Yoongi's Music
Music #6
Nagmumukha na akong stalker.
Pero kanina ko pa pinag-iisipan kung paano ko ba sya lalapitan at ibabalik ang coat nya na ipinahiram nya sa akin kahapon.
Mula sa pag-alis sa school hanggang sa daanan na 'to ay sinusundan ko lang sya.
At mukhang hindi parin nya napapansin na kanina pa ako nakabuntot sa likuran nya.
Pero sino kaya ang pupuntahan nya ngayon?
Kanino kaya sya makikipagkita ngayon at mukhang sobrang excited sya?
Oo.
Ito ang unang beses na nakita kong nabuhayan ang mukha nya.
Lagi kasing antok ang itsura nya pero habang may kausap sya kanina sa phone ay may nakita akong excitement sa mga mata nya.
Except sa gusto ko lang talagang ibalik ang coat nya ay may parte din sa akin ang gustong makita kung kanino ba sya makikipagkita.
Sino ba ang taong ito na dahilan para makitaan ko ng excitement ang laging inaantok at malamig na mukha ni Min Yoongi?
And then may bigla akong naalala...
"Pero come to think of it, simula nung first year palang tayo ay wala pang pinapansin na babae si Yoongi oppa...hindi kaya...hindi kaya may girlfriend na sya sa ibang school?!"
Bigla akong natigil sa paglalakad nang maalala ko yun.
Tama.
Baka nga totoo ang mga kumakalat na speculations na may girlfriend sya sa ibang school kaya hindi sya interesado sa kahit kaninong babae sa school namin.
Napatitig nalang ako sa likuran nya at nakita kong mabibilis ang bawat hakbang na ginagawa nya na para bang excited syang makarating sa pupuntahan nya.
Talaga nga kayang...may girlfriend na sya?
Sa girlfriend nya nga kaya talaga sya makikipagkita ngayon?
Hindi ko alam kung bakit may parte ng dibdib ko ang humapdi sa iisiping iyon.
Naipilig ko nalang ang ulo ko.
Tama na Yuseon.
Ibalik mo nalang 'tong coat nya at itigil mo na ang paglapit sa lalaking yun.
Napahinga ako ng malalim saka mabilis syang sinundan.
Nakita kong lumiko na sya sa isang kanto kaya mabilis akong naglakad para masundan sya.
Nakita kong bumaba sya sa isang pababang hagdan na nasa tabing daanan at katabi din ng isang building.
Nagsalubong ang kilay ko.
Saan sya pupunta?
Doon ba sya makikipagkita sa girlfriend nya?
Mabilis akong naglakad patungo sa harapan ng pababang hagdan na yun at tinignan kung saan papunta ang hagdan na yun.
Isang masikip at madilim na lugar yun at mukhang nakakatakot bumaba sa lugar na yun.
Napahinga nalang ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob na sundan sya sa ibaba.
Dahan-dahan akong bumaba sa pababang hagdan na yun. Hindi ako sigurado kung saan papunta ang hagdan na 'to pero padilim ng padilim habang bumababa ako.
Wala bang ilaw dito?
And then isang maliit na pinto ang sumalubong sa akin.
Napalunok muna ako bago ko hinawakan ang doorknob at dahan-dahang pinihit pabukas yun.
Pero...
Nabigla ako nang pagbukas ko ng pinto ay ang napakaingay at napakadilim na lugar na yun ang sumalubong sa paningin ko.
Maraming tao sa loob at karamihan ay mga teenagers na mga lalaki.
Magulo sa loob at naghihiyawan sila sa gitna ng maingay na music. Ang mga pulang ilaw lang na yun ang nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto na yun.
T-teka...anong...anong lugar ba 'to?
Pero ang mas nagpabigla sa akin ay nang makita ko na kung sino ang lalaking nasa stage at ngayon ay kasalukuyang nag-ra-rap doon. Habang naghihiyawan ang mga kalalakihan na nanduon na para bang nag-i-enjoy sila sa pakikinig sa kanya.
Teka...ang lugar na 'to...
Isa ata itong underground rap battle ground. Alam ko ang mga ganitong lugar dahil naririnig ko itong pinag-uusapan ng mga classmates kong mga lalaki. Pero ito ang first time na makapasok ako sa ganitong lugar.
Napatitig nalang ako kay Min Yoongi na ngayon ay patuloy paring nag-ra-rap sa gitna ng stage.
I can't help but to look at him in awe.
Yun kasi ang unang beses...
Yun ang unang beses na makita ko sya sa isang stage at marinig ko syang mag-rap.
Marunong palang...
Marunong palang mag-rap si Min Yoongi?
At habang tinitignan ko sya ngayon na mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa nya ay hindi ko mapigilang mapangiti. Mukhang ang saya-saya nya kasi habang nagra-rap doon.
I've never seen Min Yoongi to be this so lively and so fun. Nasanay lang kasi ako sa laging antok at parang wala sa mood na mukha nya.
Hindi ko napigilan at napa-palakpak narin ako habang patuloy parin sya sa pag-rap. At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ang saya-saya kong makita sya ng ganito.
Pero biglang natigil ang kasiyahan na nararamdaman ko nang bigla akong lingunin ng isang grupo ng kalalakihan na malapit sa akin.
"Wow, chicks pare o" ang nakangising lingon ng isa.
Napalingon ako sa kanila at doon ko naramdaman ang pinahalong takot at kaba lalo na't nakatitig silang lahat sa akin.
"Miss, may kasama ka ba dito ha? Pwede kang sumama sa amin kung gusto mo" ang nakangising sabi naman ng isa at nanlamig ako nang titigan nya ako mula ulo hanggang paa.
At napaatras nalang ako nang makitang lumalapit na sila sa akin.
"A-ah...aalis na po ako---Aaaahh!"
Napatili ako nang may biglang tumayo sa likuran ko at humaplos ng legs ko. Isang maiksi na skirt ang uniform ko kaya ramdam na ramdam ko ang pagdikit ng kamay nya paitaas ng legs ko.
"Wag ka munang umalis..." ang lapit ng isa sa akin habang umaatras ako. "...makipaglaro ka muna sa amin kahit isang gabi lang"
Naiiyak na ako ng dahil sa sobrang takot.
Lalo na't alam kong puro kalalakihan ang nanduon at mukhang walang may pakialam kahit na rapin pa ako ng mga lalaking ito dito.
"W-wag po..." ang tanging nasambit ko habang ramdam ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. "W-wag nyo po akong sasaktan..."
Saka ko naramdaman na napadikit na ang likuran ko sa wall na nanduon kaya wala na akong ma-aatrasan. Kaya ang nangyari ay na-corner na nila akong apat at lahat sila ngayon ay nakangisi habang nakatitig sa akin.
Nakita kong itinaas ng isa ang kamay nya at mukhang hahaplusin nya ang buhok ko kaya napayuko nalang ako at napapikit sa kinatatayuan ko.
Pero...
"Oo na, alam kong cute ang girlfriend ko kaya wag nyo na syang hawakan" ang biglang sulpot ng pamilyar na boses na yun.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nagtaas ng mukha.
At nakita kong nakatayo na si Yoongi sa harapan ko habang hawak ang braso ng lalaking hahawak na sana sa akin.
Paanong...
Paano sya napunta dito?
Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ng lahat ng lalaking nakapalibot sa akin.
"Aissshhh...! Girlfriend mo pala 'to?!" ang sigaw ng isa.
"You rascal! Ba't lahat nalang ata ng magaganda at sexy na chicks ay napupunta sayo?!" ang sigaw naman ng isa at kunyari ay kinwelyuhan pa sya.
And for the first time since I've known him ay nakita ko ang pagguhit ng matamis na ngiti na iyon sa labi nya at hinawakan ang kamay na naka-kwelyo sa kanya at ibinaba yun.
"Aisshh..." ang nakangiting sabi nya at nabigla pa ako nang bigla nya akong akbayan sa harapan ng apat na lalaking yun. "...wala akong magagawa kung ganito ako ka-gwapo at lahat ng babae ay nahuhumaling sa akin. Kaya sorry nalang pero akin ang babaing ito"
"Aish, you dimwit!" ang sigaw ng isa.
"Rascal!" ang sigaw naman ng isa.
At doon na sila umalis na para bang sobrang frustrated at iniwan kaming dalawa ni Yoongi sa ganuong posisyon.
Samantalang ramdam ko ang pagkalabog ng mabilis ng dibdib ko lalo na't nakaakbay parin sa akin si Yoongi.
Nang tuluyan na silang makaalis ay doon na ako binitiwan ni Yoongi and without saying anything ay marahas nyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng lugar na yun.
"Aray! Yoongi!" ang naisigaw ko nang dahil sa sobrang higpit na paghawak nya sa braso ko.
Halos pakaladkad nya pa akong hinila palabas at halatang galit na galit sya.
Nang makaakyat na kami paitaas at nang tuluyan na kaming nakalabas ay doon nya ako marahas na binitiwan at galit na galit syang nagsalita.
"Ano bang ginagawa mo ha?!" he yelled. "Ba't mo ako sinundan dito?! Nababaliw ka na ba?!"
Napayuko naman ako lalo na't hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Ba't ba sa tuwing nagkikita tayo ay pinapainit mo ang ulo ko?!" ang sigaw nya at napaatras pa ako nang sipain nya ang nagkalat na lata sa semento. "Yah, gusto mo na ba talagang mamatay ha?!"
Mas lalo akong napayuko at pakiramdam ko ay naiiyak ako.
Lalo na't hindi pa ako nakaka-recover sa trauma na naranasan ko kanina at ngayon ay hindi ko ata kakayanin ang galit na nasa mukha nya.
"Umuwi ka na!" ang sigaw nya. "Umuwi ka na at utang na loob! Wag ka ng magpapakita pa sa akin! Pakiramdam ko ay puro trouble lang ang dala mong babae ka!"
Hindi ko na napigilan at doon na ako napaiyak sa harapan nya.
At nang makita nya yun ay doon ko na nakita ang unti-unting paghupa ng galit sa mukha nya pero hindi na sya nagsalita.
Kaya kinuha ko nalang ang backpack ko at kinuha mula sa loob ang coat nya na ipinahiram nya sa akin kahapon.
Saka ko inilahad yun sa kanya.
"Gusto ko lang namang ibalik ito sayo... gusto ko lang magpasalamat..." ang umiiyak kong sambit. "Atsaka...gusto ko lang naman sanang makipagkaibigan sayo..."
Saka ako nagtaas ng mukha at tumitig sa gwapo nyang mukha.
Pero hindi sya nagsalita.
Nanatili lang na nakatitig sa akin ang mga mata nyang iyon.
Oo nga naman. Bakit naman sya makikipagkaibigan sa akin?
Bakit sya makikipagkaibigan sa isang babae na madumi sa paningin ng lahat?
Pero nang sabihin nya ang bagay na yun kahapon...
"Alam ko..."
...ay may bahagi sa akin ang umasa na baka nga pwede kaming maging magkaibigan.
Pero hanggang panaginip nalang pala yun.
Napahinga nalang ako ng malalim at pinunasan gamit ang daliri ko ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.
Pagkatapos ay naglakad ako patungo sa kanya at kinuha ang kamay nya at ipinahawak ang coat nya.
Hindi sya nagsalita.
Nakatingin lang sya sa akin pero hindi na sya nagsalita.
"S-sige, uuwi na ako...at pasensya na kung naistorbo kita..." ang sambit ko.
Napatingin naman sya sa akin at doon sya nagsalita.
"Pasensya na rin" he answered in an apologetic voice. "Pero ayokong makipagkaibigan sa babae"
Sinabi nya yun sa kalmadong boses at wala naring bakas ng galit ang mukha nya kaya alam kong sincere sya sa sinabi nya.
Tumango nalang ako at nakangiting napatingin sa gwapo nyang mukha.
"O-okay lang..." ang sambit ko. "U-uuwi na ako. B-bye..."
Saka ako tumalikod at humakbang paalis.
Pero may bigla akong naalalang sabihin kaya napalingon ako sa kanya.
Nakita kong hindi parin sya umaalis doon at nakatingin parin sya sa akin. I can see warmth into his eyes while looking at me na para bang naaawa sya sa akin. At sa totoo nyan ay ito ang unang beses na nakita ko ang emosyon na yun sa mukha nya.
Nasanay lang siguro ako sa laging cold na pagtrato nya sa akin kaya nabaguhan ako sa nakikita ko sa kanya ngayon. Maybe he is not that cold pero ganun lang talaga sya tumrato ng taong hindi nya kilala.
Yes. Maybe he doesn't know me that much kaya ganito ang pagtrato nya sa akin.
I smiled at him and spoke.
"By the way..." ang nakangiting sabi ko. "...ang galing mong mag-rap. Sana ipagpatuloy mo yan...I'm looking forward to hear you rap again"
Nakita kong natigilan sya nang dahil sa sinabi ko at napatitig sya sa akin.
Pero ngumiti lang ako at nag-fighting sign.
"Fighting!" ang masiglang sigaw ko.
Saka ako mabilis na tumalikod at naglakad paalis.
Oo.
Alam ko naman eh.
Alam ko na wala akong karapatan na makipagkaibigan sa kanya.
Pero bakit ang sakit parin?
Bakit ang sakit sa dibdib na makatanggap ng rejection mula sa kanya?
to be continued...