Yoongi's Music
Music #13
Nagpapasalamat ako na agad din kaming nakarating sa pupuntahan namin.
Dahil pakiramdam ko ay sa bawat minuto na nanatili akong hawak-hawak ni Yoongi ay pakiramdam ko ay nababawasan ang buhay ko ng dahil sa sobrang kaba.
"Oh! Nandito na pala si Motionless Min!" ang natatawang salubong sa amin ng isang grupo ng kalalakihan nang makarating kami sa basketball ring na iyon.
Nasa tabing daanan din yun kaya kitang-kita rin dito ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada.
"Mga gago, tigilan nyo nga ang pagtawag sa akin ng ganyan" ang inaantok nyang sabi saka nakipag-fist bump sa mga ito.
Napansin ko rin na iba't-ibang uniform ang suot nila kaya alam kong galing sila sa iba't ibang school. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit wala akong nakikitang kasama o kaibigan sa school namin si Yoongi. Dahil taga-ibang school pala ang mga kaibigan nya.
Agad namang napunta sa akin ang atensyon nilang lahat at nang makita nila ako ay isang masigabong hiyawan ang nangyari.
"KATAPUSAN NA NG MUNDO! MAY GIRLFRIEND NA SI YOONGI!!!" ang sigaw ng isa sa kanila.
"Yiheee...! Ikaw Yoongi ha, may girlfriend ka na pala pero ngayon mo lang dinala dito. Yiheee...!" ang kinikilig pa na tudyo ng isa.
"Congratz pare! May pumatol na sa isang batugang katulad mo!" ang sigaw naman ng isa.
Girlfriend?
Girlfriend ako ni Yoongi?
Hindi ko mapigilang mamula at mapayuko ng dahil sa sinabi nila.
Isa-isa naman silang binatukan ni Yoongi kaya natahimik sila.
"Mga gago, tumahimik nga kayo" ang banta nya sa inaantok na boses na iyon. "Kapag naging uncomfortable si Yuseonie dito nang dahil sa mga sinasabi ninyo, malilintikan kayo sa akin"
"Aray naman Yoongi! Bakit? Sino ba sya ha?" ang tanong ng isa habang kinakamot ang nabatukan na ulo.
"Oo nga, ngayon ka lang nagdala ng chicks dito eh kaya ano pa ba ang iisipin namin?" ang sabi naman ng isa.
Pero nabigla ako nang bigla akong akbayan ni Yoongi at doon ko na nakita ang matamis na ngiting iyon sa labi nya bago tumingin sa mga kaibigan.
"Sya si Yuseon, ang bagong kaibigan ko" ang nakangiting sabi nya habang namumula naman akong napayuko.
"Ahhh...so kaibigan lang pala..." ang sabay-sabay pa nilang sabi.
Lumingon sa akin ang isa at sobrang tamis ng ngiti nyang inilahad sa akin ang kamay nya.
"Ah, hi Yuseon! Ako nga pala si Mino! Nice meeting you!"
Namumula naman akong tumingin sa kanya at aabutin ko na sana ang kamay nya pero nabigla ako nang paluin sya ng coat ni Yoongi sa mukha.
"Yah! Wag kayong magkakamaling manyakin si Yuseonie kung ayaw nyong makatikim ng tadyak mula sa akin" ang banta nya sa mga ito.
"Aray! Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya eh!" ang naiiyak namang sabi ni Mino habang hinahaplos ang napalo na mukha then he murmured. "Hmp. Bina-bakuran mo lang eh"
Pero hindi na sya pinansin ni Yoongi at nagsalita na sya uli.
"Oh, nasaan na ang iba para makapagsimula na tayo ng game?" ang tanong nya sa mga kasamahan.
"Nandito na ang lahat. Ikaw lang ang hinihintay gago" ang sabi naman ng isa.
"Hindi pa ba kayo magsisimulang maglaro? Naiinip na ako" ang biglang sulpot ng babaing boses na iyon sa likuran ng mga kaibigan ni Yoongi.
Sabay naman kaming napalingon at nakita kong isang magandang babae yun na nakasuot din ng school uniform na galing din sa ibang school.
Teka...sino sya?
Pero nabigla ako nang magtama ang mga mata namin at nakita kong nakatingin sya ng masama sa akin. Kaya agad na akong nagbaba ng tingin.
"Aissh...Jana, sino ba kasing nagsabi sayo na sumama ka pa dito ha?" ang reklamo ng isang lalaki.
Pero hindi sya sumagot. Nakita kong nakatingin lang sya sa akin ng masama saka dumako ang tingin nya kay Yoongi na ngayon ay parang walang pakialam na nakatayo lang sa tabi ko at nakaakbay parin sa akin.
"Psh. Nandito lang yan dahil gusto nya lang makita si Yoongi. Hahahaha---aray!" si Mino pero natigil sya nang paluin sya sa ulo ni Jana.
Pagkatapos nun ay walang salita na syang tumalikod at naupo sa bench na nasa tabi ng ring at nag-cross arms habang nakatingin parin sa amin.
"Aish, ang mga babae talaga..." ang sabi ni Mino habang kinakamot ang napalo na ulo at tumingin kay Yoongi. "Yah Yoongi, balikan mo na kasi yan para lumamig na ang ulo nya"
Nabigla ako sa narinig ko.
Balikan?
Anong ibig sabihin nun?
Pero hindi sya pinansin ni Yoongi at tumingin nalang sa ibang kasamahan.
"O sya, dahil nandito na tayong lahat ay magsimula na tayo" ang walang kangiti-ngiti na sabi nya.
"YUHOO!!!" ang sabay na sigaw ng mga kasamahan nya saka sila nagtatakbo sa court.
Samantalang hindi parin ako maka-move on sa narinig ko na sinabi ni Mino. Ano nga kaya ang ibig sabihin nun? Posible kayang...
Pero naputol ang lahat ng iisipin ko nang lumingon sa akin si Yoongi at ini-pat nya ang ulo ko.
"Yuseonie..."he called my name at natigilan ako nang makita ko na naman ang matamis na ngiti nyang iyon. "Maupo ka lang at panuorin mo ako ha?"
Napatango naman ako.
"N-neh..." I whispered.
Ngumiti lang sya sa akin at inayos ang pagkakasuot ko ng headphone ko. Pagkatapos ay pumunta na sya sa mga kasama na ngayon ay nagsisimula ng maglaro sa gitna ng ring.
Samantalang tumalikod nalang ako at naupo sa bench na malapit sa akin. Saka ako napalingon kay Jana na ngayon ay nakaupo lang sa bench na nakatapat sa akin. Ngayon ko lang napansin na kami lang palang dalawa ang babae sa lugar na iyon.
Sino nga kaya sya?
At bakit ako nakakaramdam ng uneasiness sa dibdib ko habang nakikita ko kung paano sya tumingin kay Yoongi? Ano nga kaya talaga ang ibig sabihin ng sinabi ni Mino kanina?
Pero teka...bakit ba ako nakikialam sa kung ano mang meron sa kanila ni Yoongi? Tama. Baka nga naman kaibigan lang sya ni Yoongi at isa pa ay wala naman akong karapatan makialam dahil kaibigan lang din ako ni Yoongi.
Napadako nalang ang tingin ko kay Yoongi na ngayon ay mukhang sobrang saya at sobrang nag-i-enjoy sa paglalaro ng basketball. Naalala ko na ganito rin sya kasaya at ka-enjoy tignan nung nakita ko syang nagra-rap sa underground rap battle ground noon.
"Excuse me" ang biglang sulpot ng boses na iyon sa tabi ko.
Agad naman akong nagtaas ng mukha at nabigla ako nang makita si Jana na nakatayo sa tabi ko.
But before I could speak ay nagsalita na sya.
"Pwede mo ba akong samahan na bumili ng drinks para sa kanila?" ang walang kangiti-ngiti at seryosong tanong nya sa akin.
Napakurap ako. Lalo na't hindi ko inaasahan na kakausapin nya ako. Mula kasi sa nakikita ko sa kanya kanina ay parang hindi nya gusto na nanduon ako.
Pero napatango parin ako.
"Oh...neh..." ang sambit ko saka ako tumayo.
At tatalikod na sana kami para umalis pero may biglang tumawag sa akin.
"Yuseonie!"
Sabay naman kaming napalingon ni Jana sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang hinihingal na si Yoongi na tumigil sa pagtakbo at ngayon ay nakatingin sa amin.
"Saan ka pupunta?!" ang tanong nya gamit ang hinihingal na boses na iyon. At pinalakas nya yun para marinig ko sya dito.
Napatingin naman ako kay Jana bago ko sya nilingon uli at nagsalita.
"Bibilhan lang kita ng drinks!" ang sigaw ko rin para marinig nya ako.
At nang marinig nya yun ay nakita ko ang pagsungaw ng matamis na ngiti na iyon sa labi nya. At katulad ng dati, kapag nakikita ko ang ngiti nyang iyon ay hindi ko mapigilang mapatulala.
"Oh, talaga? Bibilhan mo ako ng drinks?" ang mukhang sobrang sayang tanong nya. "Sige, sige...mag-iingat ka sa daan okay?"
Yun lang saka sya nakangiting bumalik sa pagtakbo.
Samantalang natigilan naman ako.
Bakit ba mukhang sobrang saya nya sa sinabi kong bibilhan ko sya ng drinks?
********************
Buti nalang at may malapit na convenience store sa basketball court na iyon kaya hindi na kami nahirapang bumili ni Jana ng drinks para sa kanilang lahat.
At ngayon ay naglalakad na kami pabalik.
Hindi pa kami nag-uusap ni Jana simula nang makaalis kami ng court. Hindi ko rin alam kung bakit parang ayaw nya akong kausapin at kung bakit parang kahit isang ngiti ay hindi nya maibigay sa akin.
Samantalang mas pinili kong manahimik nalang din.
Pero habang naglalakad sa tabing daanan ay bigla nalang syang nagsalita.
"Ex-girlfriend nya ako..."
Napatigil ako sa paglalakad at nagtatakang napalingon sa kanya.
Ex-girlfriend?
Nino?
Hinarap nya ako at ngayon ay magkaharap na kami sa gitna ng walang katao-tao na daanan na iyon. Ngayon ko lang napansin kung gaano sya kaganda...
Pero nabigla ako sa sumunod na sinabi nya.
"Ex-girlfriend ako ni Yoongi" she said.
Pakiramdam ko matapos nyang sabihin yun ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. At may bahagi ng dibdib ko ang kumirot ng dahil sa sinabi nya.
Pero bakit ko ba nararamdaman 'to?
Ano naman ngayon kung ex-girlfriend sya ni Yoongi?
"At magkakabalikan na kami kaya layuan mo sya" ang sabi pa nya gamit ang walang emosyon na boses na iyon.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
At kitang-kita ko sa mga mata nya na seryoso sya sa sinabi nya.
Magkakabalikan?
Magkakabalikan na sila ni Yoongi?
Hindi ko alam. Pero matapos nyang sabihin yun ay pakiramdam ko at tuluyan ng naging blangko ang lahat. At sobrang hapdi ng dibdib ko ngayon.
Pero bakit ko ba nararamdaman 'to? Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ako nasasaktan sa iisipin na may ex-girlfriend si Yoongi at ngayon ay magkakabalikan na sila?
Inagaw nya sa akin ang mga bitbit kong supot na may lamang drinks na binili namin at wala na akong nagawa nang hawakan nya yun ng mahigpit.
"Ngayon, umuwi ka na at wag ka ng magpapakita pa kay Yoongi. Kahit respeto nalang sa relasyon naming dalawa" ang sabi pa nya. "As a true girlfriend of Yoongi, I'm asking you to stay away from him"
Tuluyan na akong nanlamig mula sa kinatatayuan ko.
At hindi pa man ako nakakasagot ay tumalikod na sya at nagmamadaling naglakad paalis.
Samantalang naiwan akong mag-isang nakatayo doon at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
to be continued...