Music #17

2253 Words
Yoongi's Music Music #17 Back to the Past... Yuseon's POV: "Oh! Yuseon-ah! Nandito ka ba para bisitahin ang anak ko ha?" ang masayang salubong ng mama nya sa akin sa may pinto ng bahay nila. "Halika! Halika! Pasok ka!" Ngumiti naman ako sa Mama nya at nahihiyang pumasok. Ito kasi ang unang beses na nakapasok ako ng bahay nila simula nang magsimula kaming mag-date na dalawa. And it's been one month now. Hindi ko ring maiwasang mahiya sa Mama nya na sobrang boto sa relasyon naming dalawa. "Naku, pasensya ka na kay Yoongi anak ha. Kanina ko pa ginigising pero ayaw gumising eh. Naku, ang batang iyon" ang sabi pa nya. Ngumiti nalang ako sa kanya. "Naku, okay lang po yun. Nandito lang naman po ako dahil nagpapaturo sya sa akin ng isang assignment nya" ang nakangiting sabi ko. "Ah sige anak, ikaw nalang ang gumising sa kanya ha. Puntahan mo nalang sya sa kwarto nya dahil sumuko na ako sa pag-gising sa batang iyon" she said. "Nasa itaas lang ang kwarto nya. Yung unang kwarto" "Ah sige po" Saka ako yumuko at naglakad nalang paakyat ng hagdan na nanduon. Nang makarating ako sa itaas ay agad na akong lumiko sa unang pinto. Alam kong sa kanya ang kwartong iyon dahil may nakasulat pa sa pinto na... "DISTURB MY SLEEP AND I'LL KILL YOU" Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit na nagdi-date na kami ay hindi parin talaga sya nagbabago. Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot. Kumatok ako uli pero wala parin. Kaya naisipan kong buksan nalang iyon at nabigla ako nang bumukas nga. Sumilip muna ako sa loob at hindi na ako nabigla na makita syang nakahiga sa kama nya at mahimbing na natutulog. "Yoongi-ah..." I called him. Pero hindi sya tuminag. I sigh. Pumasok nalang ako sa loob at isinara ang pinto. Doon ko lang din napansin ang mga nagkalat na mga papel sa paligid. Pinulot ko ang isang papel doon at binasa ang laman. I smiled. Mukhang nagco-compose na naman sya ng bagong kanta. Inilapag ko nalang ang papel sa mesa na katabi ko at naglakad palapit sa kama nya. "Yoongi-ah..." I called him again. Pero nanatili lang syang nakapikit. Napahinga nalang ako ng malalim at this time ay inalog ko na ang braso nya. "Yoongi-ah..." Medyo gumalaw naman sya. "Hmm..." he answered pero hindi parin sya nagbukas ng mata. "Yoongi-ah, gumising ka na...diba gagawin pa natin yung assignment mo?" "Hmm..." he murmured. "Mamaya na...inaantok pa ako..." "Yoongi-ah..." saka ko inalog uli ang braso nya. "Hmm..." "Yoongi---" pero napatili ako nang bigla nyang hilain ang braso ko dahilan para mapahiga ako sa tabi nya. And as soon as nakahiga na ako sa tabi nya ay agad nyang ipinulupot sa akin ang mga kamay at binti nya para hindi ako makawala. "Matulog nalang tayo..." he whispered into my head habang nakapikit parin. Hindi ko mapigilang pamulaan ng mukha lalo pa na't ito ang unang beses na nakatabi ko sya sa kama. "Yoongi-ah...baka dumating ang mama mo at baka kung ano ang isipin nya sa atin kapag nakita nya tayo sa ganitong posisyon..." ang namumula kong sambit. Pero mas hinigpitan nya pa ang pagyakap sa akin. Ramdam ko rin ang binti nya na nakapulupot sa binti ko. "Hmm...hayaan mo sya..." ang nakapikit parin nyang sabi. "Girlfriend kita kaya okay lang..." Hindi ako makasagot. Lalo pa na't ramdam ko parin ang pamumula ko at ang pagkalabog ng mabilis ng dibdib ko. Ngayon ko lang sya nakatabi ng ganito kalapit. Lalo pa na't sa one month na nagdi-date kami ay ngayon lang sya yumakap ng ganito sa akin. "Ano bang ginawa mo kagabi ha?" ang nakapikit at inaantok parin nyang tanong. Napalingon naman ako sa kanya mula sa pagkakatihaya ko. Bakit ba nya itinatanong yun? Pero kahit na nagtataka ay sumagot parin ako... "Ah eh...wala naman..." I whispered. "Sinungaling" he said. Napakurap ako. Huh? Pero bago pa man ako makasagot ay nagsalita na sya uli. "Ang sabi mo wala kang ginawa pero buong gabi kang tumakbo sa isipan ko" ang nakapikit parin nyang sabi but after he said that ay nakita ko ang pagsungaw ng matamis na ngiti sa labi nya na para bang kinilig sya sa sinabi nya. At hindi ko ring maiwasan na mas pamulaan ng mukha after nyang sabihin yun. "Nasaan ka ngayon?" ang tanong na naman nya habang nakapikit. My brows met. Bakit nya itinatanong yun eh nandito ako sa tabi nya? "N-nandito sa tabi mo..." I whispered. "Sinungaling" Huh? Pero bakit--- "Nandito ka sa puso ko. Ahihihi" at humagikgik pa sya sa kilig habang nakapikit parin. Samantalang parang nasusunog na ang magkabilang pisngi ko nang dahil sa mga pinagsasabi nya. Hindi ko narin mapigilang mapangiti. "May isa pa..." ang nakangiting sabi nya at doon na sya nagbukas ng mga mata dahilan para magkatitigan kaming dalawa. "...music ka ba?" I blink. Bakit nya itinatanong yun? Pero bago pa man ako makasagot ay inunahan na nya ako. "Eh kasi...ikaw ang buhay ko..." sinabi nya yun gamit ang malamlam na boses nya habang nakatitig sa mga mata ko kaya pakiramdam ko ngayon ay hindi na ako makahinga sa sobrang bilis na kalabog ng dibdib ko. Hindi ako makasagot. Marahil dahil yun sa sobrang sayang nararamdaman ko sa puso ko nang dahil sa sinabi nyang yun. He might not say it very often. But he never failed to make me feel special. At nang hindi ako makasagot ay doon na nagsalubong ang kilay nya. "Yah, ba't hindi ka kinikilig sa mga banat ko ha?" ang reklamo nya sa akin gamit ang inaantok na boses nya. "Ano bang klaseng girlfriend ka ha? Gusto mo na bang mamatay?" Doon naman ako bumalik sa senses ko at agad akong nag-iwas ng tingin. "T-tumayo na nga lang tayo" ang natataranta ko pang sabi saka ako pilit na kumawala sa yakap nya. Nagpapasalamat naman ako at pinakawalan na nya ako. Tumayo nalang ako sa tabi ng kama nya at hinarap sya. I really try hard to make my expression normal kahit na alam kong namumula parin ako ngayon. "Y-yah...tumayo ka na dyan para masimulan na natin ang assignment mo" ang sabi ko. "Aiiisshh..." ang parang napipilitan pa nyang sabi saka naupo nalang sa kama nya. Tumalikod nalang ako para maitago ang pamumula ko at napalingon sa kwarto nya. "Yah...bakit ganito kagulo ang kwarto mo ha?" ang pag-iiba ko ng topic saka isa-isang pinulot ang nagkalat na mga papel sa kwarto nya. "Ang daming nagkalat na papel" "Music..." he whispered. My brows met. Ano bang pinagsasabi nya? Kaya nilingon ko nalang sya habang hawak ko parin ang mga papel na yun. At nabigla ako nang makitang nakatitig pala sya sa akin mula sa kama nya. And with that bored and sleepy eyes, he looked at me. "Music..." he whispered again. "Eh?" Tumitig lang sya sa akin at doon ko nakita ang unti-unting pagsungaw ng matamis na ngiti na iyon sa labi nya. "Simula ngayon...Music na ang itatawag ko sayo" ang nakangiting sabi nya. My brows met. "P-pero bakit?" But he just gave me that sweet smile. "Eh kasi nga...ikaw ang buhay ko" ang nakangiting sabi nya at itinaas-baba pa nya ang dalawang kilay nya na para bang nanunudyo. "Okay ba?" Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko kaya mabilis akong tumalikod at nagpatuloy sa pagpulot ng mga nagkalat na mga papel nya. "T-tumayo ka na dyan...para masimulan na natin ang assignment mo" ang namumula ko pang sambit. "Sinong may assignment?" ang tanong nya at napahikab pa sya. My brows met saka ko sya nilingon. "Eh diba may assignment ka?" ang takang tanong ko. Pero tinitigan nya lang ako at doon ko nakita ang pagsungaw ng pilyong ngiting iyon sa labi nya. And as soon as nakita ko yun ay alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon kaya naibaba ko nalang ang mga kamay ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. "Wala ka talagang assignment noh?" ang nasambit ko. Pero ngumiti lang sya sa akin ng napakatamis dahilan para sumingkit na naman ang mga mata nya at makita ko na naman ang bahagyang paglabas ng gilagid nya. "Ang totoo nyan, gusto lang kitang makasama ngayon..." ang nakangiting sabi nya and then he called me again in that name. "...Music ng buhay ko" ******************** "Mahal ni Yoongi si Music~~si Music ang buhay nya~~si Music ang buhay nya~~mahal ni Yoongi si Music~~" ang kanta na naman nya gamit ang satoori accent na yun habang naglalakad kami sa daanan na katabi ng kalsada. Yes. Just like before, he tricked me again para lang makapunta ako sa bahay nila at para makapag-date na naman kami. At hindi ko maintindihan kung bakit lagi nalang akong nahuhulog sa patibong nya. Kaya ngayon ay naglalakad-lakad kami sa tabi ng mga shops habang hawak nya ang kamay ko sa gitna ng malamig na paligid. Matapos syang kumanta ay nakangiti pa syang lumingon sa akin. "Music" he called me. Pero hindi ko sya nilingon. Ayoko lang makita nya ang pamumula ng mukha ko ngayon. "Yah, ikaw ba si Music ha?" ang nakangiting tanong nya gamit ang pilyong ngiting iyon. Nilingon ko naman sya at sinimangutan. "Pero hindi Music ang pangalan ko" ang kunyari ay irritated kong sagot. At katulad kanina ay isang napakatamis na ngiti lang ang isinagot nya. "Pero ikaw ang buhay ni Yoongi kaya ikaw si Music" ang nakangiting sagot nya. Lumingon nalang ako sa harapan dahil alam kong sobrang pula na ng magkabilang pisngi ko ngayon. Nakikita ko pa ang malamig na hangin na lumalabas sa bibig ko nang dahil sa sobrang lamig. "Arrasseo, arraseo..." ang nakangiting sabi nya habang hawak parin ang kamay ko. "Basta ikaw ang buhay ko at pasensya na pero hinding hindi na kita pakakawalan pa" Mas lalo lang akong namula nang dahil sa sinabi nyang iyon. Pero nabigla ako nang kumanta na naman sya uli at this time ay mas malakas na. "Mahal ni Yoongi si Music~~! Si Music ang buhay nya~~! Si Music ang buhay nya~~! Mahal ni Yoongi si Music~~!" Namumula ko naman syang nilingon lalo pa na't napapalingon na sa amin ang lahat ng nakakasalubong namin sa daanan na iyon. "Yah!" Pero nagpatuloy lang sya sa pagkanta habang nakapikit at tinakpan nya pa ng isang daliri nya ang kanang tenga nya at feel na feel nya ang pagkanta. "Mahal ni Yoongi si Music~~! Si Music ang buhay nya~~! Si Music ang buhay nya~~! Mahal ni Yoongi si Music~~!" "Yoongi-ah!" ang natatawa ko naring saway sa kanya. Lumingon naman sya sa akin at nakangiting inakbayan ako. "Eh si Music..." he whispered while looking at my face with some warm emotions in his eyes. "Mahal ba ni Music si Yoongi-ah?" Namumula nalang akong nagbaba ng tingin at sa mahinang boses ay sumagot ako. "O-oo naman..." I whispered. "...m-mahal kita..." Saka ako nagtaas ng tingin at ang sumalubong sa paningin ko ay ang kinikilig na mukha nyang iyon. At doon ko naramdaman ang pag-gulo nya ng buhok ko gamit ang isang kamay nya at habang nakaakbay naman sa akin ang isang kamay nya. "Aigoo...ang cute-cute talaga ng girlfriend ko...aigoo...basta...kahit ano mang mangyari...wag kang mawawala sa akin ha..." ang nakangiting sabi nya saka tumitig sa mukha ko. "...Music ko..." Namumula naman akong ngumiti at tumango. "Hinding-hindi ako mawawala sayo..." I said. "...pangako yan" He smiled at me. "Promise?" I smiled too. "Promise..." Ngumiti lang sya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Hinawakan nya uli ang kamay ko at sa totoo lang, kahit sa simpleng ginagawa nya lang na ito ay nararamdaman ko ang pagmamahal nya sa akin. Pero natigil ako sa paglalakad nang may mahagilap ang mga mata ko sa salamin ng isang shop na nadaanan namin. Isang magandang kulay puti na headphone. Oo, kahit na nagdi-date na kami ay nagsusuot parin ako ng headphone. Mahirap na sigurong alisin ang nakasanayan kong pagsusuot ko nun. Pero napahinga nalang ako ng malalim nang makita ang presyo. Masyadong mahal. Mukhang napansin naman nya yun kaya napatingin din sya sa tinitignan ko. "Music...gusto mo ba ng headphone na yun ha?" ang tanong nya gamit ang inaantok na naman na boses nya. Pero ngumiti lang ako sa kanya at umiling. "H-hindi..." ang pagsisinungaling ko. "H-hindi ko alam pero...madali akong ma-attract sa kulay puti na headphone" He smiled saka nilingon ako. "So favorite color ng music ko ang white?" ang nakangiting tanong nya. Tumango ako. And that's not a lie. Paborito ko talaga ang color white. Nakangiting ginulo nya lang ang buhok ko at nagsalita. "Ah, so kung ganun...favorite color ko narin ang white" ang nakangiting sabi nya. "Psh, gaya-gaya" ang nakangiting tudyo ko sa kanya. "Yah, simula ngayon, ang lahat ng paborito ng music ko ay magiging paborito ko narin" ang inaantok nyang sabi habang nakangiti ng payak. Ngumiti nalang ako. "Arrasseo..." ang nakangiting sabi ko. "Tara na nga..." Saka ako naunang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Pero napansin kong hindi sya sumunod kaya nagtataka akong lumingon sa kanya. At nakita kong nakatingin parin sya sa headphone na tinitignan ko kanina. My brows met. Bakit sya nakatitig doon? "Yoongi-ah!" ang tawag ko sa kanya. Agad naman syang napalingon sa akin at ngumiti. Saka sya naglakad narin papunta sa akin. "Bakit mo tinitignan yung headphone?" ang takang tanong ko nang makalapit na sya. Pero ngumiti lang sya sa akin. "Wala lang..." ang nakangiting sagot nya saka nya ako inakbayan. "Tara na nga, manuod nalang tayo ng sine" Napatitig nalang ako sa kanya habang naglalakad kami. Nakangiti sya pero parang ang lalim ng iniisip nya. But then I just shrug at nakangiti nalang na nagpatuloy sa paglalakad kasama sya. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD