Music #18

1783 Words
Yoongi's Music Music #18 Yuseon's POV: "Hayy...excited na talaga ako para sa audition" ang nakangiting sabi nya sa harapan ko gamit ang usual na inaantok na boses nya. "Sa tingin mo Music, makakapasa kaya ako?" Nasa isang coffee shop kami ngayon dahil dito nya ako niyayang pumunta matapos ang klase namin noong hapung iyon. At katulad ng mga nakalipas na araw ay wala syang ibang bukambibig kundi ang nalalapit na audition nya sa isang agency sa Seoul. At katulad din ng dati, sa tuwing binabanggit nya ang audition na yun ay may bahagi sa dibdib ko ang humahapdi. Pero nagtaas parin ako ng mukha at nakangiting nagsalita. "Oo naman..." ang sagot. "Magaling ka kaya alam kong makakapasa ka" He gave me that sweet smile. "Hayyy..." he sigh saka nya ipinatong ang mukha nya sa kamay nya at nakangiting tinitigan ako. His eyes is sparkling with the beautiful rays of the orange sunset at nakadagdag yun sa kakaibang emosyon na nakikita ko sa mga mata nya sa tuwing tinititigan nya ako. At sa tuwing ginagawa nya yun ay hindi ko maiwasang mamula. Pero bago pa man ako maka-react ay nagsalita na sya habang nakatitig parin sya sa akin. "Alam mo bang sa tuwing tinititigan kita...ay ang daming lyrics na pumapasok sa utak ko?" he said. "At sa sobrang dami nun, hindi ko na alam kung paano pa sila pagdudugtungin para gumawa ng isang kanta" I felt my cheeks burning. "Music..." he called me again while his beautiful eyes are staring at me. "...ano bang inilagay mo sa pagkain ko at sobrang mahal kita ha? Siguro ginayuma mo ako noh? Feeling ko scam lang ang lahat ng ito eh. Umamin ka" Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa sinabi nya. "Ambisyoso" ang nakangiting sabi ko saka ko kinurot ang ilong nya. "Aray! Aray!" ang sigaw nya. "Hindi ka ganun kagwapo para gayumahin ko" "Music! Ang ilong ko! Aaaah!" Doon ko na binitiwan ang ilong nya at agad naman syang humarap sa akin. "Yah!" ang nakangiting sigaw nya. "Ano bang klaseng girlfriend ka ha? Bakit mo sinasaktan? Gusto mo ba akong patayin ha?" "Psh. Parang namang nakakapatay ang pagkurot sa ilong" "Yah! Paano pag nagka-nose cancer ako ha?" I rolled my eyes. "Ang kulit mo" ang nakangiting sabi ko. "Ang ganda mo" he said almost whispering. Agad akong namula pero nag-iwas nalang ako ng tingin. Tamang-tama naman na dumating na ang inorder naming kape. Ibinaba na yun ng waiter sa harapan namin at nagpasalamat naman kami. "Caramel macchiato na naman ba ang inorder ng Music ko?" ang nakangiting sabi nya habang tinitignan ang kape ko. "Hayyy...minsan pakiramdam ko ay mas mahal mo pa ang kape na yan kesa sa akin" I smiled. "Psh. Seloso. Pati ba naman kape pagseselosan mo?" ang nakangiting sabi ko saka tinignan din ang inorder nya. Pero nabigla ako nang makita yun. "Café Americano?" ang nakangiting sabi ko saka ko syang tinignan. "Kailan ka pa nagsimulang uminom nyan? Diba ayaw mo nyan?" Nagtaas naman sya ng mukha at ngumiti ng napakatamis. Saka sya naupo ng maayos at nag-dekwatro pa bago nya hinawakan ang mug na para bang isang business man na na nasa isang meeting. "Simula ngayon, magiging mature na ako" ang mayabang na sabi nya. "Kailangan kong maging oppa sayo kaya dapat pang-oppa din ang o-orderin kong kape" Saka nya hinigop yun na para bang isang expert. Pero after din nun ay natawa nalang ako nang makita ko ang unti-unting pag-iiba ng ekspresyon ng mukha nya. "Accckkk! Ang pait!!!" ang sigaw nya habang nakapikit pa saka nya naibaba ang mug sa mesa. "Hahahahahaha!" I laughed. "Acccckkk!" ang sigaw parin nya. "Teka, kape ba 'to o lason?! Accckk!" Natatawa ko nalang na ibinigay sa kanya ang asukal na kaharap namin. "Oh" ang alok ko sa kanya. "Lagyan mo nalang ng asukal para mabawasan ang pait. Hahahahaha" Pero mas natawa ako nang kumuha sya ng isang kutsara ng asukal mula doon at kinain yun. Naiiyak na ako sa sobrang katatawa habang hindi parin maiguhit ang mukha nya. "Oppa~~" ang tudyo ko sa kanya. "Uminom ka pa ng Americano oppa~~diba gusto mong maging isang oppa sa akin ha? Hahahahaha" He glared at me with that smile on his face. "Pasalamat ka mahal kita" he said. Tumigil naman ako sa pagtawa at pinunasan nalang ang namuong luha sa mga mata ko ng dahil sa sobrang tawa. Naupo nalang sya ng maayos sa harapan ko at sinimulang lagyan ng asukal ang kape nya. "May na-realize lang ako" ang sabi ko. His brows met. "Ano?" Ngumiti ako saka inilapit ang puting asukal sa braso nya na nakapatong sa mesa. "Na kasing puti mo ang asukal na 'to" ang nakangiting sabi ko. "At kasing tamis din ng asukal na 'to ang ngiti mo" Nakita ko ang unti-unting pag-guhit ng matamis na ngiting iyon sa labi nya at ang pagsingkit na naman ng mga mata nya ng dahil sa sobrang saya ng ngiti nya. "Talaga?" ang nakangiting sabi nya at mukhang kinikilig sya. "Ikaw din Music, para kang caramel macchiato" My brows met. "Bakit?" Mas lalong tumamis ang ngiti nya. "Because you're the sweetest thing that I ever had in my whole entire life. Yiheee~~" ang kinikilig pa na sabi nya. I just rolled my eyes. "Psh. Bolero" I said. "Psh. Maganda" he said then wink at me. Nagbaba nalang ako ng tingin dahil namumula na ako sa mga pinagsasabi nya. "Baby, baby...you're a caramel macchiato..." ang biglang kanta nya habang nakatutok sa labi nya ang mug nya at nakatitig sa akin. "...you're scent is still sweet on my lips" Nagtaas ako ng tingin at mas lalo akong namula nang kindatan nya ako habang nakatitig parin sya sa akin kasama ang matamis na ngiting iyon. "Baby, baby...you're a caramel macchiato..." ang patuloy parin nya sa pagkanta. "...you're scent is still sweet on my lips..." Napapansin kong napapatingin narin sa amin ang lahat ng dumadaan doon. "Yah..." "Baby, baby, you're a caramel macchiato---"" "Yoongi-ah!" saka ko hinampas ang braso nya. Nahihiya na kasi talaga ako dahil pinagtitinginan na kami ng ibang customer at ng ibang dumadaan doon. "Arasseo, arasseo..." ang natatawang sabi nya saka nahimas ang napalong braso. "Yah, ano bang klaseng girlfriend ka ha? Ba't mo ako sinasaktan?" Pero namumula nalang akong nagbaba ng tingin. Naramdaman ko nalang na ginulo na nya ang buhok ko kaya nagtaas ako ng tingin at mas lalo akong namula nang magtama ang mga mata namin. And with those beautiful eyes that's been sparkling with the rays of the sunset, he spoke. "Basta...tatapusin ko ang kantang iyon Music..." ang nakangiting sabi nya. "At darating ang araw na maririnig mo ang kantang iyon na ipinapatugtog sa buong mundo" ******************* Nang matapos kaming magkape sa coffee shop na iyon ay sabay na kaming naghintay ng bus sa may bus stop. Magkaiba ang route ng mga bus na sinasakyan namin pero ang ginagawa nya ay hinahatid muna nya ako sa bahay bago sya umuuwi sa kanila. Naging open narin kami kay Tita tungkol sa relasyon namin at kahit na medyo hindi pabor si Tita sa kanya ay naging maayos naman ang pagtanggap nya sa relasyon naming dalawa. Dahil narin siguro sa nakikita nya kung gaano ako inaalagaan ni Yoongi. Naging mali lang ang first impression nya kay Yoongi kaya siguro hindi rin nya maiwasang mag-alala paminsan-minsan. Pero may napapansin lang akong pagbabago nitong mga nakalipas na mga araw... "Ah...Music, hindi na muna siguro kita maihahatid sa inyo..." ang sabi nya gamit ang usual na inaantok na boses nya. "...m-may...m-may...pupuntahan pa kasi ako eh..." Oo. Napapansin ko na ilang araw na syang tumigil sa paghahatid sa akin sa bahay namin dahil ang rason nya ay may importante pa daw syang pupuntahan. Naiintindihan ko naman na may ibang bagay pa syang pinagkakaabalahan pero hindi ko maiwasang makaramdam ng uneasiness sa dibdib ko. Hindi naman ako nagtatanong dahil ayokong isipin nya na wala akong tiwala sa kanya. Pero... Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may nararamdaman akong mali sa laging paghihiwalay namin sa bus stop na ito. Na para bang...may itinatago sya sa akin... Nakatayo na kaming pareho ngayon sa bus stop at nasa harapan ko na ang bus na sasakyan ko. Pero nanatili lang akong nakatitig sa gwapong mukha nya sa gitna ng malamig na panahon. "S-saan ka ba p-pumupunta ha?" Yes. Finally. Finally ay nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob na itanong sa kanya iyon. Hindi ko rin alam kung bakit. Is it just my instinct that's telling me that something is not right o talagang...may itinatago talaga sya sa akin? Idagdag pa na minsan ay nakikita kong may lagi syang kausap sa phone. At nahahalata kong itinatago nya sa akin kung sino man yun. He looked at me and smiled. "Ah, wala..." ang sabi nya saka napakamot ng batok."...m-magpa-practice lang ako para sa audition ko next week..." Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. I'm trying to read his mind pero wala akong mabasa. But I know that something is not right. "Okay..." I gave up. "T-tumawag ka nalang sa akin kapag nakauwi ka na..." Yes. I trust him. At kung saan man sya pumupunta ngayon ay alam kong wala akong dapat na ikabahala. Yoongi loves me. And I trust him. Yun lang ang mahalaga sa akin. He smiled at me saka nya inabot ang ulo ko at nakangiting ginulo yun. "Music...mahal ka ni oppa, okay?" he said. And just by hearing that, ang lahat ng pag-aalala at agam-agam ko ay biglang nawala. I smiled. "Neh" I said. Ngumiti lang sya at inayos ang headphone na suot ko. "Hayyy...kailan mo kaya tatanggalin ang headphone na 'to sa tenga mo?" ang nakangiting sabi nya saka ibinulsa na ang mga kamay. "O sya, sumakay ka na bago ka pa man iwan ng bus. Tumawag ka sa akin kapag nakauwi ka na okay?" Ngumiti lang ako. At may naisip pa akong kalokohan. "Neh Appa!" ang sigaw ko saka mabilis na tumakbo papasok ng bus. Nang makapasok ako ay hinarap ko sya at nakita kong napikon sya sa sinabi ko. "Yah!" ang natatawang sigaw nya. Pero nag-bleh lang ako sa kanya at doon ko naramdaman ang pag-alis ng bus. Natatawa nalang akong kumaway sa kanya mula sa loob ng bus. Natatawa din syang kumuway sa akin. Nang hindi ko na sya makita pa ay naupo na ako sa mga upuan doon at nakangiting napatingin sa labas. Pero nabigla ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya nagtataka kong tinignan yun. May nag-text sa akin. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang unregistered number ito. Nagtataka ko nalang na binasa ang laman ng message pero... Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko mula sa nabasa ko. "Your boyfriend is cheating on you" to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD