Music #20

1382 Words
Yoongi's Music Music #20 Present time... Yoongi's POV: "Hyung, ano ba yang isinusulat mo ha?" ang takang tanong sa akin ni Jungkook. Nasa isang coffee shop kaming lahat noon dahil napagpasyahan naming mamasyal para i-spend ang one day na rest day namin. "Aisssh...hyung, rest day natin ngayon kaya iwan mo muna ang mga trabaho mo" ang reklamo naman ni Rapmon na nasa harapan ko. "I-enjoy nalang natin ang magandang panahon ngayon" Pero nanatili lang akong nakatutok sa tissue na naisipan kong sulatan ng lyrics ng kanta. Nakangiti namang tinapik ni J-hope ang braso ko. "Ayyyy! Para namang hindi na kayo nasanay sa hyung na'to! Kapag nakakaisip sya ng lyrics ng kanta ay hindi nya mapigilang magsulat! Hahahaha!" ang tumatawa pang tapik nya sa balikat ko. "Aish, Yoongi" si Jin hyung na nasa tabi ni Rapmon. "Kahit ba naman sa coffee shop ay maiisipan mo pang magsulat ng kanta? Aish..." Pero hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakayuko at tahimik na isinusulat ang mga lyrics na tumatakbo sa isipan ko. "Nakakabigla lang na pumayag na lumabas ngayon si Suga hyung" ang natatawang sabi ni Jimin. "Nakakapanibago ito...lalo na't pumayag syang pumasok sa isang coffee shop. Hahahaha" "Oo nga hyung" si Taehyung. "Ngayon ka lang pumayag na pumasok sa isang coffee shop kaya naninibago talaga kami" "Oh! Oh!" ang parang naka-realize na sigaw ni J-hope. "Hindi kaya allergic sa coffee shop si Suga hyung kaya ngayon lang sya pumayag na sumama sa atin? Aigoo..." "Tumahimik nga kayo" ang sambit ko habang ipinapapatuloy ang pagsulat ng kanta. "Libreng kape na 'to kaya pumayag akong sumama sa inyo" Nagtataka naman silang nagkatinginan. "Libre?" si Jimin. Agad na nanlaki ang mga mata ni J-hope habang nakatingin parin sa iba. "Kung ganun..." ang simula ni J-hope at doon na lumabas ang pilyong ngiti na iyon sa labi nya. "...ANG MAHULI ANG MAGBABAYAD! WAAAAAAAHHHH!!" Saka sya mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng coffee shop. "WAAAAAAAAAHHH!!!" ang tilian din ng lima saka sila nagmamadaling lumabas ng coffee shop. Kaya ang ending ay naiwan akong mag-isa sa mesa namin habang hawak ko parin ang tissue na sinulatan ko ng lyrics at isang ballpen. "Psh. Mga tarantado" ang naibulong ko nalang sa sarili. Hayyy...kung ganun, ako ang magbabayad ng lahat ng kinuha ng mga hayup na iyon. Tang-ina, ngayon ko lang na-realize na naka-limang cake pala si Taehyung kanina. Bwiset. Ubos ang pera ko nito. Tumayo nalang ako at nagbayad na sa cashier. "Is that all sir?" ang tanong sa akin ng babae sa cashier nang mai-punch na lahat ng kinain ng mga hayup na iyon. "May gusto pa po ba kayong idagdag?" At ngayon ko lang na-realize na hindi pala ako naka-order ng kape kanina kaya ang mga kinain nilang lahat ang nabayaran ko. Mga tarantado talaga. Napatingin nalang ako sa menu board na nasa itaas at napatingin sa mga kape na ini-offer nila. Pero natigilan ako nang makita ang pangalan ng kapeng iyon. Oo. Ang kapeng iniiwasan kong makita o mabasa man lang dahil alam kong maalala ko na naman sya... Nang makita ko yun ay agad kong pinagsisihan kung bakit pa ba ako sumama sa coffee shop na ito dahil doon ko na naramdaman uli ang unti-unting paghapdi ng dibdib ko. Ilang taon na ang lumipas pero sa tuwing nakikita ko ang pangalan ng kapeng iyon ay may bahagi ng dibdib ko ang laging humahapdi. Kaya siguro iniiwasan kong pumasok sa mga coffee shop dahil alam kong maalala ko lang sya. Pero tumingin parin ako sa babaing nasa cashier at ini-clear muna ang throat ko dahil pakiramdam ko ay may nagbabara doon. Pakiramdam ko ay nag-iinit narin ang sulok ng mga mata ko at sobrang hapdi ng dibdib ko. Ayoko ng maalala sya. Pero may part sa akin ang gustong maalala parin sya at makasama syang muli. "Caramel Macchiato" ang sambit ko. "I want Caramel Macchiato" At alam kong...ang kapeng ito ang tanging bagay na magpaparamdam sa akin na nasa tabi ko parin sya. Oo. Mahal ko parin ang babaing yun. Mahal na mahal ko parin sya kahit na matagal na panahon ko na syang hindi nakikita. Mahal na mahal ko parin sya kahit na sya ang dahilan kaya may nakasaksak na patalim sa dibdib ko at mas lalong lumalalim yun sa bawat araw na hindi ko sya nakikita. Nang maibigay na ng babae ang inorder kong kape ay binitbit ko na yun at naglakad na palabas ng coffee shop. Nakayuko akong lumabas ng pinto at sya namang pagdating ng isang grupo ng kababaihan. "Unnie, ano bang o-orderin mo ha?" I heard the other girl asked. Pero natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. "Caramel Macchiato" that voice answered. Mabilis akong napalingon sa pinagmulan ng boses pero ang nakasarang pintuan nalang ang nakita ko. T-teka... B-bakit parang... Parang kahawig ng boses nya ang boses na yun? For a moment ay natigilan lang ako sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay ang bilis ng t***k ng puso ko lalo pa na't ilang taon ko ng hindi naririnig ang boses na iyon. But then I sigh. Ito na siguro ang nagagawa ng sobrang pagka-miss ko sa babaing yun. Naririnig ko nalang sa kung saan-saan ang boses nya. Napahinga nalang ako ng malalim at naglakad na ng mag-isa sa malamig na street na iyon. Mga tarantado talaga. Matapos akong pagbayarin ng mga kinain nila ay nagawa pa nila akong iwan ng mag-isa. Humanda talaga sila pag nakauwi ako. ************** "Unnie! Masarap ata itong Red Velvet cake nila!" "Hindi kaya! Mas masarap itong cappuchino!" "Hayy...baka nakakalimutan nyong malapit na ang debut natin kaya pwede bang umiwas muna kayo sa calories?!" "Ayyyyyyyyy....! Si Hani unnie naman eh~! Pakainin mo naman kami ng bagong pagkain! Puro damo lang ang pinapakain sa atin ni manager eh!" "Omo! Omo! Nagiging kulay green na ata ang skin ko ng dahil sa sobrang pagkain ng mga gulay! Eottokke?!" Napangiti nalang ako habang mag-isa akong nakatayo sa tabi ng cashier. Samantalang busy naman ang lahat ng kasamahan ko sa pagtingin ng mga cakes na nasa kabilang counter. "Aiissshh...! Kapag natapos na ang lahat ng promotions natin after debut, kakain ako ng maraming-maraming cake!" Pero may nakakuha ng atensyon ko mula sa katabi kong cashier. My brows met. Isa itong tissue paper at mukhang may nakasulat dito. "Gaga! Pagagalitan lang tayo ni Manager!" Nagtataka kong pinulot ang tissue na iyon at binasa ang mga nakasulat doon... Pero... "Waaaaahhh~! Kahit isang subo lang ng black forest ay pwede na akong mamatay sa sobrang saya!" Baby baby, you're a caramel macchiato Your scent is still sweet on my lips Baby baby tonight... "Aish! Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi na sana tayo dapat nagpunta pa dito!" "Waaaa~masisira ang figure ko kapag kumain ako nito!" Girl, I debuted, that's enough right? I made a bet with the world on how much I'd succeed My half-moon eye smile that I only showed you, I'm doing it again these days My fans are curious... "Kailangan nating umorder ng sugar free na kape para maiwasan natin ang calories!" "Ah! Americano nalang kaya?!" Oh and I don't drink macchiatos You know that I started drinking americanos because of you "Black coffee para safe!" "Huhuhu, malalagot tayo kay manager once na nalaman nyang pumasok tayo dito!" When we dated, I wondered what kind of taste this was But this cold and bitter aftertaste makes sense now that you're not here girl If I'm gonna get used to everything like this, I would choose the full-of-regrets, playing with fire Our heartless promises, countless mistakes and other wrongs, our unspeakable and small wounds... "Ssssshh...! Hindi nya malalaman kung walang magsusumbong!" "Waaaa~gusto ko talagang kumain ng chocolatte na cake!" The glass filled with memories is more bitter as I drink it But I think I know why I keep drinking it Why am I getting so sad that everyone lives this way? "Unnie!" ang biglang lingon sa akin ng maknae namin. "Unnie! O-order na ako! Caramel Macchiato ang sayo diba?!" Baby baby, you're a caramel macchiato Your scent is still sweet on my lips Baby baby tonight... I crumpled the tissue paper in my hand at itinapon yun sa malapit na trash bin na katabi ko. And then I looked up and smiled at her. "No" ang nakangiting sabi ko. "I preffered espresso" to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD