Yoongi's Music
Music #5
"Hoy Yuseon!"ang biglang tawag sa akin ng isang boses habang nakaupo ako sa desk ko.
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang naka-cross arms at nakataas ang kilay na si Hyumi.
Sinipa nya ang trash can na nasa harapan nya at tumitig sa akin.
"Itapon mo ang mga basura" ang utos nya sa akin. "Tutal, kasing dumi mo rin naman ang mga basurang ito"
And after she said that ay doon na naman pumailanlang ang pamilyar na tawanan sa buong classroom.
I looked at her pretty face at katulad ng iba ay tumatawa narin sya.
Her name is Soo Hyumi.
Ang dating bestfriend ko and we even grew up together. Pero simula nang sumabog ang balitang iyon ay isa na sya sa mga nangunguna sa pambubully sa akin.
And I wonder...paano nya ako nagagawang tratuhin ng ganito matapos ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa? Maybe because...she'd never seen me like a true friend.
Pero kahit ganun ay tumayo nalang ako mula sa desk ko at naglakad patungo sa kanya.
Dahil kahit na ganito na ang trato nya sa akin ay may parte parin sa akin ang gustong bumalik kami sa dati. I only want her to see me as her friend again.
Pero...
Pupulutin ko na sana ang trash can na nasa harapan nya nang bigla nyang sipain yun dahilan para mabuhos ang mga laman nito sa sahig.
"Oh I'm sorry...it's just too bad..."ang nakangisi pa nyang sabi. "...pokpok"
Saka sya tumawa uli kasama ang mga classmates ko at naglakad patungo sa desk nya.
Pumikit nalang ako.
Okay lang.
Suot ko ang heaphone ko kaya iisipin nilang hindi ko narinig ang mga sinabi nya.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig.
Ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
Tama, wala akong naririnig.
Huminga nalang ako ng malalim saka pinulot ang mga nagkalat na basura sa harapan ko at ibinalik yun sa trash can.
Nang mailagay ko ang lahat ng iyon ay tumayo na ako mula sa pagkakayuko at maglalakad na sana pero may sinabi pa sya.
"Oh, be careful honey at baka masali kang matapon sa basurahan. You look like one pa naman" ang sabi nya saka tumawa na naman uli kasama ang mga classmates ko.
Ramdam ko na ang pananakit ng sulok ng mga mata ko kaya mabilis akong naglakad palabas ng classroom na yun habang dala-dala ang basurahan.
Naglakad lang ako sa hallway habang nanduon na naman ang pamilyar na nandidiring tingin at mga pambubully galing sa mga schoolmates ko.
Hapun na at uwian na kaya marami ng estudyante sa hallway na nakatambay.
Naramdaman ko pa ang mga balat ng mga pagkain at mga cans ng mga inumin na itinatapon nila sa akin.
"POKPOK! Hahahahaha!" yan ang naririnig ko.
Pero hindi.
Hindi ko sila naririnig.
Suot ko ang headphone ko kaya hindi ko sila naririnig.
Yan lang ang ipinapaalala ko sa sarili ko habang nararamdaman ko na ang paghapdi ng lalamunan ko ng dahil sa pinipigil kong pag-iyak.
Naglakad na ako palabas ng school building at dumiretso sa likuran ng building para itapon ang mga basura.
Nang maitapon ko ang lahat ng iyon ay napahinga nalang ako ng malalim para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
Nang maikalma ko na ang sarili ko at tumalikod na ako at aalis na sana nang may nahagilap ang mga mata ko.
Mabilis akong napalingon sa direksyon na yun at nakita ko na naman ang gwapong lalaking yun na may pulang buhok na natutulog sa isang sulok.
And when I saw him sleeping out there ay may bigla akong naalala.
Agad akong tumalikod at mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng school building.
Hindi ko na pinansin pa ang mga estudyanteng nambubully na naman sa akin sa hallway at nagmamadali akong pumasok sa classroom para kunin ang bag ko.
Uwian narin naman kaya nagsiuwian narin ang mga classmates ko.
Kinuha ko ang bag ko at patakbong bumalik sa likod ng school building kung nasaan ang lalaking yun.
At nang makarating ako doon ay hinihingal akong napatigil sa pagtakbo at napatitig sa kanya.
Dahan-dahan akong naglakad sa direksyon nya at pinipilit kong wag makagawa ng ingay.
I know that a simple sound would wake him up at kapag nagising sya ng dahil sa akin ay alam kong sa hospital ang hantungan ko katulad ng schoolmate namin na binugbog nya.
Hindi ko rin alam ko bakit ko ba ginagawa 'to.
Pero dahil narin siguro sa...gusto ko lang magpasalamat sa kanya sa ginawa nya para sa akin kahapon.
Nang makalapit ako sa kanya ay napatitig ako sa gwapo nyang mukha.
He's sleeping peacefully at ngayon ko lang natitigan ng maayos ang mukha nya.
Tama nga ang sinasabi ng halos lahat ng babae sa school namin.
He's handsome.
Hindi ko napansin yun dati dahil hanggang isang tingin lang naman ang naibibigay ko sa kanya o di kaya ay nadadaanan lang sya ng mga mata ko. Pero ngayong natitigan ko na ng mabuti ang mukha nya ay doon ko naintindihan kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya.
Dahan-dahan kong binuksan ang zipper ng backpack ko, doing my best not to make any sound. Nang mabuksan yun ay kinuha ko mula sa loob ang kumot at unan na dinala ko galing bahay.
Oo. Dinalhan ko sya nito dahil ito ang pagpapasalamat ko sa kanya ng dahil sa pagpapahiram nya sa akin ng coat nya kahapon.
Binuklat ko ang kumot at dahan-dahang ipinatong yun sa kanya.
Napapansin ko kasi na malamig dito sa labas at wala pa syang suot na coat dahil hindi ko pa nga naibabalik yun.
Matapos yun ay kinuha ko naman ang maliit na unan na dala ko at napalingon sa kanya.
Tama.
Paano ko ba 'to ipapaunan sa kanya na hindi sya nagigising?
Ang braso nya lang kasi ang ginawa nyang unan nya at baka nahihirapan sya sa posisyon nya.
Napahinga nalang ako ng malalim.
Bahala na.
Dahan-dahan akong yumuko sa kanya para abutin ang ulo nya.
Sana naman ay hindi sya magising sa paglalagay ko ng unan sa ulo nya.
Pero...
When I was about to touch his head ay bigla nyang iminulat ang mga mata nya dahilan para matigilan ako sa pagkakayuko ko. At naramdaman ko nalang ang pagkalabog ng mabilis ng puso ko nang ma-realize kong sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha nya at nakatitig sa akin ang mga magagandang mga mata nyang iyon.
I gulped.
"A-ah ano---"
Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay nabigla ako nang marahas nyang hawakan ang kamay ko na hahawak na sana sa ulo nya at napatili nalang ako nang bigla nya akong ihiga sa tabi nya.
At nataranta ako nang bigla nya akong daganan habang hawak parin nya ang nakataas na braso ko.
Napalingon ako sa paligid.
Wala ng tao sa parte na 'to ng school dahil nagsiuwian na nga sila.
Saka ako napalingon sa magagandang mga mata nyang iyon at doon na naman nagsimulang kumalabog ng mabilis ang dibdib ko.
"Ito na ang pangatlong beses na inistorbo mo ang tulog ko..." he said coldly habang nakatitig sya sa akin. "Gusto mo na ba talagang mamatay ha?"
Pakiramdam ko ay maiiyak ako.
Lalo na't nakakatakot ang mga mata nya at nakadagan pa sya sa akin.
God knows kung ano ang pwede nyang gawin habang walang tao sa paligid.
And I don't know him that much.
"A-ah ano...g-gusto ko lang naman...g-gusto ko lang namang---"
Natigil ang sasabihin ko nang bigla akong nakarinig ng huni ng cellphone.
Marahas nyang binitiwan ang braso ko at kinapa sa bulsa nya ang maingay na cellphone nya. And without taking his eyes off me ay sinagot nya yun.
"Hello?" he answered.
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at pakiramdam ko ay namumula ako dahil nakatitig din sya sa akin.
Pero sino kaya ang tumatawag sa kanya?
"Oh, sige, sige. Darating ako" he said. "Hintayin mo ako dyan"
And then he press the end call button at ibinalik yun sa bulsa nya.
Nagtaka ako.
Sino ang...
Sino ang naghihintay sa kanya?
Natigilan lang ako nang bigla syang nagsalita.
"Sana ito na ang huling beses na iistorbohin mo ang tulog ko. Dahil kapag inistorbo mo ako uli sa sunod..." he said coldly and those rebellious eyes looked at me. "...I'll kill you"
At doon na sya humiwalay sa akin at tumayo na mula sa pagkakadagan sa akin.
Samantalang naiwan akong naninigas mula sa pagkakahiga ko.
Narinig ko nalang ang mga papalayong yabag nya habang hindi parin ako makagalaw mula sa pagkakahiga at hindi parin tumitigil sa pagtambol ng malakas ang dibdib ko.
And then may bigla akong naalala.
Tama. Hindi ko pa naibabalik ang coat nya.
to be continued...