Music #14

1895 Words
Yoongi's Music Music #14 "Yuseon-ah! Okay ka lang ba anak? May nangyari ba sa school ninyo?" Yan ang naririnig kong katok ni Tita sa pinto ng kwarto ko habang nakaupo lang ako sa sahig sa loob ng kwarto ko. Basta't pagkatapos naming mag-usap kanina ni Jana ay sumakay na ako ng bus at umuwi na ng bahay. At pagkarating ko ng bahay ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko at ini-lock ang sarili ko. Ini-off ko rin ang cellphone ko para hindi ako matawagan ni Yoongi. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko syang kausapin. Madilim din ang buong kwarto ko dahil hindi ko binuksan ang ilaw. Dahilan para mas mag-alala si Tita na nasa labas. "Yah, kausapin mo naman ang tita mo. May nangyari ba sa school ninyo ha kaya hindi mo ako kinakausap ngayon?" ang nag-aalalang katok parin nya. I didn't respond. Niyakap ko nalang ang mga binti ko at napasubsob ng mukha doon. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ba ako nalulungkot? Bakit ko ba nararamdaman ang lahat ng ito matapos sabihin ni Jana na magkakabalikan na sila ni Yoongi? Ano naman yun sa akin kung magkakabalikan na sila? Afterall ay kaibigan lang ako ni Yoongi para maramdaman ang lahat ng ito... "Aigoo...this kid...arasseo, basta mamaya kausapin mo ako okay? Aigoo..." she gave up. At doon ko narinig ang mga papalayong yabag ng mga paa nya. Samantalang mas hinigpitan ko nalang ang pagyakap sa mga binti ko. Sobrang hapdi ng dibdib ko ngayon at hindi ko rin alam kung bakit... "Yuseon-ah!" Nabigla ako nang biglang bumalik si Tita at kumatok uli sa pinto ko. "Yuseon-ah, may naghahanap sayo sa labas. Ang sabi nya kaibigan mo daw sya" ang sabi nya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Oo... Sino pa ba ang nag-iisang kaibigan ko sa buong mundo? At teka...kung totoo ngang sya ang nasa labas ay bakit sya nagpunta sa bahay namin? At paano nya nalaman kung saan ako nakatira? "Yuseon-ah..." ang katok parin ni Tita sa pinto. "Ano? Sasabihin ko bang bukas ka nalang kausapin dahil gabi na?" Pero doon na ako mabilis na napatayo mula sa sahig at mabilis na sumagot. "H-hindi tita! K-kakausapin ko sya!" ang parang natataranta ko pang sagot at binuksan ko ang pinto. And without looking at her ay mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan papunta sa sala. Narinig ko pa ang sinabi nya. "Aigoo...this kid really..." all she could say. Hindi ko rin alam. Pero excited akong makita sya kahit na may bahagi sa akin ang ayaw syang makita ngayon nang dahil sa mga nalaman ko. Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng bahay at patakbo pang lumabas ng bahay. At nang makarating ako sa gate ay doon na ako napatigil sa pagtakbo at hinihingal na napatayo mula sa kinatatayuan ko. Tama nga ang hinala ko. Si Yoongi. Si Yoongi ang nagpunta sa bahay ko nang ganitong oras ng gabi... Nagtaas naman sya ng mukha mula sa kinatatayuan nya at katulad ng dati ay ang bored at inaantok na mukha nyang iyon ang sumalubong sa paningin ko. Napansin ko rin na nakasuot parin sya ng uniform at yun parin ang mga dala nya simula pa kanina. Pero teka... Ibig sabihin ba nun...ay hindi pa sya nakakauwi sa kanila? "Yah..." ang simula nya gamit ang usual na bored na boses nya saka tumitig sa akin ang mga mata nyang iyon. "Kaninang hapun pa kita tinatawagan matapos sabihin sa akin ni Jana na umuwi ka ng mag-isa pero hindi kita makontak. Alam mo bang sa sobrang pag-aalala ko sayo ay isa-isa ko pang pinuntahan ang mga bahay ng mga classmates mo na kilala ko para lang itanong kung saan ka nakatira? Iniwan mo ako sa basketball game ko ng walang paalam, hindi kita makontak, at naubos pa ang pamasahe ko sa kakahanap sayo...yah, gusto mo na ba talagang mamatay ha?" Sinabi nya yun gamit ang inaantok na boses nya kaya hindi ko alam kung totoong galit nga sya. Pero nakikita ko sa mga mata nya na talagang nag-aalala sya. Samantalang sa dami ng sinabi nya ay hindi ko alam kung ano ang ire-react. Lalo na't nabigla ako at hindi ko inaasahan ang mga ginawa nya para lang mahanap ako. Talaga bang...nag-aalala sya sa akin? Talaga bang...isa-isa nya pang pinuntahan ang mga classmates ko para lang itanong kung saan ako nakatira? At nang hindi ako makasagot ay huminga nalang sya ng malalim saka nagbulsa ng mga kamay sa pants nya. "Pero ngayong nalaman kong nakauwi ka narin pala ng maayos at walang gasgas, makakahinga narin ako ng maluwag. Pero sa susunod na pag-aalalahanin mo ako ng ganun...." he said in his bored and sleepy voice bago nya ako pinandilatan ng mga mata. "...ibibitay kita ng patiwarik sa basketball ring, arasseo?" Napalunok ako. Pero mabilis parin akong napatango. "Very good" ang sabi nya saka tumitig na naman sa akin. "Pero bakit ka nga ba umalis kanina ha? Bakit mo ako iniwan doon at naisipan mong umuwi ng mag-isa? Gusto mo na ba talagang mamatay ng maaga ha?" Napababa naman ako ng tingin at sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. "Kapag hindi mo ako sinagot, ililibing kita ng buhay sa harapan din ng bahay nyo" ang banta nya pa sa akin. Nagtaas naman ako ng mukha at tumitig sa gwapo nyang mukha. Pero agad parin akong nagbaba ng tingin dahil nahihiya akong sabihin sa kanya ang dahilan. "Si Jana..." I started. "Oh? Anong meron kay Jana?" he asked in his sleepy voice. Napalunok muna ako bago ako nagpatuloy. "T-totoo bang..." hindi ko alam kung bakit nanginginig ako. "...t-totoo bang ex mo sya at magkakabalikan na kayo?" Hindi sya sumagot. Hindi sya sumagot kaya mas kinabahan ako. Pero bakit ba ako kinakabahan? Bakit ko ba talaga nararamdaman ito? Nagtaas ako ng mukha at tinignan ang inaantok na gwapong mukha nya para makita kung ano ang reaksyon nya. Pero... "At sino namang gago ang nagsabi nyan sayo ha?" ang sagot nya sa akin habang nakatingin sa akin ang mga mata nyang iyon. Hindi ako makasagot. "Si Jana ba?" ang tanong nya pa. Napayuko nalang ako at napatango. I heard him sigh saka sya napayuko na para bang hindi sya makapaniwala sa mga naririnig nya habang nakabulsa parin sya ng mga kamay. Saka sya nagtaas uli ng mukha at nabigla ako nang sumalubong sa akin ang natatawang mukha nyang iyon. "So iniwan mo ako kanina ng walang paalam, pinatayan mo ako ng cellphone, at naubos ang pamasahe ko nang dahil lang sa kakahanap sayo ng dahil lang sa sinabi sayo ni Jana na ex ko sya at magkakabalikan na kami? Pfft---HAHAHAHAHAHAHAHA!" then he burst into laughter. My brows met. Ano ba ang nakakatawa doon? Pero nagpatuloy lang sya sa pagtawa. Samantalang nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Bakit ba sya tumatawa ha? "Aiiisshh..." ang natatawa paring sabi nya saka nagpahid ng luha sa mga mata nya ng dahil sa sobrang pagtawa. I blink. Ano ba talaga ang...nakakatawa doon? Pero tumigil na sya sa pagtawa at ngayon ay sumiryoso na ang mukha nya. Saka sya tumitig sa akin gamit ang matamis na ngiting iyon at may nakikita pa akong panunukso sa mukha nya dahilan para mapaiwas ako ng tingin. "Yuseonie..." he called my name with that sweet smile on his face. "Paano kapag sinabi ko sayo na never pa akong nagka-girlfriend at ikaw palang ang kaisa-isa at kauna-unahang babaing naging kaibigan ko? Maniniwala ka ba?" Nabigla ako sa sinabi nya kaya mabilis akong napatingin sa kanya. "P-pero...pero ang sabi ni Jana---" "Yah, matagal na kaming nili-link ng mga kaibigan ko sa isa't isa dahil matagal na syang may gusto sa akin. Pinalabas pa nila na naging kami para lang sa katuwaan ng barkada pero never nangyari yun. Aissshh..." ang nakangiting sabi nya saka nagtaas ng shoulder at mayabang na nagsalita. "...kaya nga ayokong nakikipagkaibigan sa mga babae eh dahil nahuhulog agad ang mga loob nila sa akin. Oh well, wala tayong magagawa kung ganito ako kagwapo at patay na patay sya sa akin" Samantalang hindi naman ako makapagsalita ng dahil sa sobrang pagkabigla. Kung ganun... Hindi totoong... Hindi totoong naging sila at magkakabalikan na sila? At ako ang...ako lang ang nag-iisa at unang naging kaibigan nyang babae? Pero napalunok nalang ako nang bigla syang tumitig sa akin gamit ang pilyo at nanunuksong tingin na iyon. "Pero teka lang Yuseonie..." he started at hindi ko alam kung bakit napalunok ako sa paraan ng pagtingin nya sa akin ngayon. "...wag mong sabihin na...nagseselos ka?" Naramdaman ko kaagad ang pagragasa ng dugo sa magkabilang pisngi ko at mabilis akong sumagot. "H-hindi ah!" ang deny ko. Pero nagseselos nga ba talaga ako? Yun nga ba talaga ang dahilan kaya nasaktan ako sa sinabi ni Jana sa akin? Hindi sya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. At nabigla ako nang makitang nakatitig lang sya sa akin gamit ang simpleng ngiting iyon sa labi nya at may nakikita pa akong paglamlam sa mga mata nya. And when I saw him looking at me like that, ay doon ko naramdaman uli ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko. Nanatili lang syang nakatitig sa akin at nakabulsa parin ang dalawang kamay nya. And in a calmer and gentle tone, he spoke again. "Yuseonie...tatanungin kita uli..." he said while staring at my face. "...nagseselos ka ba?" I can feel my heart pounding so hard inside my chest. Tinanong nya yun sa akin sa paraan na hindi nya ginagamit ang pilyong ngiti nya at hindi sya nanunukso. Pero itinanong nya yun sa akin sa paraan na may nakikita akong paglamlam sa mga mata nya na para bang may gusto syang marinig na sagot mula sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin bago pa man nya mapansin ang pamumula sa magkabilang pisngi ko. Nagpapasalamat nalang ako at madilim na ngayon kaya hindi nya makikita yun. "H-hindi..." I lied. "...n-nag-aalala lang ako na b-baka...na baka masira ko ang relasyon nyo kung totoo ngang....m-may relasyon kayong dalawa" Hindi sya sumagot. Basta't ramdam ko na nakatitig parin sya sa akin gamit ang tingin na iyon kaya hindi ko sya kayang tignan sa ganuong ekspresyon ng mukha nya. Pakiramdam ko kapag sinalubong ko ang tingin nya ngayon ay baka tuluyan na akong kapusin ng hininga ng dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Okay" he suddenly said. Doon na ako nagtaas ng tingin at napatingin sa kanya. This time ay nagpapasalamat ako na nakita kong wala na ang emosyon na yun sa mukha nya at napahikab na sya ngayon. "Aiisshhh...." he yawn saka nag-stretching at napatingin sa paligid. "Lumalalim na ang gabi kaya kailangan ko ng umuwi...baka pagalitan pa ako ni Eomma" "O-oh...n-neh..." ang nasambit ko nalang. "Yuseonie..." he suddenly called my name. Agad naman akong napatingin sa kanya. At napalunok pa ako nang makitang nakatitig na naman sya sa akin. "Talaga bang...hindi ka nagseselos?" ang tanong na naman nya uli. Napakurap ako. Bakit ba lagi nalang nyang itinatanong yun? Pero bago pa man ako makasagot ay agad na syang nagsalita. "Nevermind" ang sabi nya saka sya ngumiti ng napakatamis at doon na tumalikod sa akin. "O sya, uuwi na ako. Goodnight Yuseonie" And with that he walked away. Samantalang naiwan naman akong mag-isang nakatayo doon habang nakatitig sa likuran nya. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Bakit nga ba...ang bilis ng t***k nun? to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD