Music #12

1687 Words
Yoongi's Music Music #12 Nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba sa kanya ito ngayong araw na 'to o hindi but in the end ay... Inilapag ko sa harapan nya ang lunchbox na ginawa ko para sa kanya kaninang umaga. "G-ginawan kita ng lunch dahil baka nakalimutan ka na namang gawan ng Mama mo" ang hindi ko makatingin at namumulang sabi. Nasa cafeteria kami ngayon at katulad kahapon ay magkaharap na naman kaming nakaupo sa mesa na iyon. At katulad din kahapon ay nakatingin na naman sa amin ang lahat. Hindi sya nagsalita. At dahil wala akong natanggap na sagot ay dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nya para makita ang reaksyon nya. Pero... Nakita kong nakatingin lang sya doon. At hindi ko mabasa ang ekspresyon nya dahil blangko lang yun at wala rin syang sinasabi. Kaya napalunok ako. "P-pasensya ka na kung ganyan---" Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay napakurap ako nang walang salita nyang sinimulang kainin yun. Hindi na sya nagsalita after nyang kainin yun samantalang nakatingin lang ako sa kanya at pilit na binabasa ang ekspresyon nya. Hanggang sa naubos na nya ang lahat ng iyon pero hindi parin sya nagsasalita. Kinuha nya lang ang tubig na katabi nya at gamit ang inaantok na mukha na iyon ay tumingin sya sa akin. Samantalang naghihintay naman ako ng sasabihin nya. "Well...?" ang tanong ko. Then his bored and sleepy eyes looked at me. "Ang pangit" he said saka uminom ng tubig. Hindi ko mapigilang makaramdam ng disappointment sa sinabi nya. "Overcooked ang gulay, sunog ang kanin, hilaw ang karne" ang sabi pa nya gamit ang blangkong mukha na iyon saka tumitig sa akin. "Yah, babae ka ba talaga? Mas masarap pang magluto ang nanay ko sayo eh" That's it. Walang salita akong tumayo at binitbit ang bag ko at naglakad palabas ng cafeteria. Oo. Alam kong hindi ako marunong magluto. Pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para malutuan sya ng masarap na lunch. Kahit sabihin man lang nya na 'okay lang' o kahit magsinungaling nalang sana sya na 'masarap naman'. Pero tinanong nya pa ako kung babae ba ako at sinabi pa nyang mas masarap magluto ang nanay nya. Ano bang klaseng kaibigan sya ha? Ano bang klaseng kaibigan ang sasabihan ka ng ganun ka-harsh at ka-rude na words? O nasanay lang ba talaga ako na simula ng maging kaibigan ko sya ay naging mabait lang sya sa akin kaya nasasaktan ako sa rude na ugali nya? "Yuseonie" Nabigla ako nang marinig ko ang pagtawag nya sa akin. Hinabol pala nya ako. Pero hindi ako lumingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Yah, Yuseonie" Hindi ako lumingon. "Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~" ang pagkanta nya ng pangalan ko. Doon ako tumigil sa paglalakad sa hallway na iyon at hinintay nalang sya mula sa kinatatayuan ko. Afterall ay hindi ko sya matitiis. He's the only friend I've got. Naramdaman ko naman ang pagtayo nya sa harapan ko pero nanatili lang akong nakayuko at hindi makatingin sa kanya. Nahihiya ako dahil sa inasta ko sa kanya at the same time ay nasasaktan ng dahil sa mga sinabi nya. Nanatili lang akong nakatingin sa sahig nang bigla syang nagsalita. "Sinadya ko yun" ang sabi nya sa malumanay na boses na iyon. Nagtaka ako pero nanatili lang akong nakayuko. Sinadya nya ang alin? I heard him sigh. "Sinadya kong inisin ka para makaalis tayo doon at para..." ang sabi nya at agad na nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na ginawa nya. Dahil doon ko naramdaman ang biglang pagyakap nya sa akin sa gitna din ng walang katao-taong hallway na iyon. "...at para magawa ko 'to" he continued. Samantalang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko rin ay hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko. Oo. Yakap-yakap ako... Yakap-yakap ako ngayon ni Yoongi... "Salamat" ang sabi nya habang nakayakap sa akin at alam kong nakangiti sya nang sabihin nya yun. "Oo, ang pangit ng lasa ng niluto mo. Maalat ang ulam, sunog ang kanin, at hindi ko alam kung gulay ba yung kinakain ko kanina dahil sobrang lanta pero salamat parin. Hindi ko alam kung may lalaking gugustuhing magpakasal sayo dahil hindi ka marunong magluto pero ikaw ang kauna-unahang gumawa ng lunchbox sa akin except sa mama ko kaya nagpapasalamat talaga ako" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako sa sinasabi nya o masasaktan pero ang pakiramdam na yakap-yakap nya ako ngayon at nagpapasalamat sya ay tama ng rason para maging masaya ako. Doon na nya ako binitiwan at nakangiti syang nagsalita. And by just seeing his handsome face this close ay pakiramdam ko ay mas bumilis ang t***k ng puso ko. Namula pa ako nang maramdaman ko ang kamay nya na nag-pat sa ulo ko bago sya nakangiting nagsalita. "So..." ang nakangiting sabi nya. "...sabay tayong umuwi mamaya para madala kita sa game ko mamayang hapun" Napangiti ako. At sa totoo lang ay sobrang excited ako na makapunta sa laro nya. "Neh..." I answered. ************************ Katulad din ng dati ay magkatabi na naman kaming nakatayo ni Yoongi sa bus stop at naghihintay ng bus na sasakyan namin papunta sa lugar kung saan gaganapin ang game nya. At katulad din ng dati ay nakakuha na naman kami ng atensyon mula sa schoolmates namin na kasama din naming nag-hihintay ng bus doon. Pero nagpapasalamat nalang ako na wala akong naririnig na kahit ano sa kanila. Marahil siguro sa natatakot narin sila kay Yoongi. Ganun din ang nangyari sa classroom. Simula ata nang bigyan ako ng papel at ballpen ni Yoongi ay wala ni isang nagtangkang i-bully ako uli dahil narin sa takot nilang ilista ko ang pangalan nila. Hindi narin ako masyadong binu-bully ng mga schoolmates ko lalo na ng umugong ang balitang girlfriend ako ni Yoongi. Pasimple ko syang sinilip sa dulo ng mga mata ko and I saw him yawn. "Aiiishh...ba't ang tagal ng bus?" ang parang naiinip na nyang sabi saka nilingon ako. "Yah, Yuseonie, nilalamig ka ba?" Napakurap ako. Titanong nya ako kung nilalamig ako? Agad naman akong umiling. "H-hindi naman..." ang sambit ko. Ngumiti lang sya sa akin gamit ang sobrang tamis na ngiti nyang iyon at namula pa ako nang abutin nya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. At katulad ng dati...kapag ngumingiti sya sa akin...ay nakakaramdam na naman ako ng kakaiba sa dibdib ko. Naramdaman kong inayos nya pa ang headphone na suot ko. "Aissh...kailan ka kaya titigil sa pagsusuot ng headphone?" ang nakangiting sabi nya. "Pero okay lang, cute ka parin naman kahit lagi ka nalang nakasuot ng headphone" Pakiramdam ko ay mas namula ako ng dahil sa sinabi nya. Paano ba nya nasasabi na cute ako na parang wala lang sa kanya? Samantalang parang hindi naman ako makahinga ng dahil sa sobrang kalabog ng dibdib ko. Tumayo nalang sya ng maayos sa tabi ko at katulad ng dati, kapag magkasama kami ay nagsimula na naman syang kumanta. "Yuseonie~~ang cute ni Yuseonie~~" ang simula na naman nyang pagkanta gamit ang satoori accent na iyon. Namumula ko syang sinaway. "Yah" ang saway ko sa kanya. "Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~" ang patuloy nya at ngayon ay may papikit-pikit pa syang nalalaman dahil sa sobrang fini-feel nya ang pagkanta. "Yoongi-ah..." ang saway ko parin sa kanya at this time ay pinalo ko na ang braso nya. Natatawa naman syang tumigil at nakangiti pa syang lumingon sa akin habang hinihimas ang napalong braso. "Mianhe" ang natatawang sabi nya. "Hindi ko alam pero ang sarap gawing kanta ng pangalan mo. Yah, nag-i-enjoy lang akong kantahin ang pangalan mo kaya wag mo na akong suntukin" Namula ako nang dahil sa sinabi nya. Nag-i-enjoy syang kantahin ang pangalan ko? Ano bang ibig sabihin nya doon? "Oh, nandito na pala ang bus" ang nakangiti nyang sabi nang makitang paparating na ang bus na sasakyan namin. Napatingin naman ako doon at nakita kong tumigil na iyon sa harapan naming dalawa. Lumingon sya sa akin at nakangiting nagsalita. "So, tara?" ang nakangiting yaya nya. Tumango naman ako at nauna na akong sumakay sa bus. Pero napansin kong puno ang bus at siksikan pa sa loob kaya ang nangyari ay wala na kaming maupuan. "Aissh...so tatayo nalang siguro tayo" ang sabi nya. Napalingon ako sa kanya at nasa tabi ko na pala sya. Nakisiksik nalang kami sa punong-puno na bus na iyon dahilan para maging sobrang lapit namin sa isa't isa. Ngumiti lang sya sa akin at humawak sa handle na nasa gitna ng bus. Biglang umandar ang bus at dahil hindi ako handa ay muntik na akong matumba mula sa kinatatayuan ko. Pero nabigla ako nang maramdaman ko ang mainit na kamay na yun na humapit ng bewang ko. At sa pagharap ko ay ang nag-aalalang mukha ni Yoongi ang nakita ko. "Yuseonie, okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong nya. Pero hindi ako makasagot. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at ramdam ko ang mainit na dibdib nya na ngayon ay nakadikit sa akin. "Wag kang mag-alala, hahawakan nalang kita para hindi ka na matumba uli" ang sabi nya parin sa nag-aalalang mukha na iyon. Pero hindi parin ako makasagot. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa sobrang bilis na kalabog ng dibdib ko. Nakahawak lang naman ang mainit na kamay nya sa bewang ko habang nakadikit ako sa dibdib nya. Oo, hawak-hawak ako ngayon ni Yoongi at sobrang lapit ko sa kanya na naaamoy ko na ang mabango nyang pabango. At ngayong sobrang lapit ko sa kanya ay pakiramdam ko ay parang naging blangko ang lahat. Ano ba 'tong...nangyayari sa akin? Mas matangkad sya sa akin kaya nakatingin lang ako sa mukha nya. At namula pa ako nang bigla syang nagbaba ng tingin dahilan para magtama ang mga mata namin. Agad naman akong namumulang napaiwas ng tingin samantalang nahuli ko ang pilyong ngiting iyon na gumuhit sa labi nya. I heard him sigh bago nagsalita. "Arasseo, arasseo..." ang nakangiting sabi nya habang nakayakap parin sa akin. "...alam kong gwapo ako kaya pwede mo na akong tigilan na titigan" Hindi ako makasagot. Lalo na't para akong nilalamon ng sobrang kahihiyan ng dahil sa pagkakahuli nya sa akin. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD