero ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya kahit na kakakita palang namin.
Ngumiti lang din sya at naglakad na papasok ng bus samantalang nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
Pero nang makaakyat sya ay napalingon muna sya at napatingin sa akin mula sa doorstep ng bus.
"Oh, pero teka...ano ba ang pangalan mo ha?" ang takang tanong nya.
Napakurap lang ako uli pero nagsalita parin ako.
"Yu---"
"Ah! Sunny!" ang biglang sabi nya saka nakangiting tumitig sa akin. "Sunny nalang ang itatawag ko sayo!"
My brows met?
Ha? Sunny?
Pero bago pa man ako makapagsalita ay nakangiti syang nagsalita uli.
"Kasi kasing liwanag ng araw ang ngiti mo" ang nakangiting sabi nya saka kumuway sa akin. "Bye Sunny! Sana magkita tayo ulit!"
And then the bus doors closed habang nanatili lang syang nakatitig sa akin mula sa loob at kumukuway parin sa akin.
Hindi ko mapigilang mapangiti at mapakuway rin sa kanya.
"Neh!" ang kumukuway kong sagot.
Tama.
Kung iisipin ko ay sya ang kauna-unahang taong ngumiti sa akin at nakipag-usap sa akin sa ganung paraan simula nang maging miserable ang buhay ko.
Sana nga...
Sana nga magkita kami uli.
Pero ngayon ko lang na-realize na nakalimutan kong itanong ang pangalan nya.
******************
Nang makarating ako sa bahay ay katulad ng dati ay nadatnan ko ang tita kong mabilis na lumapit sa akin mula sa sala at nakangiting nagsalita.
"Oh, napaaga ata ang uwi ngayon ng pamangkin ko ah. Kumusta ang school?" ang nakangiti at parang excited na tanong nya sa akin.
Ang tita ko lang ang nag-iisang kamag-anak ko na nag-magandang loob na kupkupin ako matapos ang insidenteng iyon.
Sya ang nag-iisang kapatid ng Papa ko and she's very enthusiastic on adopting me.
Marahil siguro sa pareho nalang kaming nag-iisa ngayon sa buhay.
Pero hindi ko alam kung bakit may side sa akin ang hindi komportable sa kanya.
Marahil siguro sa...
"Papasok na po ako ng kwarto ko" ang nakayukong sambit ko saka ako naglakad patungo sa kwarto ko.
...kapatid sya ng Papa ko. Ang Papa ko na sinaktan at pinatay ng Mama ko.
Naramdaman ko ang pagsunod nya ng tingin sa akin at alam kong isang malungkot at naaawang tingin ang ibinibigay nya sa akin.
Hindi ko na kailangang makita yun.
Dahil simula ng dumating ako sa bahay na 'to ay yun lang ang nakikita ko sa kanya.
I know that she cares for me so much. At nakikita kong ginagawa nya ang lahat para maging masaya ako sa puder nya.
But I just can't...
"O-oh, neh! Tama, magpahinga ka muna at baka napagod ka sa school" ang sabi nya at halatang tina-try nyang i-cheer up ako. "May gusto ka bang kainin ngayon ha? Anong gusto mong ulam para sa lunch?"
Pero hindi ko na sya nilingon.
Nang makapasok ako ng kwarto ko ay agad kong isinara ang pinto at napasandig doon.
Wala rin syang alam tungkol sa pambu-bully na ginagawa sa akin ng mga schoolmates ko pati narin sa mga taong nasa paligid ko.
Pero mas mabuti ng ganito.
Ayoko ng dagdagan ang sakit at paghihirap na pinagdadaanan nya ngayon ng dahil sa pagkawala ng Papa ko. I'm trying to distance myself from her too dahil alam kong hawig ko ang Mama ko. Alam kong maalala nya lang ang nangyari sa tuwing makikita nya ako.
Ayaw kong palitan ng sakit ang pagmamagandang loob nya sa akin.
I heard her sigh at mukhang hindi parin sya umaalis sa kinatatayuan nya.
"Aiggoo...this kid..." she finally gave up habang nanatili lang akong nakasandig sa pinto ko. "Arasseo, arasseo...magluluto nalang ako ng paborito mong japchae. Kaya kumain ka ng marami mamaya, neh?"
Pero hindi parin ako sumagot.
Narinig kong napahinga nalang sya uli ng malalim.
"Hay...kailan ka kaya makikipag-usap ng matino sa tita mo ha? Aiisshh...this kid" ang sabi nya at alam kong nakangiti sya nang sabihin nya yun.
At doon ko narinig ang papalayong yabag ng mga paa nya.
Samantalang napaupo nalang ako sa may pinto at nayakap ang mga binti ko.
Yes. My mom took the only family she got.
So how can I face her? Ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kanya matapos mawala sa kanya ang nag-iisang kapatid nya ng dahil sa kagagawan ng sarili kong ina?
to be continued...