Yoongi's Music
Music #7
Nandito na ako sa bus stop para maghintay ng bus pauwi ng bahay namin.
Nakita kong magdidilim na ang paligid habang nakaupo ako sa waiting shed na nanduon.
Ang bigat-bigat lang ng loob ko ngayon.
Akala ko magkakaroon na ako ng kaibigan pero sa tingin ko, malabo ng mangyari yun.
"Sunny!" ang biglang sulpot ng masiglang boses na yun sa tabi ko.
Agad naman akong napalingon at nakita ko na naman ang nakangiting lalaking iyon.
I blink.
Oo, sya yung weirdo at masayahing lalaking nakilala ko kahapon dito rin sa bus stop.
"H-hello..." ang naisagot ko nalang.
"Aiisshh...ang saya-saya ko at nakita kita uli dito" ang nakangiting sabi nya. "Nakakabigla na lagi tayong pinagtatagpo dito ng hindi sinasa---"
Pero biglang naputol ang sasabihin nya nang mapansin ang mga luhang hindi pa natutuyo sa mga pisngi ko.
"Aigoo...siguro nag-away na naman kayo ng boyfriend mo noh? Aigoo..." ang nag-aalalang sambit nya.
Boyfriend?
Bakit ba lagi nalang nyang sinasabi na may boyfriend ako? Ni kaibigan nga, wala. Boyfriend pa kaya?
"Aiisshh...okay lang yan" ang nakangiting sabi nya saka tinapik-tapik ang balikat ko. "Diba sabi ko naman sayo na mas gumaganda ka kapag ngumingiti ka? Kaya ngumiti ka na. Ang tanga-tanga ng boyfriend mo dahil pinapaiyak ka nya. Ang mga babae, dapat inaalagaan at hindi pinapaiyak"
At nabigla pa ako nang punasan nya gamit ang mga daliri nya ang mga bakas ng luha sa magkabilang pisngi ko.
"Kaya ngumiti ka na...kagaya nito oh" he said and then that big smile drew up on his face.
At katulad ng dati, nang makita ko ang ngiti nya ay hindi ko narin napigilang mapangiti.
Nakakahawa kasi talaga ang saya ng ngiti nya.
"Oh! oh! Ganyan nga!" ang sobrang excited na sabi nya saka tumitig sa akin. "Aiggoo.... ang cute-cute mo talaga kapag ngumingiti...aigoo..."
I rolled my eyes.
"Psh. Bolero" ang nakangiting sambit ko.
"Hindi! Totoo nga!" ang pakikipagtalo nya sa akin. "Ang totoo nga nyan...ang ngiti mo ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko"
Mas lalo akong napangiti.
Hay...alam kong sinasabi nya lang yun para mapangiti ako.
And he won.
Napapangiti talaga ako ngayon ng dahil sa pambobola nya.
"Ah! Teka, may ibibigay pala ako sayo ngayon..." ang sabi nya saka naghalungkat sa backpack na dala nya.
Nagtataka naman akong napalingon sa kanya.
Huh?
At ano naman ang ibibigay nya sa akin eh ito palang ang pangalawang beses na nagkita kami?
"Tadan!!!" ang sigaw nya at ipinakita sa akin ang hawak nya.
Isang malaking chocolate bar yun at ang pangalan ay Hershey.
Napakurap ako.
"Aiisshh...narinig ko na ang magpapangiti lang sa mga babae na katulad mo ay ang mga chocolate na katulad nito kaya ibibigay ko nalang ito sayo" ang nakangiting sabi nya saka inilahad yun sa akin. "Wag kang mag-alala, safe kainin yan"
At kahit na nagtataka ay tinanggap ko nalang yun mula sa kamay nya at napatitig doon.
Hindi ko rin mapigilang mapangiti.
Ito kasi ang unang beses na may nagbigay ng chocolate sa akin.
"Kaya ngumiti ka lang lagi, okay?" ang nakangiting sabi nya. "Dapat simula ngayon, wag ka ng sisimangot. Wag ka ng iiyak. Maraming magagandang bagay sa mundo ang pwedeng maging rason para ngumiti ka"
Nakangiti nalang akong tumango sa kanya.
"Neh" ang masayang sagot ko.
Masaya lang ako na kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko ng dahil sa estrangherong ito. Posible kayang...maging kaibigan ko sya?
Pero...
"Aiisshh...so paano ba 'to..." ang nakangiting sabi nya saka napahinga ng malalim. "Baka ito na ang huling pagkikita natin..."
Mabilis akong napalingon sa kanya.
Ito na ang...huling pagkikita namin?
Pero...bakit?
Hindi pa man ako nakakapagtanong ay lumingon na sya sa akin at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti.
"Natapos na kasi ang one month na dance training ko dito kasama ang kaibigan kong mag-o-audition din sa isang agency sa Seoul. At bukas...babalik na kami ng Seoul para magpatuloy ng training para sa audition..." ang sabi nya.
Hindi ko alam pero...may bahagi sa akin ang nalungkot nang dahil sa sinabi nya.
Akala ko pa naman ay magkakaroon na ako ng kaibigan.
Pero...mukhang hindi na mangyayari yun...
Nabigla ako nang maramdaman ko ang pag-pat nya ng ulo ko kaya natigilan ako sa kinauupuan ko.
"Aiisshh...basta, kapag wala na ako dito na magpapangiti sayo, dapat ngumiti ka lang lagi okay? Wag ka ng sisimangot dahil sa totoo lang, pangit ang babaing sumisimangot. Ngumiti ka kagaya nito oh"
Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang sobrang lapad na ngiti nyang iyon habang nakahawak parin ang kamay nya sa ulo ko.
At nang makita ko yun ay hindi ko narin mapigilang mapangiti.
Ano bang meron ang lalaking ito na nagpapangiti sa akin?
At nang makita nya ang pag-ngiti ko ay mas tumamis pa ang ngiti nya at doon ko naramdaman ang pag-gulo nya ng buhok ko.
"Aigoo...ang ganda mo talaga kapag ngumingiti ka. Aigoo..." ang sobrang sayang sabi nya while looking at my face. "Sayang talaga..."
Napakurap ako nang dahil sa huling sinabi nya.
Sayang talaga?
Anong meaning nun?
"Uy! Sya ba yung babaing inaabangan mo lagi dito sa bus stop ha? Wow, ang ganda ah!" ang biglang sulpot ng bagong dating na boses na yun.
Sabay kaming napalingon ng lalaking katabi ko sa bagong dating na lalaki at hindi ko alam kung bakit bigla nalang atang namutla ang lalaking kasama ko nang dahil sa sinabi nya.
huh?
Babaing...lagi nyang inaabangan?
Pero ngumiti lang ang bagong dating na lalaki sa katabi kong lalaki at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Buti naman at nagkita kayo ngayong araw na 'to. Aigoo...buong araw mo rin syang hinintay dito ah." ang nakangiti pang sabi ng lalaki.
Napakurap ako.
Ano bang pinagsasabi nya?
Pero nakita kong parang natataranta na at pinagpapawisan ng malamig ang lalaking katabi ko. Nakita ko pa ang pag-tawa nya ng hilaw at ang mabilis nyang paglapit sa bagong dating na kasama nya saka nya ito inakbayan.
"A-ahahahaha! W-wag kang m-makinig s-sakanya Sunny! N-nagbibiro lang sya!" ang parang natataranta nyang sabi.
Tinignan lang sya ng kasama nya.
"Ha? Eh diba sya yung sinasabi mong lagi mong hinihintay---"
Pero agad na nyang tinakpan ang bibig ng kasama nya.
May isang bus ang biglang dumating sa harapan namin kaya doon na sya napatawa ng hilaw at lumingon uli sa akin.
"A-ah sige S-sunny! M-mauuna na kaming umalis! S-sana magkita tayo uli b-bukas! B-bye!" ang natataranta parin nyang sabi saka nya hinila papasok ang kasama nya sa bus.
Samantalang napakurap nalang ako sa kinauupuan ko at hindi ko parin maintindihan ang pinagsasabi nila.
Nakita kong lumingon sya sa akin mula sa loob ng bus at nakangiting kumuway sa akin.
At nang tuluyan nang makaalis ang bus ay doon ko lang na-realize na nakalimutan ko na namang itanong kung ano ang pangalan nya.
Next day...
"Tabi nga!" ang sigaw ng isang lalaking schoolmate ko na tumatakbo sa hallway at doon ko naramdaman ang pagtulak nya sa akin.
Sa sobrang lakas ng pagtulak nya sa akin ay napasandig ako sa bintana na nanduon.
Napahinga nalang ako ng malalim.
Ano pa ba ang bago sa eksenang ito?
Ano pa ba ang bago...
"Ew yuck! Don't get too close to her! Pokpok!" ang sigaw ng isang schoolmate ko namang babae sa kasama nya na parehong padaan sa akin.
...sa araw-araw na ginagawa nila sa akin?
I took a deep breath at katulad ng araw-araw kong ginagawa ay napapikit nalang ako. Saka ko kinapa ang ipod na nasa bulsa ko at nag-play ng malakas na hiphop song.
Yes. The more the loud and fast the music is...the more I can escape from all of this.
As long as suot ko ang headphone na 'to at nakikinig ako ng music ay wala akong maririnig.
Hindi ko sila maririnig...
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad sa hallway habang nanduon na naman ang karaniwang eksena na yun na binu-bully ako at pinagtatawanan ng mga schoolmates ko.
Pero...
Natigil ako sa paglalakad nang makita ko ang gwapong lalaking yun na naglalakad papunta sa direksyon ko.
Mag-isa lang syang naglalakad sa hallway at katulad ng dati ay inaantok na naman ang itsura nya. Mukhang wala sya sa mood habang pinagtitinginan na naman sya ng mga babaing schoolmates ko.
"Yoongi Oppa!" ang kinikilig na pagpapansin ng mga babaing schoolmates ko sa kanya.
Ang iba ay lumabas pa sa classrooms nila at kinikilig na sinusundan sya ng tingin. Ang iba naman ay kinikilig pang sinusundan naman sya sa paglalakad at nagtutulakan pa sila sa likuran nya.
Pero wala ni isang may naglakas na loob na lumapit sa kanya lalo na't alam nilang never in history pa syang pumansin ng babae. Ayaw lang siguro nilang mapahiya.
Oo, ito na ang typical na nakikita kong eksena sa tuwing nakakasalubong ko sya sa hallway simula palang nung nasa middle school palang kami.
Dati ay wala akong pakialam sa kanya pero bakit...bakit hindi ko na maialis ang tingin ko sa kanya?
Bakit ba...ganito kabilis ang t***k ng puso ko lalo na't ilang hakbang nalang ay mapapalapit na sya sa kinatatayuan ko?
At katulad ng inaasahan ko ay kahit ni isang tingin ay hindi nya ibinigay sa akin.
Basta't naglakad lang sya at nilampasan ako na para bang wala syang pakialam sa akin o sa mga taong nasa paligid nya.
At nang tuluyan na syang nakaalis ay doon ko na naman naramdaman ang pamilyar na paghapdi ng dibdib ko.
Oo nga naman.
Bakit ba ako umaasa na baka nga...mapansin nya ako?
***************
"Aish! Hindi na yun darating kaya umalis na tayo!" ang sigaw ng kasamahan nya na kanina pa nababagot sa loob ng van na sasakyan nila pabalik ng Seoul.
"Tumahimik ka nga! Darating sya, alam ko!" ang sigaw naman nya pabalik.
Oo. Nandito sila ngayon sa bus stop kung saan nya laging nakikita ang magandang babaing iyon.
Nakaupo sya sa waiting shed kung saan sya laging naghihintay sa pagdating ng babaing iyon at kanina pa nagpapalinga-linga sa paligid, looking for any sign of the girl.
Pero mag-iisang oras na syang nakaupo doon ay hindi parin dumarating ang hinihintay nya.
"Aish! Tama na yan! Baka hinihintay na tayo ng dance trainor natin!" ang sigaw pa ng isang kasama nya.
Nilingon nya ang mga ito.
"Tumahimik nga kayo!" ang medyo naasar narin nyang sagot. "Hindi ko pa nahihingi ang number at SNS nya kaya hindi pa tayo pwedeng umalis!"
Saka sya nagpalinga-linga uli sa paligid.
Ngayon na sila babalik ng Seoul mula sa isang buwan na training nila dito sa Daegu kaya alam nyang baka ito na ang huling beses na magkita sila. Gusto nya lang sanang hingiin ang number nito para man lang magkaroon sila ng communication.
Napahinga nalang ng malalim ang isa namang kasamahan nya at lumabas na ito mula sa loob ng van at nilapitan sya.
Tinapik-tapik sya nito sa balikat saka nakangiting nagsalita.
"Aigoo...tama na yan. Hindi na yun darating kaya umalis na tayo" ang sabi nito sa kanya. "Sa ngayon ay unahin mo munang isipin ang audition natin sa Big Hit two months from now"
Napatitig naman sya sa kaibigan at doon na sya malungkot na napababa ng tingin.
He's a happy person.
Pero hindi nya talaga maiwasang makaramdam ng lungkot lalo na't hindi na nya makikita pa uli ang magandang babaing iyon.
Nagtaas nalang sya ng mukha at nakangiting nagsalita.
"Neh..." ang tanging nasabi nya.
Tinapik lang sya nito sa balikat saka ito naunang sumakay sa van.
Naglakad narin sya patungo sa van pero bago pumasok ay napalingon muna sya sa paligid at umaasa paring makita ang babaing hinahanap nya.
But in the end, ay sumakay nalang sya sa van without having any last glimpse of his first and only love.
to be continued...