Yoongi's Music
Music #19
"Your boyfriend is cheating on you"
Pakiramdam ko ay nanlamig ako at bigla akong nanghina nang dahil sa message na iyon.
Sa bawat salitang nakapaloob sa message na yun ay para itong atomic bomb na sumabog at sumira ng mundo ko.
Pero hindi.
Hindi ako dapat maniwala sa pinagsasabi ng new number na ito.
Agad akong nag-reply dito.
Reply Message:
"Sino ka? At paano mo nasasabi yan kay Yoongi?"
Sent.
Hindi pa man nag-isang minuto ay nag-reply na ito.
New Message Received:
Kung ayaw mong maniwala, go to this place:
Green Tea Garden. At doon mo sya makikita kasama ang babae nya.
Bye.
Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga nang dahil sa pinagsasabi nya.
Iisipin palang na may ibang babae si Yoongi ay para ng sinasaksak ang dibdib ko sa sobrang sakit.
Pero hindi.
May tiwala ako sa boyfriend ko. Sa kanya lang ako maniniwala at hindi sa kani-kanino lang.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong malapit na naming madaanan ang lugar na binanggit ng nagtext.
Ayokong maghinala kay Yoongi.
Ayoko ring maniwala sa pinagsasabi ng new number.
Pero...
Pero bakit may bahagi sa akin ang gustong makita kung totoo nga ang sinasabi nya?
Bakit may bahagi sa utak ko ang nagsasabing kailangan kong pumunta sa lugar na iyon?
I trust Yoongi.
I know that he loves me. Ramdam na ramdam ko yun.
Sya lang ang nag-iisang tao sa malupit na mundo na ito ang nagparamdam sa akin na may halaga ako. Kaya hindi nya magagawa sa akin ang ipinaparatang ng new number na ito.
Pero bakit may bahagi ng dibdib ko ang natatakot na baka nga totoo ang sinasabi nito?
Ayokong maniwala...
Hindi.
Hindi magagawa sa akin ni Yoongi yun.
Mahal nya ako.
Mahal na mahal nya ako.
Pero...
Natagpuan ko nalang ang sarili kong bumaba ng bus sa tapat ng Green Tea Garden. Ang restaurant na sinasabi ng nasa message.
Ilang araw ko naring napapansin na lagi nalang syang lumalabas ng hindi ko nalalaman...
I can feel my heart beating so furiously inside my chest as I walked towards that restaurant.
Ilang araw ko naring napapansin ang laging paglabas nya...
I turned my hands into fist para makakuha ng lakas ng loob na magpatuloy sa pagpasok sa restaurant na iyon.
May times na nahuhuli ko syang may kausap sa phone at napapansin kong itinatago nya sa akin yun...
Mahal nya ako.
Mahal ako ni Yoongi.
Hindi nya magagawa sa akin yun.
Pero...
Hindi pa man ako nakakapasok sa restaurant ay tuluyan na akong nanlamig sa nakita ko mula sa glass walls ng restaurant.
Everything went blurry because of the tears that started to form from my eyes.
Pero hindi na natakpan ng mga luhang iyon ang eksenang nakikita ko ngayon sa harapan ko mismo.
My world is now completely shattered and I think any moment now ay baka bumigay na ako.
Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis dahil sa bawat segundo na nakikita ko ang eksenang iyon ay nadadagdagan lang ang bawat patalim na isinasaksak sa dibdib ko.
Dahil ang nakita ko lang naman sa restaurant na iyon ay...
Sina Yoongi at Jana...
Magkasama at naghahalikan sa loob ng restaurant.
Yoongi's POV:
"What the f**k Jana?!" ang naisigaw ko saka ko sya itinulak palayo.
Putang-ina.
Sana walang nakakita ng ginawa nya.
"Bakit mo ginawa yun?!" ang galit na galit na sigaw ko saka pinunasan ang labi ko.
Ang Music ko lang ang pinapayagan kong makahalik ng labing ito pero tang-ina! Nanakawan pa ako ng halik ng bwiset na babaing ito!
Nandito lang naman ako dahil gusto kong magpasalamat sa kanya dahil sa pagtulong nya sa akin na makahanap ng part time job as a waiter sa restaurant nila na ito. At ngayong nakaipon na ako ng pera galing sa part time job na ito ay magpapaalam na sana ako pero putang ina, ninakawan pa ako ng halik ng tang-inang babaing ito.
Pero imbis na mainis sa ginawa kong pagtulak sa kanya ay ngumiti lang sya sa akin.
At hindi ko alam pero may nakikita akong kakaiba sa ngiti nyang iyon.
"Oh nothing" she said with a satisfied smile on her face. "That's my way of saying Thank you for helping us out"
Pero galit na galit ako sa ginawa nya.
Paano kapag may nakakita nun at isumbong pa ako sa Music ko?
"Don't do that again" I said through gritted teeth.
But she just gave me that seducing smile at hinaplos nya ang braso ko. Gago, akala nya rin nakaka-seduce sya. Ang Music ko lang ang makaka-seduce sa akin at hindi ang mukhang gurang na katulad nya.
"Why? You like me too right?" she said seductively. "Ako naman talaga ang gusto mo at hindi ang boring na girlfriend mo. Kung pinapaselos mo ako, then you won. Selos na selos na ako so itigil mo na 'to. Like, you don't have to be with the likes of her"
Alam nyo yung feeling na gustong-gusto mong suntukin ang isang tao pero hindi mo lang magawa dahil kaibigan mo sya at bonus pa na babae sya?
"Uuwi na ako" ang nanggagalaiti kong sabi saka tumayo.
Oo, kailangan ko ng umalis dito bago pa man mandilim ang paningin ko at makalimutan kong tinulungan nya akong makapag-ipon ng pera.
Pero naramdaman kong hinila nya ang braso ko at galit na galit syang tumayo.
"Ano bang problema mo ha?!" ang galit na sigaw nya saka ako hinarap. "Ano bang mayroon ang babaing yan na wala sa akin kaya sya ang nagustuhan mo?! Like, she's just a w***e who slept with several guys---"
I gave her that deadly glare and that stopped her from talking.
Yes. She's my friend for how many years at alam kong alam narin nya ang ibig sabihin ng glare na yun.
She knows that pushing me too far will not make her any good.
She knows me that well. She knows me that well to make her stop from talking more.
I took a deep breath para pakalmahin ang sarili ko.
Samantalang napababa naman sya ng tingin at mukhang napahiya sya sa ginawa ko.
Saka ako lumingon sa kanya and in that calm and low voice, I spoke.
"Alam mo bang...nang dahil sa mga taong katulad mo...kaya hindi natatanggal ng girlfriend ko ang headphone na laging nasa tenga nya?"
Hindi sya nagsalita.
Nanatili lang syang nakayuko at mukhang hindi na nya alam kung ano ang sasabihin.
Ramdam ko narin ang pamumuo ng sakit sa dibdib ko ng dahil sa naiisip ko ang kalagayan ng girlfriend ko.
Hindi ako nagsasalita tungkol sa bagay na ito.
Pero nasasaktan ako ng dahil sa laging pagsusuot ng girlfriend ko ng headphone nya.
Nasasaktan ako na wala akong magawa para matanggal ang headphone na iyon sa tenga nya nang dahil sa dami ng taong humuhusga ng pagkatao nya.
Boyfriend nya ako pero minsan pakiramdam ko ay wala akong kwentang boyfriend para sa kanya dahil hindi ko magawang tanggalin ang headphone na yun.
Hindi ko magawang tanggalin ang sakit sa dibdib nya.
"Ito na ang huling beses...ito na ang huling beses na maririnig kong pagsasalitaan mo ng masama ang girlfriend ko. Dahil sa susunod..." I said then glared at her. "...kakalimutan kong babae ka at kaibigan kita"
And with that, I turned around and walked away.
to be continued...