Music #15

2976 Words
Yoongi's Music Music #15 Nang makauwi na si Yoongi ay naglakad na ako papasok ng bahay. Pero natigilan ako nang madatnan kong nakatayo sa gitna ng sala si Tita at halatang hinihintay nya ako. "Pwede bang malaman kung sino sya?" ang tanong nya gamit ang nag-aalalang boses na iyon habang nakayakap sa sarili. Nagtaka naman ako dahil halatang nag-aalala sya. "K-kaibigan ko po sya..." ang naisagot ko. At nang marinig yun ay nakita kong mas nadagdagan ang pag-aalala sa mukha nya. "Yuseon-ah..."she started. "Alam kong wala kang masyadong kaibigan pero...pero pwede bang piliin mo ang mga taong kakaibiganin mo?" Nagsalubong ang kilay ko ng dahil sa sinabi nya. Bakit ba nya nasabi yun? Ayaw nya bang makipagkaibigan ako kay Yoongi? Pero bago pa man ako makasagot ay agad na syang nagsalita. "He's wearing ear piercings...at kulay pula pa ang buhok nya...anak, baka naman masamang tao sya o baka kasali sya sa mga gangsters na nasa lugar natin" ang dugtong nya pa. "Ayoko lang na mapasama ka sa mga taong katulad nya. At hindi sya magandang ihimplo para sayo" Agad na nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa iniisip nya tungkol kay Yoongi. "Pero tita---" "Basta" she cut me off. "Ayokong nakikita kitang sumasama sa mga lalaking katulad nya na nagsusuot ng ear piercings at kulay pula pa ang buhok. Hindi magandang tignan anak na sumasama ka sa isang katulad nya..." And before I could protest ay tumalikod na sya at naglakad paalis. Samantalang naiwan akong mag-isang nakatayo doon. Few days later... "Same day, same moon 24/7 every moment repeats My life is in between Jobless twenty-somethings are afraid of tomorrow It's funny, you think anything is possible when you're a kid When you feel how hard it is to get through a day Keep feeling like the "Control" beat, keep downloading it Every single day is a repetition of ctrl+c, ctrl+v..." He stopped from rapping at napatingin sa akin. "Yuseonie...ano sa tingin mo? Maganda ba?" ang nakangiting tanong nya sa akin. Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa sahig sa may balcony kung saan sya laging natutulog noon at kinakanta nya sa akin ang unang kantang ginawa nya. Oo, sobrang excited nga syang iparinig yun sa akin eh at ngayon ay nakikita ko sa mga mata nya na sobrang excited sya na makita ang magiging reaksyon ko. But just like before ay napatulala lang ako sa gwapong mukha nya. Hindi ko kasi maiwasang isipin na...sobrang galing nya sa paggawa ng music at sa pagra-rap. Ito ang unang kantang ginawa nya at hindi ko mapigilang humanga sa kanya. Pero natigilan din ako nang maalala ang sinabi sa akin ni Tita noong isang gabi. "Ayokong nakikita kitang sumasama sa mga lalaking katulad nya na nagsusuot ng ear piercings at kulay pula pa ang buhok. Hindi magandang tignan anak na sumasama ka sa isang katulad nya..." Napatingin nalang ako sa ear piercings na suot nya saka dumako ang tingin ko sa pulang buhok nya. Nagsalubong naman ang kilay nya nang mapansin ang pagkatulala ko sa kanya. "Yuseonie? Okay ka lang?" ang tanong nya gamit ang inaantok na naman na boses na iyon. Napakurap ako at agad na nagbaba ng tingin. "M-maganda..." ang sambit ko sa mahinang boses. "Aisshh...yah" ang sabi nya saka ako inakbayan. "Bakit parang hindi ka masaya sa pagsasabi na maganda ang kantang ginawa ko ha? Ano bang klaseng kaibigan ka?" Nagtaas ako ng mukha at nakita ko ang matamis na ngiting iyon sa labi nya. At namula pa ako nang bigla nyang guluhin ang buhok ko habang nakangiti parin sa akin gamit ang matamis na ngiting iyon. "Alam mo bang sa bilyon-bilyong tao sa buong mundo ay ikaw ang unang nakarinig ng kantang unang ginawa ko?" ang nakangiting sabi nya dahilan para matigilan ako. "Kaya dapat maging masaya ka...okay?" Napatulala nalang ako sa gwapo nyang mukha at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Aisshh..." ang nakangiting sabi nya saka umakbay uli sa akin at napatingin sa asul na langit. "Bata palang ako ay pangarap ko ng makagawa ng magandang music at maiparinig sa buong mundo ang kantang ginawa ko...at pakiramdam ko malapit ng magkatotoo yun. Diba Yuseonie?" Saka sya lumingon sa akin at doon nagtama ang mga mata naming dalawa. At katulad ng dati...sa tuwing nagkakasalubungan ang paningin naming dalawa ay hindi ko mapigilang mamula. Nakita kong unti-unti ring nawala ang ngiti sa labi nya habang nakatitig sa mukha ko at napalitan yun ng kakaibang emosyon kaya pakiramdam ko ay nanigas ako. Idagdag pa na sobrang lapit namin ngayon sa isa't isa at nakaakbay parin sya sa akin. Pero agad din syang nag-iwas ng tingin at lumingon nalang sa harapan. Doon ko narin naramdaman ang pagbitiw nya sa akin at ngayon ay naupo nalang sya ng maayos sa tabi ko. "Yuseonie..." ang sambit nya sa mahinang boses na iyon. "N-neh?" He took a deep breath at minsan nya lang gawin yun kaya napatingin ako sa kanya. "Balak kong mag-audition sa isang entertainment agency sa Seoul next month..." Natigilan ako nang dahil sa sinabi nya at napatitig nalang ako sa gwapo nyang mukha. Mag-o-audition sya...sa isang...agency? Ang ibig sabihin ba nun... "Sa tingin mo..." ang sambit nya saka gumuhit ang payak na ngiti na iyon sa labi nya saka lumingon sa akin. "...sa tingin mo...may chance kaya na makapasa ako?" ...ay maaaring mahiwalay sya sa akin? Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko lalo na't hindi parin ako nakaka-recover sa pagka-shock ng dahil sa narinig kong ibinalita nya. Pakiramdam ko ay may kung anong pumipiga ngayon sa dibdib ko ng dahil sa unti-unting paglukob ng pinaghalong lungkot at sakit sa puso ko. Kung ganun...may balak din syang umalis at iwan ako? Napayuko nalang ako para maitago ang sakit na alam kong nakabaha ngayon sa mukha ko. Ayokong makita nya yun lalo pa na't pangarap nya ang pinag-uusapan namin. "S-syempre n-naman..." ang sambit ko. "M-makakapasa ka...alam ko..." Ang sakit. Afterall...ay kaya parin pala nya akong iwan... Oo. Iiwan din pala nya ako... Naramdaman kong inakbayan nya ako at doon nya ginulo ang buhok ko. "Salamat Yuseonie" ang masayang sabi nya habang ginugulo ang buhok ko. "Masaya talaga ako na sinabi mong makakapasa ako. Oh! Hindi pa tapos ang kantang ginawa ko...pakinggan mo ang susunod na lyrics ha!" Saka tumingin uli sa papel na hawak nya at nagsimulang kumanta uli habang nakaakbay parin sya sa akin. Samantalang nagtaas naman ako ng tingin at napatingin sa masayang mukha nya. "I have a long way to go but why am I running in place? I scream out of frustration..." Gusto ko sanang sabihin na wag na syang mag-audition... "But the empty air echoes I hope tomorrow will be different from today I'm just wishing..." Pero habang nakatingin ako sa kanya ngayon... "Follow your dream like breaker Even if it breaks down, oh better..." At nakikita ko kung gaano kasaya ang ngiting iyon sa labi nya habang kumakanta... "Follow your dream like breaker Even if it breaks down, don't ever run backwards, never..." Ay napapaisip ako kung ano nga ba ang karapatan ko na hadlangan ang pangarap nya? Napahinga nalang ako ng malalim saka ako biglang tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi ko na ata kakayanin ang lungkot na nararamdaman ko ngayon ng dahil sa iisipin na malaki ang chance na makapasa sya at kapag nangyari yun ay lalayo na sya sa akin... Masaya ako at may pangarap sya na maging isang idol pero hindi ko maiwasang malungkot sa iisipin na pwede syang malayo sa akin sa oras na nakapasa sya. He is the only friend I've got. Magiging selfish ba ako kapag hiniling ko sa kanya na wag na syang mag-audition? Agad naman syang natigil sa pagkanta at naramdaman ko ang pagtingin nya sa akin. Pero hindi ko magawang lingunin sya at makita uli ang masayang ngiti sa labi nya habang kumakanta. "B-babalik na siguro ako sa classroom..." ang sambit ko sa mahinang boses habang hindi ako makatingin sa kanya. Naramdaman kong tumayo din sya pero hindi sya nagsalita. Pakiramdam ko ay nakatitig lang sya sa akin ngayon at hindi ko alam kung bakit wala syang sinasabi. "S-sige...k-kita nalang tayo mamaya..." ang sambit ko saka ako nagmamadaling naglakad paalis. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay... "Yuseonie..." he called me using his usual sleepy and bored voice. Hindi ako lumingon. Dahil pakiramdam ko kapag nakita ko uli ang mukha nya ay baka mapaiyak ako ng dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. "Yuseonie...look at me" he ordered. Napahinga naman ako ng malalim at kahit na labag sa kalooban ko ay nilingon ko nalang sya. Ayokong isipin nya na hindi ako masaya sa mga plano nya sa buhay. Ayokong isipin nya na hindi ko sya sinusuportahan sa pangarap nya. Lumingon ako sa kanya and in the middle of that balcony ay nagtitigan kaming dalawa. Hindi na sya nakangiti ngayon at napalitan na ang ekspresyon ng mukha nya gamit ang inaantok at bored na mukha na iyon. Hindi rin ako nagsalita at nanatili lang akong naghihintay ng sasabihin nya. And then... "Alam mo bang ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng mabuti ha?" ang tanong nya sa akin gamit ang inaantok na mukha nya. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "Yuseonie..." he called my name using that voice again pero hindi ko inaasahan ang sumunod na sinabi nya. "...I love you..." Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi nya. "Ilang gabi ko ng iniisip kung paano ko ba sasabihin yan sayo at dahil pagod na ako at tinatamad narin akong mag-isip ng paraan kung paano ko ba sasabihin yun ay naisip kong sabihin nalang ngayon" ang sabi pa nya gamit parin ang inaantok na boses nya habang nakatitig sa akin ang inaantok na mga mata nya. "Yuseonie...I love you" I'm speechless. I was stunned. Sa sobrang pagkakabigla ng dahil sa narinig kong sinabi nya ay hindi na ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Ramdam ko rin ang panlalamig ko lalo na't nanggaling mismo ang mga salitang iyon sa bibig ni Min Yoongi. Talaga bang...sinabi nya yun? Talaga bang...sinabi nyang mahal nya ako? Nagpapasalamat ako at suot ko ang headphone ko ngayon kaya iisipin nyang hindi ko narinig ang sinabi nya. "H-hindi kita naririnig..." I lied. Natatakot lang ako na baka nananaginip lang ako nang sabihin nyang mahal nya ako kaya nagsinungaling ako na hindi ko sya naririnig. Pero... "I love you..." ang ulit nya habang nakatitig parin sa akin ang inaantok na mga mata nyang iyon. "Hindi kita naririnig..." ang ulit ko din. Hindi ko rin alam. Pero gusto ko lang makasigurado na talaga ngang totoo ang naririnig ko. And after I said that ay nakita ko ang unti-unting pag-guhit ng isang pilyong ngiti sa labi nya bago sya nagsalita uli. "Hindi mo ako naririnig?" ang tanong nya gamit ang pilyong ngiti na iyon. Napalunok muna ako bago ko inulit ang sinabi ko. "Hindi kita naririnig..." ang buong tapang na sabi ko. He smirk then he took a step forward. Samantalang nanatili lang akong nakatayo mula sa kinatatayuan ko. Then he raised his head and with a playful smile on his face ay nagsalita sya uli. "Yuseonie...I love you..." ang ulit nya. "Hindi kita naririnig..." ang sagot ko parin. He took a step forward again at nagsalita uli. "I love you" "H-hindi kita naririnig..." My voice cracked lalo na't ramdam ko na ang sobrang bilis na pagkalabog ng dibdib ko dahil ilang hakbang nalang ang layo nya mula sa kinatatayuan ko. He just smiled at me then took a step forward again. Saka sya nagtaas uli ng mukha at nakangiting nagsalita uli. "I love you..."he said. "H-hindi k-kita naririnig..." Napatitig lang sya sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. "Okay" ang nakangiting sabi nya then took a step forward again. At ngayon... Ay halos hindi ako makahinga dahil nakadikit na ang mga paa namin sa isa't isa at sa sobrang lapit nya ay naaamoy ko na ang mabangong pabango nya. Napalunok nalang ako lalo pa na't magkadikit na ang mga noo namin. He's too close that it's getting harder to breathe. "I love you..." he whispered into my face. Pero napalunok parin ako at sa garalgal na boses ay nagsalita parin ako. "H-hindi k-kita n-naririnig..." ang bulong ko rin sa mukha nya. He smirk. "Hindi mo pala ako naririnig ha..." he said with that warning tone. And before I could move ay hinawakan nya ang magkabilang tenga ng headphone na suot ko at walang babalang hinila ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. The kissed was fast and I could feel my heart pounding so furiously inside my chest. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay wala akong nagawa kundi ang manigas mula sa kinatatayuan ko habang ramdam ko parin ang mainit na labi nya sa labi ko. Min Yoongi...kissed me. And before reality could struck me ay doon na nya ako binitiwan at tumitig sa akin ang magagandang mga mata nyang iyon habang hawak parin nya ang magkabilang tenga ng headphone ko. "Kung hindi mo ako naririnig..." he whispered into my face. "...ay ipaparamdam ko nalang sayo..." ***************** "Kung hindi mo ako naririnig..." he whispered into my face. "...ay ipaparamdam ko nalang sayo..." Doon na gumana ang utak ko at mabilis ko syang itinulak palayo. Nakita ko naman ang pagkakabigla sa mukha nya lalo pa na't hindi nya inaasahan yun. Pero mabilis parin akong yumuko at napakuyom ng mga kamay. Alam kong pareho kami ng nararamdaman. Pero... "Ayokong nakikita kitang sumasama sa mga lalaking katulad nya na nagsusuot ng ear piercings at kulay pula pa ang buhok. Hindi magandang tignan anak na sumasama ka sa isang katulad nya..." "Yuseonie..." all he could manage to say. Pero mas dumiin ang pagkakakuyom ko ng mga kamay at pikit matang buong tapang na nagsalita. "Ayokong makipag-date sa isang lalaki na nagsusuot ng ear piercings at may kulay pula ang buhok!" ang buong tapang na sigaw ko. Alam kong masasaktan ko sya sa sinabi ko. Pero ayoko din namang saktan si Tita nang dahil lang sa makikipag-date ako sa lalaking ayaw nya. Hindi sya nagsalita kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Nakita kong nakatayo lang sya doon habang nakapamulsa at bumalik na naman ang inaantok na itsura nya. Pero agad parin syang nagtaas ng mukha at nagsalita. "Dyan ka lang" ang sabi nya sa inaantok na boses na iyon. "Wag kang aalis dyan hangga't sa hindi ako nakakabalik. Lagot ka sa akin kapag umalis ka" Yun ang huling sinabi nya bago sya tumakbo paalis. Habang naiwan akong mag-isang nakatayo doon at natitigilan sa kinatatayuan ko. ******************* Mag-iisang oras na ata akong mag-isang nakatayo sa balcony na ito. Pero nasaan na kaya si Yoongi? Saan ba talaga sya nagpunta at bakit bigla nalang syang umalis? Hindi kaya... Hindi kaya dahil sa sinabi kong ayaw ko sa kanya ay mas pinili nyang iwan nalang ako? Ayaw na kaya nya akong maging kaibigan ng dahil lang sa sinabi kong ayoko syang maging boyfriend? Alam kong may nararamdaman narin ako para sa kanya. Pero... Pero ayokong magalit si Tita ng dahil lang sa nakipag-date ako sa lalaking nagsusuot ng ear piercings at may kulay pa ang buhok. Ayokong saktan si Tita. Napatingin nalang ako sa relo ko at nakita kong malapit na ang next class ko. Napatingin ako uli sa hallway kung saan sya tumakbo kanina. Pero wala akong nakitang Min Yoongi doon. Sa tingin ko...ay tuluyan na syang umalis. At baka this time...ay baka hindi na sya bumalik... Ito na ba ang katapusan ng pagkakaibigan namin? Dito na ba matatapos ang pagkakaroon ko ng kaibigan? Pero hindi ko sya masisi. I just rejected him at alam kong nasaktan ko sya kahit na hindi ko nakita yun sa mukha nya. Napahinga nalang ako ng malalim. Tama. Mas mabuting umalis na ako kaysa sa maghintay pa sa kanya. Sa tingin ko, matapos ang mga sinabi ko ay mukhang malabo na syang bumalik... Naglakad nalang ako palabas ng balcony at nakayukong naglakad ng mag-isa sa hallway. Pero... "Diba ang sabi ko ay wag kang aalis sa balcony na iyon at hintayin mo ako? Yah, gusto mo na ba talagang mamatay ha?" ang biglang sulpot ng inaantok na boses na iyon sa harapan ko. Agad naman akong natigil sa paglalakad at nanlalamig na nagtaas ng mukha. But what I saw next froze me from where I stood. Halos hindi ko sya makilala nang makita ko ang gwapong lalaking iyon na mag-isang nakatayo sa harapan ko habang nakapamulsa at nakatingin na naman sa akin ang inaantok na mga matang iyon. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang matitigan ko na sya ng mabuti. "Y-yoongi-ah..." I whispered his name with disbelief in my eyes. A sweet smile was drawn up on his handsome face. "Oo na..." ang nakangiting sabi nya habang nakatitig din sa akin. "Alam kong gwapo talaga ako at kahit anong kulay ng buhok ay babagay sa akin kaya pwede ka ng tumigil sa paglalaway" Yes. He dyed his red hair back into black at nakita kong tinanggal narin nya ang mga ear piercings na nasa tenga nya. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. At pakiramdam ko ay nananaginip parin ako. "P-pero..." I whispered. "P-pero diba...p-pangarap mong maging si Sakuragi?" Oo nga. Yun ang rason nya kaya nagpakulay sya ng kulay pula sa buhok nya. Dahil pangarap nyang maging katulad ni Sakuragi. His beautiful eyes looked at me habang nakangiti parin sya ng payak. "Well..." he sighed. "May bago na akong pangarap ngayon..." Napakurap naman ako. "A-ano naman ang bagong pangarap mo?" ang takang tanong ko. But he just smiled at me and I froze when he walks towards me hanggang sa nakatayo na sya sa harapan ko. At gamit ang malamlam na mga mata nyang iyon ay tumingin sya sa akin at tuluyan na akong nanigas sa isinagot nya... "Maging boyfriend mo..." he answered with that sweet smile on his face. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD